Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00At mga kapuso, record-breaking nga po ang ipatutupad na taas presyo sa petrolyo ngayong linggo ito pero ang pagsiguro
00:07ng ating Energy Department ay sapat ang supply ng petrolyo sa bansa hanggang sa katapusan ng susunod na buwan.
00:15May unang balita si Ian Crooks.
00:21Mula Luzon, Visayas hanggang Mindanao, pila ang mga sasakyan na nagahabol para magpakarga ng langis.
00:29Sa gasolinahang ito sa Quezon City, umabot na sa labas ng kalsada ang pila ng mga sasakyan.
00:35Marami nagahabol dahil simula na ang big-time oil price hike dulot ng gulo sa Middle East.
00:42Depende sa oil company, 17 pesos and 50 centavos hanggang 24 pesos and 25 centavos ang kabuang itataas ng kada
00:52litro ng diesel.
00:537 hanggang 13 pesos para sa gasolina at 32 hanggang 38 pesos and 50 centavos ang sa kerosene o gaas.
01:03Base sa pagsusuri ng GMA News Research sa datos mula sa DOE at mga oil company, mas mataas na ito
01:11kumpara sa oil price hike noong March 2022 kung kailan na itala ang highest OPH na isang bagsak.
01:19Pero hindi isang bagsak ang gagawin ngayon. Bulontaryo itong uutayin ng mga oil company ngayong buong linggo.
01:27Para pa konti-konti lang para maplano natin na maayos kung kailan tayo magpapagas. The rest, I'm inviting them all
01:35to also participate in this staggering of prices.
01:41Pinuntahan ng DOE ang isang gasolinahan sa Pasig na Sabado pa lang ay itinaas na sa 79 pesos ang litro
01:49ng diesel mula sa halos 52 pesos.
01:52Tumaging magbigay ng pahayag ang manager ng gasolinahan.
01:56Sinilbihan din ang SCO ang gasolinahan ito sa Fairview, Quezon City dahil umakyat sa 71 pesos ang litro ng diesel
02:04noong Sabado.
02:05Bali, nung araw po ngayon, mataas po yung kuha ng amo namin po eh. Pero yung pagtas po niyan, hindi
02:12po namin alam. Inuutosan lang po kami ng amo namin.
02:16Gayun din ang gasolinahan ito sa North Fairview, Quezon City na Sabado pa pumalo sa 72 pesos ang litro ng
02:23diesel.
02:24Tumaging magbigay ng pahayag ang manager nito. 55 gasolinahan ang inisyuhan ng parehong order para ipaliwanag kung bakit di dapat
02:33kansilahin ang kanilang Certificate of Compliance.
02:37Pag hindi po sila o hindi nakontento ang Department of Energy, sa kanilang mga reasons, magbibigay po tayo ng administrative
02:46na mga kaso kasama o hiwalay pa po dyan yung pwedeng ibigay na criminal case.
02:51Kasi kapag po napakita rito na sila po ay may mga fraudulent acts, maaari po silang makancelan ng permit sa
02:59kanilang mga transaksyon.
03:01Ang ibang gasolinahan naman, naubusan na rao ng supply, particular ang diesel.
03:06Okay lang naman yan pero ang masama is may mga nag-hoord o may ibang gasolinahan na naghihintay ng akyat
03:15at ayaw magbend.
03:16So yun po yung mga kakasuhan po natin at ipapasara po ng gilin.
03:23Pagtitiyak ni Energy Secretary Sharon Garin, may supply ng langis sa bansa hanggang sa katapusan ng Abril.
03:29We have enough supply until the end of April.
03:34Ang usual kasi na deliveries, ang capacity lang ng ating mga oil companies is around mga 15 days or more.
03:43So yun yung storage nila kasi hindi naman ganun kalaki na they can store up to 200 days.
03:51So may required sila na 15 days pero ang capacity nila siguro 40 ano.
03:59So they have to replenish every 40 days let's say.
04:03So we have more than enough time to order the next batch.
04:09Pero ang tanong ng marami, kung may imbak pa ng langis, bakit nga ba nagmamahal na ang presyo?
04:16It's the replacement cost. It's not when nila kinuha, when nila binili or when nila na-receive.
04:23Kung ano magkano na yung replacement.
04:25Imagine now if we still stay with the price two weeks ago, wala lang pera pang bili ng bagong stock.
04:33Ayon sa DOE, madaragdagan pa ang supply ng produktong petrolyo.
04:38Mainam daw ito, sabi ng isang ekonomista, lalo't hindi alam kung hanggang kailan ang kaguluhan sa Middle East.
04:45Well that's good but ang safe talaga sana is 90 days as a rule, general rule sana.
04:53A country must have at least 90 days worth of oil reserves sana.
04:56There's a lot of uncertainty here.
04:59And yung uncertainty na yan has to do with how long mangyayari itong kaguluhan to.
05:08Pero babala ni Professor Peña Reyes, hindi lang ang presyo ng gasolina ang tataas
05:14dahil meron itong epekto sa presyo ng mga bilihin gaya ng transportasyon, pagkain at iba pa.
05:22Sana daw huwag itong mauwi sa stagflation o pinaghalong epekto ng stagnation at inflation
05:29o yung mabagal na paglago ng ekonomiya na sinabayan pa ng mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at
05:36mga servisyo.
05:37Kaya kailangan robalansihin ng gobyerno ang pag-agapay sa krisis sa petrolyo habang tinitiyak na hindi nalulugmok ang mga nangangailangan
05:46tulad ng hindi muna pagdataas ng interest rates at pagbibigay ayuda sa mga sektor na lubos na nangangailangan ito.
05:54Temporary targeted relief for the affected sectors, so transport vouchers sa mga PUV drivers,
06:03targeted cash transfers for the poorest households.
06:06Ayaw natin mangyari na mag-ease up pa tayo, pwedeng maging inflationaryan,
06:12but if we tighten too much, that could also choke economic growth.
06:18So it's a delicate balancing act.
06:20Ito ang unang balita, Ian Cruz para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended