00:00Pati ang singil sa kuryente, posibleng tumaas dahil sa nakaambang big-time oil price hike
00:05ayon sa Energy Regulatory Commission.
00:08Sabi ng ERC, batay sa pagtataya ng Independent Electricity Market Operator of the Philippines,
00:14posibleng tumaas ang presyo ng kuryente sa wholesale electricity spot market,
00:19lalo na kung magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng international coal, oil, at liquefied natural gas.
00:26Nakamonitor na rin daw ang ERC sa presyo ng kuryente sa merkado,
00:30para tiyaking walang mga abuso sa mga consumer.
00:36Gusto mo bang mauna sa mga balita?
00:39Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments