00:01Kung kailan malapit na po ang Semana Santa at inaasahang maraming babiyahe,
00:05nagtaas po ng pamasahe ang ilang shipping company dahil sa patuloy na gulo sa Middle East.
00:10At may ilang biyahe rin ng barko na nagbawas muna ng mga biyahe para raw makatipid sa krudo.
00:16Nakatutok si Darlene Kai.
00:20Sa kapuloang gaya ng Pilipinas na marami ang umaasa sa mga barko,
00:24masakit para sa ilang pasahero ang pagtaas ang pamasahe ng ilang shipping company.
00:28Sa Cebu City, nag-anunsyo ng pansamantalang fare increase ang ilang shipping company.
00:34Merong efektibo ngayong araw, meron ding simula ngayong lunes.
00:38May mga anunsyo rin ng pansamantalang suspensyo ng ilang biyahe bilang pagtitipid sa krudo.
00:43Ayon sa Maritime Industry Authority o Marina,
00:45bagamat karapatan ang mga operator na ayusin ang kanilang mga passenger at cargo rate,
00:49alinsunod sa Republic Act 9295, may patakaran dapat para rito.
00:54Pwede ang hanggang 20% na taas pasahe pero sa gitna lamang ng krisis.
00:59At dapat maaga ang pag-abiso.
01:01Kailangan po nila na inform ang marina at ang publiko.
01:07Kailangan po ng publication.
01:09Pag ang trading route ng isang barko ay sa inter-region,
01:14dapat yung mga affected na mga regions,
01:17ay kailangan po nilang mag-pascale doon ng mga new rates po nila.
01:23Two weeks po ang requirement ng publication for upward rate adjustment.
01:30At bukod sa taas pasahe, ayon sa Marina,
01:32dapat mag-abiso rin agad ng bawas pasahe ang mga shipping firm,
01:36oras na magbawas presyo ang krudo.
01:38Kailangan din po nilang mag-posulit ng adjusted rates.
01:43Ito na po yung bumabang rates pero it will take effect immediately.
01:48Sa Batangas, may shipping company na magtataas ang pamasahe sa Roro sa lutang Batangas-Calapan,
01:53simula March 23.
01:55May taas pasahe rin sa iba pang ruta.
01:57Maaga man ang abiso, dismayado pa rin ang ilang pasahero sa Batangasport.
02:02Ang sya rin siyang mabigot sa bulsan.
02:04Eh no, wala namang choice.
02:06Ang jeepney driver namang si Jesus,
02:09nag-aalala sa pag-alagwa ng presyo ng petrolyo.
02:12Noong isang linggong araw,
02:14limandaang piso kada araw na agad ang natapya sa arawan niyang kita.
02:18Ano parawang matitira kapag may panibagong dagdag-singil?
02:21Tigil muna biyay pag hindi na kinaya.
02:25Dahil?
02:26Wala na, wala lang kikitain yun.
02:28Apply muna sa ibang trabaho kung anong pwede.
02:31Ang grupong Manibela ipoprotesa sa linggong ito ang patuloy na taas presyo ng langis.
02:36Kung ganito po, lagi ang pahayag ng ating gobyerno,
02:40nang wala pong solusyon na nakikita,
02:43kasi parang inaabangan na lang natin na tumaas at pasanin yung hirap nitong tulot ng gera sa Middle East.
02:53Sabi nila, panahon na raw para sa pisong provisional fare increase.
02:57Bakit pa naman kami bibiyahe, mamamasada,
03:00kung malulugi lang din naman po kami.
03:02Sana maunawaan ito ng ating mga kababayan.
03:05Okay lang kasi malulugi naman yung mga driver natin kung hindi sila magtataas ng pamasahe.
03:12Mabigat din po kasi wala naman kami magagawa.
03:14Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Energy sa mga oil company
03:19para sa pagpapatuloy ng fuel discount program sa mga motorista,
03:22lalong-lalo na sa mga PUV driver, TNVS driver at delivery riders.
03:28Para sa Gym Integrated News, Darlene Kai nakatutok 24 oras.
03:33Patuloy ang pag-uwi ng mga Pilipinong na ipit sa gitna ng krisis sa Middle East.
03:37Isang kababayan naman natin sa Qatar,
03:39ang sugatan ng tamaan ng shrapnel.
03:42Ang Department of Migrant Workers naglabas sa mababala sa mga tripulante
03:45para iwasang dumaan sa Persian Gulf at Strait of Hormuz.
03:49Nakatutok si Jamie Santos.
03:59Gumuhit ang mga misail ng Iran sa ere ng West Bank at Jerusalem
04:03sa ikalawang linggong ng pakikipagpalitan nila ng atake sa Israel at Amerika.
