00:00Mga Kababayan, Assalamualaikum warahmatullahi wabarakatu.
00:05Madayao mayong adlaw kaninyong tanan. Magandang araw sa inyo lahat.
00:10Kamakailan lamang ang mga sakuna ng pagguho ng lupa sa Cebu at ibat-ibang aksidente sa dagat
00:17ay nagpapaalala sa atin kung gaano kahalaga ang pagbibigay prioridad sa kaligtasan sa lahat ng aspeto ng ating buhay.
00:26Sa lugar ng trabaho, sa ating araw-araw na paglalakbay at maging sa loob ng ating mga tahanan.
00:34Habang may panibagong bagyong dumaraan sa ating bansa at sa mga susunod pa na sakuna,
00:41kinakailangan na gawin nating araw-araw na prioridad ang kaligtasan natin at ng ating mga mahal sa buhay.
00:48Palaging tiyakin na ang mga ginagamit na privado at pampublikong sasakyan sa lupa, dagat o himpapawid
00:57ay maayos ang kondisyon at ligtas gamitin.
01:02Makinig at sumunod sa mga travel advisories at babala
01:05ng Pag-asa, Philippine Coast Guard at Civil Aviation Authority of the Philippines.
01:13Ang pagguho ng lupa, pagkakuryente, pagkalunod, pagkasira ng bahay at pagbagsak ng mga debris
01:20ay karaniwang epekto ng malalakas na ulan at hangin.
01:25Tandaan na kahit lumabas na ng bansa ang bagyo,
01:29ang patuloy na pagulan ay maaari pa rin magdulot ng mga pagguho ng lupa ilang araw matapos ang bagyo.
01:38Itinayo namin ang Disaster Operations Center sa tanggapan ng pangalawang Pangulo
01:44upang makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan sa pagbigay ng tulong sa ating mga kababayan.
01:51Ang DOC ay laging handa na magbigay ng suporta sa unang pagtugon ng mga lungsod at munisipalidad.
02:01Ang pagiging handa at maingat ay susi sa kaligtasan ng bawat isa.
02:06Kailangan natin magingat, magtulungan at manalangin para maiwasan ang trahedya.
02:15Syukran!
02:21Sing нужно Rinpoche as kaligtasan ng pangalawang Pangulo
Comments