Skip to playerSkip to main content
-3 nag-away sa Brgy. Holy Spirit, arestado; isa sa mga naaresto, sinabing aksidenteng napaputok ang inagaw na baril/2 pa na inaresto, itinanggi na sila ang sumaksak sa lalaking nakaaway nila


-Maayos na panahon ang aasahan sa halos buong bansa ngayong weekend


-Oil industry sources: May nakaambang big-time oil price hike sa susunod na linggo batay sa tatlong araw na trading


-Int'l Maritime Organization: Nasa 20,000 seafarer at 15,000 cruise ship passengers, stranded sa Middle East


-Nakaparadang van, dumausdos at bumangga sa ilang stall matapos magalaw ng bata ang handbrake; 3, sugatan


-Pulis, arestado matapos mahulihan ng hinihinalang shabu na halos P50,000 ang halaga


-Motorcycle rider, patay matapos magulungan ng truck sa Brgy. Lanatan


-Ilan pang CCTV footage na posibleng may kaugnayan sa pagkamatay ng umano'y hazing victim na si Kenneth Alcedo, hawak na ng pulisya/Sunog sa lugar na pinaniniwalaang pinangyarihan ng umano'y hazing, inaalam kung sinadya o dahil sa mainit na panahon/Cavite Police: Driver ng kotse na naghatid sa biktima sa ospital, sinampahan na ng reklamo