04:07Ang mga pag-atake, pilit na sinasalag ng pwersa ng Israel.
04:17Dumadagundong din ang mga pagsabog sa Lebanon.
04:20Bago yan, tinarget ng Israel ang ilang bahagi ng Central Beirut
04:24kung saan isang apartment ang tinamaan.
04:27Mahigit dalawang daan na ang nasawi sa Lebanon
04:29simula ng mag-air strike ang Israel sa mga lugar na kontrolado ng grupong Hezbollah.
04:34Kasunod yan ang pag-atake ng grupo sa Israel
04:37bilang ganti sa pagkamatay ng Supreme Leader ng Iran.
04:41Babala ng Israel sa gobyerno ng Lebanon,
04:44patuloy na madadamay ang buong bansa
04:46kung hindi nila makokontrol ang Hezbollah.
04:51Ramdam din ang tensyon sa iba't ibang bansa sa Middle East,
04:54tulad sa Kuwait, kung saan nasunog ang gusali ng social security
04:58dahil sa drone attack ng Iran.
05:00May mga napinsala rin imprastruktura sa Dubai.
05:03Ngayong araw, balikbansa ang 61 OFWs mula Dubai, UAE
05:08dahil sa nagpapatuloy na gera sa Middle East.
05:11Sa Doha, Qatar, isang Pilipino naman ang nasugatan ng tamaan ng shrapnel
05:15mula sa na-intercept na misail.
05:17Ligtas na ito at nagpapagaling.
05:20Dalawang putsyam na Pilipino ang pansamantalang pinatuloy
05:23sa mga temporary accommodation
05:24matapos lumikas mula sa kanilang tirahan
05:27dahil malapit ito sa mga danger zone.
05:29Sa Tel Aviv, 35 Pilipinong pilgrims at turista
05:34ang tinulungan ng embahada para makatawid ng border patungong Egypt at Jordan.
05:39Patuloy ang repatriation efforts ng gobyerno
05:41sa mga Pilipinong turista na stranded sa iba't ibang lugar sa Middle East.
05:45Sa ngayon, 82 sa mahigit isang daang stranded na mga Pinoy sa Jordan
05:50ang pauwinan ng Pilipinas.
05:5231 Pilipino tourist ang nasa Amnam pa.
05:56Samantala, pinirmahan ni Secretary Hans Kakdak
05:59ang Advisory No. 11 Series of 2026
06:02na nagtatakda sa Persian Gulf at Strait of Hormuz
06:05bilang war risk operation area o war risk zone.
06:08Ang mga tripulanting Pilipino po,
06:12particular sa mga ship owners na nagdadala ng tripulanting Pilipino,
06:16ay hindi po inaasahan na nando doon sa area na yun
06:21or else bigyan ng RICO Refuse Sailing
06:24ang ating mga tripulanting Pilipino
06:27at hanggang maaari iwasan itong bahagi ng mundo na ito
06:30gawang napakatilikado po sa ngayon.
06:33Para sa GMA Integrated News,
06:35Jamie Santos, nakatutok 24 oras.
06:39Nagkatencion sa kilos protesta
06:41ng mga militanteng grupo ngayong International Women's Day.
06:48Sinubo ka makalapit ng mga ralista sa U.S. Embassy.
06:52Hinarampo sila ng mga polis at panawagan ng mga ralista
06:54ang pagwawakas ng gera sa Middle East
06:57at pagsugpo sa pambabastos sa kababaihan.
07:01Sa isang pahayag,
07:02nagpaabot ng pagbati at papuri
07:04si Pangulong Bangbo Marcos para sa kababaihan.
07:07Tiniyak niya ang anyay commitment ng administrasyon
07:11na napakikinggan, iginagalang at nabibigyan
07:14ng kapanyarihan ang kababaihan.
07:16Nanawagan naman si Vice President Sara Duterte
07:18na magkaisang itaguyon
07:20ang isang kinabukasan
07:21kung saan ang bawat Pilipina
07:23ay may dangal na mamuno
07:25at ang mga babae
07:27ay may oportunidad
07:28at hindi lamang mga tungkulin.
07:33Walang lusot kay MMDA General Manager Nicolas Torre III
07:36maski ang kanyang misis
07:38na nagkaroon ng paglabag sa Batas Trapiko.
07:40Sa social media ay binahagi ni Torre
07:43na lumabaga kanyang misis sa number coding scheme.
07:46Nahulirawa kanyang misis sa pamagitan ng no contact apprehension.
07:50Pabiro sabi ni Torre,
07:51hindi lang siya General Manager,
07:53General Payer din
07:54dahil siya rawan nagbayad ng 500 pesos sa multa ng misis.
