00:00At bago tayo magtapos, silipin muna natin ang pagdiriwang ng Kalilangan 2026 ng General Santos City
00:06na pinatunayang hindi lang tuna ang kanilang maaaring ibida, kundi maging ang kanilang makulay na kultura.
00:13Ihahatid sa atin niya ni Stephen Pastor ng PIA SoxarGen sa Sentro ng Balita.
00:20Dinagsa ng mga residente at bisita ang makulay na pagdiriwang ng Kalilangan Festival 2026 sa General Santos City
00:26kung saan tampok ang iba't ibang pagtatanghal na sumasalamin sa mayamang kultura at matibay na pagkakaisan ng lungsod.
00:33Idinaos ang selebrasyon sa Pioneer Avenue bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-37th Kalilangan Festival
00:39at ika-87th Founding Anniversary ng lungsod kung saan itinampok ang iba't ibang cultural presentations at performances
00:46na nagbigay buhay sa okasyon sa kabila ng maulang panahon.
00:50Kabilang sa mga itinanghal ang magkalilangan lipad ng saranggola sa kahel na langit,
00:54presentasyon ng Try People Colors at iba pang programang nagpapakita ng kasaysayan,
00:59sining at tradisyon ng mga general.
01:02Sa festival message ni City Mayor Loreley Jeronimo Pacquiao,
01:05binigang diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa ng pamahalaan at mamamayan
01:09sa pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan at patuloy na kaunlaran ng lungsod.
01:14Ayon kay Michael Pacquiao, chairperson ng Committee on Tourism and Arts ng Sangguniampang Lungsod,
01:19malinaw na ipinakita ng pagdiriwang kung ano ang tunay na diwa ng kalilangan,
01:23isang lungsod na buhay, masigla at sama-samang nagdiriwang.
01:27As chairperson of the Committee on Tourism,
01:30my heart is overflowing with pride and gratitude
01:33as I see our city come alive for the 2026 Kalilangan Festival.
01:39Looking out at the colorful and indigenous performances,
01:45walking through the bustling agrofair,
01:47and seeing everyone laughing, enjoying, and embracing the festivities.
01:53This is what true celebration looks like.
01:55Binigandiin ang opisyal na ang kalilangan ay patunay na patuloy na pinahahalagahan ng lungsod
02:00ang nakaraan habang nagniningning sa kasalukuyan at nagbibigay inspirasyon sa susunod na henerasyon.
02:06Nagtapos ang pagdiriwang sa iba't ibang aktibidad katulad ng Katsagayan Street Dancing Competition,
02:11Agri-Fishery Fair Bahay Kubo Competition,
02:14Tribal Village IP Games at Maral Competition,
02:17at Grand Closing Ceremony na muling nagbigay diin sa kultura, kasaysayan, at pagkakaisa ng mga mamamayan.
02:23Sa matagumpay na pagdiriwang ng Kalilangan Festival,
02:27higit pang pinagtitibay ng General Santo City
02:29ang pagpapahalaga sa pamana at pagkakaisa bilang pundasyon ng pagtuloy na pagunlad.
02:35Mula rito sa lungsod ng General Santos,
02:38para sa Integrated State Media,
02:40Stephen Patron ng Philippine Information Agency,
02:43Shock Surgeon.
Comments