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Tito ang arrestado sa sumiklab na gulo sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.
00:05Isa po sa kanila ng agaw at nagpaputok ng baril.
00:09Nasaksak din siya sa likod pero itinanggi ng mga nakakaway niya na sila ang nanaksak.
00:14Balita natin ni James Agustin.
00:18Napatakbo papasok sa loob ng iskinita ang isang lalaking walang gamit pang itaas sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.
00:24Kita na duguan ang kanyang likod.
00:26Maya-maya dumating ang maoperatiba ng QCPD Station 40.
00:30Inabutan nilang 30 anyo sa lalaki sa loob ng kanyang bahay at saka inaresto.
00:34Nagtamo ang lalaki ng saksak sa likod at taga sa ulo, matapos makipang bunuraw sa dalawang nakaaway.
00:40Ayon sa polisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa 911 na nagpaputok ng barila ng lalaki sa lugar.
00:46Nung nag-responde kami, naabutan namin itong tumatakbo at siya nga ito yung tinuturo na napaputok ng baril.
00:53So, hinabol namin at nakorner namin siya doon sa bahay. Doon namin siya inaresto.
00:59Ang ginamit na baril, inihagis niya sa bubong ng isang bahay kung saan ito narecover ng polisya.
01:05Sa investigasyon, inagaw pala niya ang baril mula sa nakaaway at saka sila pinaputokan.
01:09Nung nag-investiga kami, nung nalaman namin na yung narecover ng baril is pagmamayari, nung isa doon sa dalawa na
01:17nakapambuno niya.
01:19Sa kuha ng CCTV, kita ang isa sa mga nakaaway na sinuntok ang lalaki ng kaubad na unang naaresto ng
01:24polisya.
01:26Kalaunan, inaresto rin ang dalawang nakaaway ng lalaki nagpaputok ng baril.
01:29Kabilang ang 42 anyo sa lalaki na nakuhana ng bolo.
01:33At 64 anyo sa lalaki na nahulihan naman ng hindi lisensyadong baril.
01:37Siya rin ang may-ari ng baril na nakuha ng lalaking walang damit pang itaas.
01:41Itong nakahubad ay nagwawala doon sa area nila at nagbabato ng bahay.
01:46Tapos yung isa dito sa nakapambuno niya ay yung may-ari ng bahay.
01:51Tapos yung nga ho, yung isa na nakuhana ng baril ay rumisponde ho at tumulong dito sa isa.
01:58So nung nagpangabot na ako sila sa area ay nagpambuno nga itong dalawang party.
02:05Tapos pinagtulungan nila itong isa hanggang sa nasaksak niya doon sa likod at nataga sa may bandang ulo.
02:12Nakakulong ngayon ng tatlo sa detention facility ng QCPD Station 40.
02:16Ang 30 anyo sa lalaki itinangginan ng gulo siya sa lugar.
02:19Tinatukan po kasi ako ng baril sa ulo eh.
02:22Kaya yan po, inago po yung baril sa kanya.
02:25Hindi ko po sa dyang maputok.
02:27Yung baril niya po.
02:28Nagugulo ka raw tapos daw na matukan ng bakapit?
02:31Hindi po.
02:32Hindi po.
02:33Ang dalawa pa itinang ginama na sila ang sumaksak sa nakaaway nila.
02:36Kung nagkaroon man nagsaksak yung tao, maaaring taong bayan ang gumawa noon at hindi ako.
02:41Kasi sa dami na rin kasi natungulong.
02:46Sa gulo na yun.
02:48Sinuntok niya ako kung ano man yung nakikita niya doon sa CCTV, totoo yun.
02:52Wala naman talagang malalim na pinaghuhugutan ng galit.
02:55Ang ano lang kasi talaga doon, alam mo yung natutulog ka doon na hindi mo inaasahan na kumakalabog yung bahay
03:02mo.
03:02Sinalubog niya ako, dinikita niya ako ng gano'n eh.
03:05Yun, naitulog ko siya.
03:07Naano ko siya, na...
03:11Natutukan ng baril, gano'n.
03:13Ngayon, nung umano na siya sa akin, nagpambuno kami.
03:17Naagaw niya ang baril ko dahil nahilo ako na pagpambuno namin.
03:22Maharap ang 30 anyo sa sospek sa reklamong attempted homicide.
03:25Habang ang dalawang nakaaway niya naharap sa reklamong attempted murder.
03:29Dalawa sa kanila may karagdagang reklamong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
03:34James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:44Maayos na panahon ang aasahan po ng halos buong bansa ngayong weekend.
03:48Base po yan sa rainfall forecast ng Metro Weather.
03:51At sa mga susunod na oras nga hanggang bukas,
03:54ay mababa po ang tsansa ng ulan sa halos buong bansa,
03:57maliban na lamang sa ilang panig ng Northern Luzon.
04:00Sa linggo naman, uulanin ang ilang bahagi ng Central at Southern Luzon,
04:04Visayas at Mindanao, lalo sa bandang hapon o gabi.
04:08Malalakas ang inaasahang ulan na maaaring magdulot ng baha o landslide.
04:13Mababa naman ang tsansa ng ulan dito sa Metro Manila ngayong weekend.
04:17Ayon po sa pag-asa, walang namamataang sama ng panahon
04:20sa loob o labas ng Philippine Area of Responsibility.
04:23Easter least pa rin ang magdadala ng mainit at maalinsangang panahon
04:27sa malaking bahagi ng bansa habang hanging amihan sa Extreme Northern Luzon.
04:33Ngayong biyernes, posibleng umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index sa Coron, Palawan.
04:3741 degrees Celsius sa Muñoz, Nueva Ecija, 40 degrees Celsius sa Dagupan, Pangasinan, Puerto Princesa, Palawan, Dumangas, Iloilo, Borongan, Eastern
04:48Samar, at sa Cotabato City.
04:50Dito po sa Metro Manila naman, posibleng umabot sa 37 degrees Celsius ang heat index sa Pasay.
05:01May nakambang big-time oil price hike sa susunod na linggo.
05:05Ayon sa Oil Industry Sources, batay sa unang tatlong araw ng trading ngayong linggo,
05:09tinatayang lagpas 7 piso ang taas presyo sa susunod na linggo para sa kada litro ng gasolina.
05:16Ang diesel naman ay lagpas 15 piso kada litro ng diesel.
05:20Ayon sa sources, yan ay dahil patuloy pa rin ang pagtasang presyo ng kada barilis ng krudo
05:24sa pandaigdigang merkado sa gita ng Gera, sa pagitan ng Amerika at Israel kontra Iran.
05:30Sa ngayon, wala pang ilalabas ng forecast ang Department of Energy,
05:33pero tiniyak ng DOE na hindi isang bagsakan ipatutupad ang oil price hike.
05:38Kinakausap na raw ang mga oil companies na utay-utayin ang taas presyo.