07:58Wala ho manong sinisino ang MMDA
08:00at kahit na kanyang misis
08:02kailangan dumaan sa tamang proseso.
08:05Biro pa ni Torre,
08:06impound na ang kasunod
08:07kapag lumabag ulit
08:08ang kanyang asawa.
08:12Nagkita po sa Malacanang
08:14si na Pangulong Bongbong Marcos,
08:15First Lady Lisa Araneta Marcos
08:17at si Chris Aquino.
08:18Naghanda ng home-cooked lunch
08:20ang unang ginang
08:21para sa belated birthday celebration
08:23si Chris sa Bahay Pangulo.
08:26Inorganisa ito
08:27ng designer na si Michael Leiva
08:29na kapwa-kaibigan
08:30ni na Mrs. Marcos
08:31at ni Chris.
08:33Itong unang pagkakataon
08:35nagkaharap muli
08:35ang Pangulo
08:36at si Chris
08:37sa loob ng
08:3831 taon
08:39matapos siyang makapanayam
08:41ni Chris
08:41sa isang palabas noon.
08:43Ang kwento
08:43ng First Lady
08:44related siya
08:46kay Chris
08:46at mag-asawa
08:47ang tsahi
08:48ng First Lady
08:49at ang tsuhin
08:50ni Chris Aquino.
08:53Nakaranas
08:54ng mataas
08:54sa heat index
08:55o ramdam na init
08:56ang ilang lugar
08:57sa bansa.
08:58Sa Dumangas,
08:59Iloilo,
08:59ramdam
08:59ng ilang magsasaka
09:00tricycle driver
09:01ang init
09:02ng panahon.
09:03Ayos sa pag-asa
09:04nasa 40 degrees Celsius
09:05ang damang init
09:06noon
09:06dahil isang
09:07coastal town
09:08ng lugar.
09:09Nakaranas din
09:10ang 40 degrees Celsius
09:11na heat index
09:12sa mga residente
09:13sa Cotabato City.
09:20Ipinasilip
09:21ni David Licauco
09:22ang kanyang training
09:23para sa sinalihan niyang
09:24International Indoor Fitness Competition
09:26at syempre
09:27kumasa rin ako
09:29sa kanyang training.
09:30Narito ang aking chika.
09:34Mula nang mag-post
09:35si David Licauco
09:36ng kanyang first ever
09:37Indoor Fitness Competition
09:39sa Taiwan,
09:40Kamakailan,
09:40maraming naging interesado
09:42sa bagong fitness trend
09:44na ito.
09:45Sinamahan ko
09:46ang pambansang ginoo
09:47sa kanyang training
09:48para malaman
09:49kung gaano ito
09:50ka-challenging.
09:53Bakit importante
09:54warm-up?
09:56Para hindi ka ma-enjured.
09:58Hindi pumayag
09:59si David
09:59na kwento lang.
10:01Dapat
10:01may immersion din daw ako.
10:03Yan.
10:04O, sa ba?
10:05Five reps.
10:07Yes.
10:08Nakasabay pa namin
10:09sa training
10:09si Sparkle star
10:10Vince Maristela.
10:11I was bored
10:13with the gym.
10:15Lifting lang.
10:16So,
10:18naganap ako ng training
10:19na with purpose.
10:20Pare-pareho
10:21ang format ng race
10:22kahit saang parte
10:23ng mundo.
10:24Di tulad ng triathlon.
10:25Di na kailangan
10:26ng special skills
10:27tulad ng swimming
10:28at biking.
10:29Dito,
10:30kailangang makumpleto
10:31ang 8-kilometer running.
10:33At may 8 workout stations
10:35na kailangang daanan.
10:36Kabilang na dito
10:37ang lunges
10:38na may hawak
10:39na pabigat.
10:39Meron ding burpees
10:40with broad jumps.
10:42Ang pagtulak
10:43ng sled na may weights.
10:44Challenging din
10:45ang sled pulling.
10:47Lalo na
10:48kung may kasamang intriga.
10:50Sino yung nisip mo?
10:52Wow!
10:53Ito to.
10:54Hingila mo pabalik sa'yo.
10:55Oo,
10:55hingila mo pabalik sa'yo.
10:56Sino?
10:57Is there a letter A?
10:59Huh?
11:00Is there a letter A?
11:01A?
11:02Mahirap din
11:03ang ski erg
11:04at rowing.
11:05At ang pinaka-challenging
11:07kay David
11:08ang wall balls.
11:10No age limit daw ito.
11:12Pero dapat
11:12kumonsulta muna sa doktor
11:14para siguradong safe
11:15kung magsisimula na nito.
11:18Mahirap naman talaga siya.
11:19Challenging naman talaga siya.
