00:00I-dineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang 2024 at 2025 General Appropriations Act,
00:07gayon din ang ilang bahagi ng 2026 GA.
00:10Partikular na tinukoy ng Korte ang mahigit P449 billion pesos
00:14ang programmed appropriations na i-dinagdag sa 2024 budget
00:18at pagdagdag ng halos P18 billion pesos na DPWH Special Road Fund sa 2025 budget.
00:25Balita-hatid ni Marie Sumali.
00:311987 pa lang ay may unprogrammed appropriations na sa budget ng mga administrasyon.
00:37Ito yung mga item o proyektong pinupundohan lamang kapag may sobrang revenue ang gobyerno.
00:42Hindi naman daw ito labag sa batas.
00:44Pero kinwestyon sa Korte Suprema ang legalidad na unprogrammed appropriations sa 2024 national budget
00:50na nakapaloob sa 2024 General Appropriations Act.
00:54Ayon sa mga petitioner, labag ito sa Article 6, Section 25 ng 1987 Constitution.
01:00Nakasaad doon na hindi pwedeng Kongreso ang magtaas ng appropriations na inarekomenda ng Pangulo
01:06para sa operasyon ng gobyerno.
01:08I-diniklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang 2024 at 2025 GAA.
01:13Partikular na tinukoy ang nadagdag na P449.5 billion pesos na unprogrammed appropriations noong 2024
01:21at P17.99 billion pesos na pagtaas ng Special Road Fund noong 2025.
01:27Dahil dito, kaya lumampas daw ang budget sa inarekomenda ng Pangulo.
01:31I-diniklara rin unconstitutional ang mga probisyon at chapter na nag-authorize
01:35o nagpahintulot ng unprogrammed appropriations sa 2026 GAA.
01:40Paglilinaw ng Korte Suprema, bagamat hindi unconstitutional ang mga unprogrammed appropriations,
01:45kailangang may malinaw na limits at safeguards para mapanatili ang fiscal discipline,
01:50transparency at accountability.
01:52Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng Malacanang at Kongreso kaugnay nito.
01:56Ayon naman sa isa sa mga petitioner na si dating Sen. Coco Pimentel,
02:01sangayon siya sa desisyon ng Korte Suprema.
02:03Ito raw ang basic principle ng constitutional law.
02:07Mariz Umali, nagbabalita para sa GMA News.