05:49Nasa 20,000 seafarer ang stranded po ngayon sa Middle East dahil sa gulo doon
05:55ayon sa International Maritime Organization ng United Nations.
05:59Dagdag pa sa bilang ang 15,000 pasahero ng cruise ship.
06:03Ayon sa IMO, handa ang organisasyon na tumulong para matiyak ang kaligtasan at kalagayan ng mga natrap na seafarer.
06:13Sa ngayon, apektado rin po ng gulo ang ilang port facilities.
06:16Kaya sabi ng IMO, hirap din na matiyak na ligtas na makakababa mula sa barko ang mga seafarer.
06:23Mura po para ma-repatriate sila.
06:26Sa Greece, nag-strike ang mga seafarer doon para manawagan na ma-repatriate ang mga kapwa nila tripulante.
06:34Hindi rin daw dapat papasukin ang mga barko sa mga pinangyayarihan ng gyera.
06:39Kinukuha pa namin ang reaksyon dito ng ating Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers.
06:47Ito ang GMA Regional TV News.
06:52May iinit na balita mula sa GMA Regional TV.
06:56Tatlo ang sugatan ng dumausdos at bumangga ang isang van sa ilang stall sa Session Road sa Baguio City.
07:03Sa imbisasyon ng pulisya, nakaparada ang van sa bahagi po yan ng Father Carlos Street
07:08at iniwan ang driver sa loob ang 6 na taong gulang niyang anak.
07:13Nakapatay naman daw ang makina ng sasakyan.
07:15Pero nagalaw-umanon ng bata ang handbrake kaya dumausdos ito.
07:20Ligtas naman po ang bata sa loob.
07:23Nakausap na rao ng may-ari ng van ang mga sugatan na maayos na ang kalagayan.
07:28Nakausap na rin daw niya ang may-ari ng mga nasirang tindahan.
07:34Arestado ang isang pulis sa drug by-bust operation sa Naga, Camarinesur.
07:38Narecover sa kanya ang nasa 7 gramo ng hinihinalang siyabu na halos 50,000 piso ang halaga.
07:44May narecover ding ibupang drug paraphernalia ang PIDEA sa kanilang operasyon.
07:48Nasa kustudya na ng pulis siyang suspect na mahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
07:55Sasambahan din siya ng kiwalay na administrative case bilang pulis.
07:59Wala siyang pahayag.
08:03Biglang pumasok ang motorcycle rider na yan sa outer lane ng National Highway sa Barangay Lanatan sa Balayan, Batangas.
08:10Nagbagal siya doon na pangga at natumba ang rider.
08:13Doon na siya pumailalim at nagulungan ang truck sa ulo na naging dahilan ng kanyang pagkazawi.
08:19Nakakulong na sa Palayan Police Station ang truck driver na nahaharap sa kaukulang reklamo.
08:25Wala siyang pahayag at ang mga kaanak ng nasawing rider.
08:28Paalala mga kapuso, may blind spots o hindi nakikita mga bahagi ang kalsada ang isang nagmamaneho ng malaking truck.
08:37Samantala hawak na ng pulis siya ilang CCTV footage na posibleng may kaugnayan po sa pagkamatay
08:43ng umano'y hazing victim na si Kenneth Alcedo.
08:47Iniimbisigahan din ang sunog na nangyari sa lugar kung saan umano'y ginawa ang initiation rights.
08:53Balitang hatid ni Jomer Apresto.
09:00Sa pool sa CCTV ang isang kulay gray na kotse na napadaan sa Governor's Drive sa Desmarines Cavite
09:06pasado alas 6 ng umaga nitong March 1, kumanan sa Barangay Road.
09:11Ayon sa Barangay Langkaan Uno, yan ang kotse na nakita noon sa isang ospital sa General Trias Cavite
09:17na naghatid sa 19 anyos na si Kenneth Alcedo.
09:20Siya ang freshman maritime student ng PNTC Colleges na biktima umano'n ng fraternity hazing.
09:26Mula sa Barangay Road, mayroon pa raw halos tatlong kilometro bago makarating sa bakanteng lote
09:31ng purok sa isasyungan kung saan pinaniniwala ang naganap ang initiation rights.
09:36Kahapon, sinuyod ng pulis siya ang lugar.
09:39May kita sa video kung gaano kasukal ang daanan.
09:42Nag-imbestiga na raw ang pulis siya sa mga bahay na pinakamalapit doon.
09:46Nakakuha ng ilang CCTV footage ang PNP na hindi pa nila inilalabas sa publiko.
09:51Sa pagdedetalyan ng barangay, bandang 6.20am nang makita sa CCTV
09:56ang isang kotse at ilang motorsiklo na huminto sa dulo ng kalsada.
10:00Mula sa dulo ng kalsada, nasa walong minuto raw nalakad bago makarating sa pinangyarihan mismo
10:06ng initiation rights.
10:07Kaya malaboan nila na marinig ng mga residente ang nangyayari.
10:12Lib-lib na talaga siya, malayo na siya sa kabahayan.
10:14Malayong malayo na rin dito sa barangay.
10:16Tatawid siya ng ilog, then pahon, kawayanan talaga yung dadaanan.
10:22Bandang 10.58am nang makita raw ang biktimang si Kenneth
10:25habang pakiet na at pabalik sa kalsada.
10:28Pusibleng tapos na umano ng mga oras na yun ang initiation rights.
10:32Malakas pa siya, umakiet pa siya, mag-isa, tatlo sila,
10:35sa gitna siya, lalakad sila, pero dahan-dahan na yung lakad.
10:39Then naupo pa siya para magpahinga doon sa lulun ng kalsada,
10:44papuntang sa sakya nila.
10:46So may siya mag-isa.
10:47Hindi bababa sa 10 lalaki ang anila'y nakasakay naman sa mga motorsiklo
10:51na kasabay umalis ng kotse kung saan nakasakay si Kenneth.
10:55Wala kaming namukaan.
10:56Sabi nga namin lahat ito hindi taga ng kahanuan.
11:00Inaalam pa ng otoridad kung may hininto ang bahay ang grupo
11:03at kung sino ang may-ari nito.
11:05Matapos naman ang pag-iimbestiga kahapon ng polisya,
11:09nasunog ang pinangyarihan ng umanoy initiation rights o hazing.
11:12Inaalam pa kung sinadya o dahil sa init ng panahon.
11:16Ayon naman sa Cavite Police Provincial Office
11:18nasampahanan ng reklamong paglabag sa anti-hazing law
11:21at obstruction of justice ang driver ng kotse
11:23na naghatin sa biktima sa ospital.
11:25Kinilalang sospek sa alias na John,
11:2723 anyos at 4th year maritime student
11:30kung saan din nag-aaral ang biktima.
11:32Hinahanap ang iba pang sangkot sa umanoy hazing.
11:35Nakatakdang ipresenta ng polisya
11:36ang kanilang mga bagong ebidensya at development
11:38kaugnay sa pagkamatay ni Kenneth.
11:41Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended