00:00Mas pinadadali na ng pamahalaan ng mga proseso para sa mga negosyong kabilang sa international trade.
00:06Inununsa ng Department of Information and Communications Technology,
00:10katuwang ang Bureau of Internal Revenue at National Tobacco Administration,
00:15ang Philippine National Single Window Integrated Digital Platform,
00:20na layong pabilisin ang pagpoproseso ng mga dokumento at pag-ugnayin ang mga ahensya ng gobyerno.
00:27Ayon sa DICT, tutugunan ng PNSW ang mga hamon sa kalakalan tulad ng mga magkakahiwalay na sistema,
00:36paulit-ulit na pagsusumite ng requirements at mabagal na koordinasyon.
00:40Bahagi ito ng pagsusulong ng digitalization at ease of doing business para mas mapabilis ang daloy ng kalakalan sa bansa.