11:20Hindi siya yung parang usual na
11:22weights, weights,
11:23buhat-buhat.
11:24Pero again,
11:25lahat naman nagisimula
11:26sa mahirap.
11:28And then eventually,
11:28mas dadali siya lang dadali.
11:30Ang goal daw ni David,
11:31to be better
11:32and achieve balance.
11:34Magandang mind conditioning din
11:36ang workout para sa kanya.
11:37It's some form of
11:40meditation.
11:42Yes, o.
11:42Kasi yun lang yung ginagawa mo
11:44at one time eh.
11:46Out of 2,500 racers,
11:48nag number 50 si David
11:50nang sumali siya sa Taiwan
11:51at kauna-unahang Pilipino
11:54na nag-place sa Open Division.
11:56Goal daw ng pambansang ginao
11:58na makatungtong
11:59sa top 3 podium
12:01representing the Philippines.
12:03David, what motivates you?
12:04I feel like
12:06parang how you do one thing
12:07is how you do everything.
12:08Sa business,
12:09sa pag-aarte,
12:10parang medyo chill lang ako.
12:11So parang gusto ko na
12:12sa lahat ng aspeto
12:14ng buhay ko,
12:14na challenge ako,
12:15may chile-chase pa rin ako.
12:21Excited at more than ready
12:22ng sumabak sa mga action scenes
12:24ang cast ng bagong kapuso
12:25action drama series
12:27na Firewall.
12:28Narito ang aking chika.
12:32Action-packed na seryang
12:34puno ng puksaan
12:35laban sa mga nagahasik
12:36ng kasamaan
12:36gamit ang internet.
12:38Yan daw ang dapat abangan
12:39sa bagong seryang Firewall
12:41na pangungunahan
12:42ni na Kylie Padilla,
12:44Miguel Tan Felix,
12:45Kailin Alcantara,
12:46Jack Roberto
12:47at Buboy Villar.
12:49Kasama rin nila
12:50si na Rodion Cruz,
12:51Rafael Landicho
12:53at marami pang iba.
12:55First time daw ni Kailin
12:56na gumanap sa isang action series.
12:58Pero excited siya dahil
13:00magagamit siya
13:01ang favorite
13:01pastime niyang firing.
13:03At makakasama niya
13:04si Kylie
13:05na itinuturing niyang
13:06girl crush.
13:07I was intimidated
13:09kay Ate Kylie
13:10kasi
13:10even though she's
13:12very feminine looking,
13:14like super ganda po niya,
13:16but angas talaga eh.
13:18May intimidation po
13:19ng unti
13:20pero
13:21ngayon po wala na.
13:23It's just
13:23actually ngayon
13:24parang sister
13:25slash mom
13:26yung relationship namin.
13:30Si Rojo naman
13:31mula sa pagkapanalo
13:33sa Stars on the Floor
13:34last year.
13:35Lulundag naman ngayon
13:36sa mga eksena
13:37na may bit-bit na baril.
13:39Nandiyan naman si
13:40si Kylie.
13:41Siya yung mag-guide
13:42sa amin sa mga action scenes.
13:43Ready naman tayo
13:44at saka
13:45yun nga
13:45as a dancer din
13:46pag may mga
13:47tuturo na mga fight scenes
13:48kaya naman natin
13:49ma-pick up.
13:51Balik action
13:52series T nito
13:53para kay Miguel
13:54matapos bumida
13:55sa Voltes 5
13:56at mga batang riles.
13:58Pero bago raw
13:59mapanood ang firewall
14:00may aabangan tayong
14:01action pasabog
14:02mula sa Kapuso Star.
14:04Meron akong
14:05isang surprise ngayong
14:06April
14:08ipapalabas.
14:09Sobrang excited na ako
14:10nakita ko yung material.
14:11Masasabi ko lang
14:12inefortan.
14:13World
14:14world class siya.
14:18And that's my chica
14:19this weekend.
14:20Ako po si Nelson
14:21Canlas.
14:21Pia,
14:22Ivan.
14:27Thank you, Nelson.
14:28Salamat, Nelson.
14:29Ito mga kapuso,
14:30hindi po mga naka-jersey
14:31o kaya sports attire
14:32ang mga naglaro
14:33sa isang basketball match
14:35sa Tadian Mountain Province.
14:36Ang mga manlalaro
14:38nakasuot ng bahag.
14:41Yan po ang
14:42bahag kitball
14:44na bahagi ng kanilang pista
14:46na
14:46Ayawing Dilambak
14:48Edtanyan Festival.
14:50Hindi lang basketball skills
14:51ay ipinamalas
14:52sa mga manlalaro
14:53kundi magayang kultura
14:54ng mga iguro.
Comments