Skip to playerSkip to main content
  • 12 minutes ago
Vice President Sara Duterte on Saturday, March 7, suggested that Filipinos use bicycles or practice carpooling as one of the measures to adapt to the impact of the significant oil price hike brought about by the conflict in the Middle East.

Duterte said many people are now worried about the continuous increase in the price of basic commodities amid global developments. She reminded Filipinos that they "are not alone."

READ MORE: https://mb.com.ph/2026/03/07/vp-sara-advises-people-to-use-bikes-practice-carpooling-tells-govt-to-act-now
Transcript
00:00Mga Kababayan,
00:02Assalamualaikum warahmatullahi wabarakatuh.
00:06Madayao umayoadlaw ka ninyong tanan.
00:08Magandang araw sa inyo lahat.
00:11Marami sa atin ang nag-aalala.
00:14Patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin
00:17at kasabay ng pagtaas ng presyo ng langis,
00:21mas matindi ang magiging hirap.
00:23Binibilang ng mga magulang ang bawat piso
00:27at marami sa atin ang nag-aalala sa susunod na mangyayari.
00:33Nais kong ipaalam sa inyo,
00:36hindi kayo nag-iisa.
00:38Tayong lahat ay dadaan sa paghihirap na ito.
00:42Mararamdaman natin lahat ang bigat ng pagtaas ng presyo,
00:46lalo na ng pagkain.
00:48Ngunit meron pa tayong magagawa bilang mamamayan at isang komunidad
00:53at lalong merong kailangan gawin ang pamahalaan.
00:57Para sa ating mga lokal na pamahalaan,
01:01marami sa mga non-essential na mga aktibidad
01:04na gumagamit ng langis ang pwedeng ipagbawal muna,
01:08tulad ng parada sa festival.
01:11Bumuunang komite para bantayan ang presyo ng bigas,
01:15mantika, pamasahe, at iba pang pangunahing bilihin
01:19na apektado ng langis
01:20at bigyan ng maagang abiso ang mga mamimili at negosyante
01:25sa pagtaas ng presyo.
01:27Magbahagi ng impormasyon sa pagbabago ng presyo
01:31at turuan ng pamilya ng praktikal na hakbang sa pagtitipid,
01:35tulad ng pagbawas ng paggamit ng sasakyan at kuryente.
01:40Palakasin ang suporta sa lokal na magsasaka
01:43at maliliit na supplier upang mabawasan umasa sa imported na produkto
01:49para makapagbigay ito ng buffer sa biglaang pagtaas ng presyo.
01:54Magpalabas ng mga orders sa pagtitipid sa LGU
01:59na susundin ang lahat ng opisina kasama na ng barangay.
02:03Bilang individual na mamamayan,
02:06ang mga sumusunod ay iilan lamang sa mga pwedeng gawin
02:10na makakatulong sa ating pamilya.
02:13Bigyang prioridad ang pangunahing bilihin
02:16at planuhin ang budget ng pamilya.
02:19Bumili muna sa lokal na produkto
02:22upang palakasin ang lokal na ekonomiya
02:24at mabawasan ang epekto ng pagtaas ng langis.
02:29Bawasan ang hindi kailangang paggamit ng enerhiya,
02:32tulad ng pag-carpooling, bisikleta
02:37at pwedeng ayusin ang schedule ng lakad
02:40upang mabawasan ang madalas na pagbiyahe.
02:44Ngunit, ang responsibilidad na protektahan
02:48ang mga mamimili ay higit pa sa ating mga tao o komunidad.
02:53Sa mga ahensya ng gobyerno na may tungkulin dito,
02:58kumilos na kayo.
03:00Kailangan bantayan ang presyo ng langis
03:03at epekto nito sa pangunahing bilihin
03:06at transportasyon.
03:09Magbigay ng maagang babala
03:11at magbigay ng paliwanag
03:13para sa mga mamamayan.
03:16Ipatupad ang mahigpit na hakbang
03:18laban sa hoarding
03:20at labis na taas presyo.
03:23Gawing regular ang inspeksyon
03:25at isarado ang mga lalabag na negosyante.
03:30Magbigay ng pansamantalang subsidiyo
03:33o price caps sa produktong pagkain
03:36at isaalang-alang ang targeted cash transfers
03:41sa low-income na pamilya.
03:44Magbigay ng advisory
03:45sa fuel-efficient na distribution ng pagkain
03:49at insentibo
03:51sa pampublikong transportasyon.
03:54Makakahanap tayo ng paraan
03:56upang mapagaan ang ating pasanin
03:59sa pamamagitan ng pagtutulungan sa komunidad,
04:03pagtangkilik sa lokal na produkto,
04:06at pagiging maingat sa ating paggastos
04:09at paggamit ng enerhiya.
04:11Kasabay nito,
04:13asahan natin ang aksyon ng gobyerno
04:15na protektahan ang bawat pamilyang Pilipino
04:18at tiyakin ang patas
04:21at matatag na pamilihan.
04:24Malalagpasan natin ang pagsubok na ito
04:26tulad ng nalagpasan natin ang pandemia.
04:31Higit sa lahat,
04:33huwag tayo mag-isip
04:34na gumawa ng masama
04:35sa sarili man
04:37o sa ating kapwa-tao.
04:40Mamuhay tayo
04:41ng marangal
04:42at may dignidad
04:43kahit tayo
04:45ay dumadaan
04:46sa kahirapan.
04:48Syukran.
Comments

Recommended