Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Wala na sa Philippine Air of Responsibility ang Bagyong Isang,
00:04pero perwisyong iniwan nito sa ilang lugar sa Norte.
00:07Nahatak pa nitong habagat na siya nagpaulan sa iba pang lugar sa bansa.
00:11May epekto na rin ang isang low pressure area sa silangan na bansa.
00:15Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:21Pinamamadali na mga residenteng iyan na tumawid sa ilog sa Cagayan de Oro City,
00:26sa gitna yung mabilis na pagtas ng tubig sa Bigaan River.
00:31Matapos ang ilang sandali inabutan ng tubig ang pansamantalang tulay na ginawa roon
00:35dahil sa itinatayong Flood Control Project.
00:38Ang lalaking ito humabul pa sa pagtawid.
00:41Pinasok na rin ang tubig ang mga bahay sa tabing ilog.
00:45Ayon sa LGU, may naanod na bahay, taksi at motorsiklo sa mga pagbaha.
00:50Wala namang naiulat na nasa wi o nasaktan.
00:52Wala rin residenteng inilikas dahil bumaba rin ang level ng tubig sa ilog.
00:58Sa makilala kotabato, hirap makatsyempo ng tawid ang mga motoristang iyan
01:02sa kalsadang nalubog dahil sa umapaw na tubig sa spillway.
01:07Maliitan nila ang culverts sa daan, kaya mabilis umapaw ang tubig tuwing umuulan.
01:12Umapaw na rin ang tubig sa spillway sa isang barangay sa bayan ng Lebak Sultan Kudarat.
01:17Pinangangambahan ng mga residente ang pagbaha kung magtutuloy ang pagtaas ng tubig.
01:21Ang mga paghulan sa malaking bahagi ng Mindanao ay dala ng habagat ayon sa pag-asa.
01:27Pero ang nagpaulan sa Davo Oriental ay trough o buntot ng isang binabantayang low pressure area
01:33sa silangan ng bansa ayon din sa pag-asa.
01:36Sa bayan ng Governor Generoso, mabilis na tumaas ang baha.
01:40Nagkumahog ang mga residente na lumikas.
01:43Sa ilang lugar, aabot sa hanggang baywang ang baha.
01:46Nag-sagawa na ang MDRMO ng rescue operation sa mga apektadong residente.
01:51Nag-iwan naman ng ilang pinsala sa norte ang bagyong isang.
01:56Sa Echage, Isabela, hinahanap pa ang isang babaeng hinihinalang nalunod sa ilog.
02:01Nahulog kasi roon ang sinasakyan nitong tricycle kahapon sa kasagsagan ng masamang panahon.
02:06Ligtas naman ang dalawang kasama niya na mangyari ang aksidente.
02:10Sa Santiago City, Isabela hanggang gutter ang baha sa isang palengke.
02:15Bukod sa pagulan, nakadagdag pa sa pagbaha ang mga baradong kanal.
02:20Sa Lubwagan, Kalinga, ganyang kalaking tipak ng bato ang humambalang sa kalsada.
02:26Patuloy ang clearing operation.
02:28Sa Ariyato, Nueva Vizcaya, isang lane lang ng Benguet-Nueva Vizcaya Road
02:32ang nadaraanan ng mga motorista dahil sa landslide.
02:36Sinimulan na ng mga otoridad ang clearing operations doon.
02:40Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
02:46Isa sa mga bahay yung lugar sa bansa ang Kamanaba area, kabilang ang Valenzuela.
02:52Ang lokal na pamahalaan may binong grupo para mas matutukan pa ang problema sa baha,
02:56gaya ng pagdaragdag ng pumping station at pagpapalapad sa mga creek.
03:00Nakatutok si Bernadette Reyes.
03:01Ang mga malawakang pagbaha tulad doong Bagyong Ondoy,
03:07minsan lang sa sandaang taon kung mangyari,
03:10ayon kay Prof. Mahar Lagmay ng University of the Philippines Resilience Institute.
03:14Pero napapadalas na raw ito dahil sa climate change tulad noong Bagyong Ulysses noong 2020
03:20at Bagyong Karina noong 2024.
03:23Kaya mahalaga raw na pag-aralang mabuti kung paano masusolusyonan ang problema sa baha.
03:28Pag binis ng mga kanal, pag widen ng mga kanal, paglagay ng mga pump sa tamang lugar,
03:35hindi lang basta-basta, hindi lang bara-bara, hindi lang tansya meter.
03:39O, pag may nag-aralan natin na mabuti, magsama-sama magtulong,
03:44yung pera ng taong bayan ay napupunta sa tama.
03:48Sa Valenzuela halimbawa, bumuunan ng Flood Control Advisory Council.
03:53Kabilang sa maplano ng lokal na pamahalaan,
03:55ang pagawa ng imbakan ng tubig galing sa baha.
03:58Ito ang MacArthur Highway, isa sa mga kalsadang nagkukonekta sa Central Zone at Metro Manila.
04:04May mga pagkakataong bumabaha sa lugar na ito.
04:06Kaya naman isa sa mga plano ng lokal na pamahalaan,
04:09maglagay dito na tinatawag na water catchment basin.
04:12Sa BGC pa lang sa Taguig, nakita na rin po natin ito.
04:15So, through the initiative po ng DOTR sa aming pakikipagtulungan kay Secretary Vince Lison,
04:22tayo po, ang DOTR ay may lupain po sa ilalim po ng NSCR.
04:27Magtayo po tayo ng higit na 2 to 3 storey down na catchment basin
04:33at ang haba po 1 kilometer.
04:36Ang width po ay almost around 6 meters in width.
04:40Magdaragdag din daw ng mga pumping station,
04:43lalaparan ng mga quick at ligibain ng mga sagabal sa daluyan ng tubig.
04:47Tiniyak din na LGU na walang ghost project sa lunson.
04:51Kaya mahalaga raw ang ginagawang investigasyon sa mga flood control project
04:54para matukoy ang mga maanumalyang proyekto.
04:58Lahat po ay gawa, lahat po fully operational.
05:02If matagumpay ang project, totoo ang project, malaki ang ginhawa sa aming bayan.
05:06If ghost ang project, kami rin po sa LGU ang kawawaho at tatamaan.
05:11Kaya po, I hope na ang ating Senado at pati na rin ang Kongreso
05:15ay ipagpatuloy po ang pag-investiga.
05:19At matulungan rin kami dito sa local government.
05:23Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
05:29Lilinisin ang hanay ng Department of Public Works and Highways kung kinakailangan.
05:34Yan ang pahayag ng DPWH Secretary Manny Bonoan
05:37kaugnay sa mga anomalya sa flood control projects.
05:41Ayon kay Bonoan, inaalam na nila kung sino sa kanilang kagawaran
05:44ang sangkot sa mga substandard at ghost flood control project.
05:48Ang mga matutukoy, Anya, sasampahan ang kaso at papatawa ng parusa
05:52bilang leksyon na di nila pinapayagan ang ganitong gawain.
05:57Sinabi naman ni Sen. Ping Lakson,
05:59posibleng may mga senador din na may kinalaman sa mga maanumalyang proyekto.
06:04May mga senador daw kasing nagsulong din ng insertion sa National Budget Bill
06:08at posibleng may iba sa kanilang nakatanggap din ng porsyento
06:13mula sa pondo ng flood control.
06:15Panawagan niya, transparency, para madaling matukoy
06:18ang mga mambabatas na sangkot sa mga maanumalyang proyekto.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended