Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga balitang ating sinaksihan ngayong Huwebes March 5, 2026.


- Van, dumausdos at bumangga sa ilang tindahan sa Session Road; 3 sugatan


- Taas-presyo sa gasolina at diesel sa susunod na linggo, posibleng umabot sa mahigit P7-P15 ayon sa oil industry sources


- VP Sara Duterte, may hanggang March 15 para sagutin ang notice na ipinadala ng House Committee on Justice


- Mga nagpakilalang ex-marines, inilahad ang umano'y panggigipit sa kanila; nanindigan sa kanilang mga alegasyon


- Bagong footbridge na kapalit ng tinaguriang "Mt. Kamuning," binuksan na


- Ilang women's rights advocate, naghain ng reklamo vs. Rep. Suntay sa House Committee on Ethics


- 18 na nagpakilalang ex-marines, abogado nilang si Atty. Baligod, Dating Cong. Mike Defensor at iba pa, sinampahan ng reklamo ni Ex-Sen. Trillanes


- Heat index sa Coron, Palawan, ilang araw nang nasa danger level ayon sa PAGASA


- U.S. Marine veteran na nagprotesta sa U.S. Capitol, nabalian ng braso nang palabasin ng security officers


- Jillian Ward, aminadong na-'out of place' dati sa 3 niyang leading men sa "Never say die"


- Alagang aso, sobra kung makadikit ng nguso sa pisngi ng amo


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:

GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:30Pinarada ng driver ang sasakyan sa bahagi ng Father Carlos Street at naiwan sa loob ang anak niyang 6 na
00:37taong gulang.
00:38Nakapatay naman daw ang makina at naka-handbrake din.
00:42Pero nagalaw-umano ng bata ang handbrake kaya gumalaw ang sasakyan.
00:47Hindi daw nasaktan ang bata.
00:49Nagkaroon na ng pag-uusap sa pagitan ng driver at mga biktima.
00:55Dahil sa patuloy na gulo sa Middle East, pinangangambahan ang nakaambang big-time oil price hike sa susunod na linggo.
01:03Ayon sa ilang oil industry stores, posible itong umabot sa 7 hanggang 15 piso kada litro.
01:10Inilalatag naman ang gobyerno ang mga posibleng ayuda na pwedeng ibigay sa mga sektor na labis na maapektuhan.
01:19Saksi si Joseph Moro.
01:24Ang presyo ngayon ng gasolina naglalaro sa 51 hanggang 75 pesos kada litro, 49 hanggang 66 pesos naman ang diesel,
01:33habang nasa 78 hanggang 100 pesos ang kerosene.
01:37Pero kapit ng mahigpit dahil sa susunod na linggo, nakalululang tas presyo sa produktong petrolyo ang nakaamba.
01:43Ayon sa oil industry sources na nakausap ng GMA Integrated News, 15 pesos and 33 centavos ang posibleng itaas ng
01:52kada litro ng diesel at 7 pesos and 9 centavos naman sa gasolina.
01:56Pwede pa raw yung magbago o mag-adjust dahil base pa lamang ito sa unang tatlong araw ng trading ngayong
02:02linggo.
02:03Kahapon na sa $145 na ang kada bariles ng diesel habang aabot na sa $100 ang kada bariles ng gasolina.
02:11Ang Department of Energy nakatutok sa kalalabasan ng presyuhan ng krudo sa world market.
02:16Pero ito mang ginaman muna na magbigay ng tansya kung magkano ang tataas ng gasolina at diesel sa susunod na
02:22linggo.
02:23Ang mapso, tuloy-tuloy yan. Medyo may kataasang pero again, hindi ho yan ang inaasahan natin. Natatama sa atin dito
02:31sa pump price.
02:33So, hintayin na lang talaga ang end of this week for Monday to be precise.
02:39For implementation on Tuesday?
02:41Para sa Tuesday. Mahirap ko mag-pre-end tayo ngayon. Malalabas sa media yung matataranta ang tao.
02:48Pagsisiguro ng pamahalaan, hindi naman daw isang bagsakan.
02:51Ang mararanasang taas presyo sa produktong petrolyo ng mga motorista kahit patumasang presyo niyan sa world market.
02:58May iba't iba rin na ayuda ang nakahanda ang pamahalaan.
03:01May consideration pa yan na pinag-uusapan with the oil company na pwede pang mag-implement ang staggered price increases.
03:09At the same time, marami pang iba like fuel discount.
03:13Okay.
03:14Ilalabas din ho natin yan. So, marami hong faktor na pwedeng mapag-usapan dyan.
03:19Para mabawasan kahit paano ang presyo, gusto ng Senado at Kamara nabigyan ng emergency power si Pangulong Bongbong Marcos para
03:26suspindihin ang excise tax o buwis na ipinapataw sa produktong petrolyo.
03:31Sa ngayon, nasa 10 piso kada litro ang ipinapataw ng excise tax sa premium at unleaded gasoline.
03:37Habang 6 pesos naman sa diesel.
03:39Sa panukalang batas ni Sen. Bam Aquino, base sa rekomendasyon ng finance secretary, magkakaroon ng kapangyarihan ng Pangulo na suspindihin
03:47ang excise tax sa mga produktong petrolyo sa panahon ng national emergency o kailangan sa interes ng publiko.
03:54Pero agad din daw itong babawiin kapag bumalik na sa normalang sitwasyon.
03:58Sa versyon naman ni Sen. Joel Villanueva, maaaring suspindihin o bawasan ng Pangulong excise tax kapag tumuntong o lumampas sa
04:06$80 ang kada barilis ng krudo.
04:11Naghahain na rin ang kaparehong panukalang batas sa Kamara si Marikina Rep. Miro Kimbo.
04:16Sa panukalang joint resolution naman ni Navotas Rep. Toby Tshanko, gusto niyang bigyang kapangyarihan ng Pangulo na suspindihin ang value
04:24-added tax o baat sa mga produktong petrolyo.
04:27Ang nakambang big-time oil price hike ay resulta ng patuloy na pagtaas ng presyo ng kada barilis ng krudo
04:34sa pandigdigang merkado dahil sa gulo sa Middle East.
04:37Patuloy nga ang pagganti ng Iran sa Israel at pagdamay sa ibang balsang kalyado ng Amerika sa Middle East.
04:44Kaya sa mga pag-atake ng Israel sa Iran, damay rin ang mga grupong nakampinang huli gaya ng Hezbollah na
04:51nakabasa sa Lebanon.
04:52Kabalo tuloy ang mga Pilipino roon gaya ng domestic helper na si Glenda.
04:56Ang narinig po pong pinakamalakas kahapon, yung pong every minute po, hindi po alam namin na gano'n nga po.
05:06Siyempre, nagbibinits ka. Tapos bigla na lang may sasapag. Siyempre, mapapahiyaw po kayo.
05:12Kasi sa lakas po ng impact, yumayanig dito. Mga dalawang beses po, minuto lang po ang pagitan.
05:19Malayo man daw sa kanila ang tina-target, binigramdam at amoy nila ang uso.
05:24Yung mga kapatid ko, pinapauwi na ako. Sabi ko po, dito sa place ko, okay naman, malayo naman.
05:30Sa ngayon, crisis alert level 3 ang pinahiral ng ating Foreign Affairs Department sa Lebanon.
05:36Kaya voluntary pa lamang ang repatriation.
05:39Pero 26 na sa mayigit 14,000 Pilipinong nagdadrabaho roon at nagabis ang gusto ng umuwi sa Pilipinas.
05:46Sa kabuwan, halos 2,000 humiling na mapauwi na mula Middle East.
05:50Pero pahirapan pa ang repatriation dahil sa sarado mga airspace sa mga bansa roon.
05:56Rest assured, the effort continues to look out for those who remain.
06:02We are finding ways. Yung airspace still rather limited when it comes to Dubai.
06:08Mula Dubai, ang halos 300 Pilipinong nakauwi na sa Pilipinas matapos magbukas ang airspace roon.
06:14Karamihan ay mga stranded na turista habang 23 ang mga OFW, habang ang dalawa ay anak ng OFW.
06:21Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong, ang inyong saksi.
06:25Binigyan ng House Committee on Justice na hanggang March 15 si Vice President Sara Duterte
06:32para sagutin ang mga aligasyon sa ikatlo at ikaapat na impeachment complaint laban sa kanya.
06:38Saksi si Tina Pangaliban Perez.
06:44Natanggap kanina ng Office of the Vice President ang Notice to Respondent na pinadala ng House Committee on Justice.
06:52Kinumpirma mismo yan ni Atty. Michael Powa, tagapagsalita ng defense team ni Vice President Duterte.
06:59Pero giit niya, wala pa silang nakikitang dahilan sa ngayon para maglabas ng komento.
07:04Pinasasagot si Vice President Sara Duterte sa mga aligasyong nakalatag sa 3rd at 4th impeachment complaints
07:12na nakitang sufficient in form and substance.
07:16Binigyan siya ng 10 calendar days para ibigay ang kanyang tugon.
07:20The counting shall begin on March 6, bagaman today it is being served already to the Vice President.
07:29So today is a serve. We come from tomorrow. The 10th day will be March 15.
07:35Kasama sa mga ground for impeachment ng dalawang reklamo,
07:38culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, graft and corruption, bribery, at other high crimes.
07:48Kung na ito sa umunoy maling paggamit ng confidential funds,
07:52pagkontrata sa isang papatay sa Pangulo, First Lady, at dating House Speaker,
07:58pagkamal-umano ng unexplained wealth, at hindi pagdadeklara nito sa kanyang sal-end,
08:03at umunoy pagkilos para sa political destabilization, sedition, at insurrection.
08:09Itong answer is part of her due process as well.
08:12So as to whether she will file an answer or not, that is her prerogative.
08:18And if she doesn't file, again, that will merely be interpreted as her waiver of her right to file an
08:25answer.
08:26Nevertheless, ang Justice Committee tuloy lang ang proceeding ng impeachment complaints.
08:31Kung sasagot ang bise, may three calendar days naman ang mga complainant para maghain ang kanilang sagot.
08:39At pagkatapos, may three calendar days naman ang bise para maghain ang rejoinder.
08:44Kapag kompleto na ang pleading si Vice President Sara Duterte at ng mga complainant,
08:49pagdedesisyon na naman ang House Committee on Justice kung may sufficient grounds para suportahan ang impeachment complaint.
08:57Kung meron, magsasagawa na ang komite ng hearing.
09:00I-imbitahan na natin yung complainants, witnesses, and even the respondent to provide their testimony before the Justice Committee.
09:09So ganun din yun lang.
09:11Pag hindi dumating si Vice President sa hearing proper,
09:14it will merely be interpreted as a waiver of her right to be present during the hearing.
09:19Kasama sa impeachment complaint,
09:21ang affidavit na nagpakilalang dating aid ng bise na si Ramil Madriaga.
09:26Siya ang nagsabing nag-deliver siya ng pera sa ilang individual sa utos ni Duterte.
09:32Sinampahan siya ng reklamong perjury ng bise dahil hindi raw totoong naging aid niya si Madriaga.
09:39May mga miyembro ng komite na nagsabing wala itong epekto sa impeachment proceedings sa ngayon.
09:45His affidavit was attached to the impeachment complaint.
09:49Kaya po may power ang Committee on Justice to invite him despite the proceedings or despite the filing of the
10:04case against him.
10:05Hindi covered ng subjudice.
10:07Pero kung makonvict nila si Ramil Madriaga dito sa perjury,
10:12somehow it will affect the veracity of the testimonies which he provided in his affidavit.
10:18Para sa GMA Integrated News, ako si Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.
10:24Nakaranas umano ng panggigipit ang mga nagpakilalang dating sundalo na nagsiwalat ang umano yung panunuhol,
10:31kaugnay ng flood control scandal at investigasyon ng ICC sa Duterte Drug War.
10:38Saksi si Maki Pulido.
10:44Emosyonal ang ilang mga dating sundalo na nagpakilalang mga dating security daw ni Zaldico
10:49nang humarap sa ipinatawag nilang press conference.
10:53Pinigipit daw sila at pinagdududahan sa kanilang aligasyon
10:56na naghatid sila ng malem-maletang pera sa ilang politiko at personalidad,
11:01kabilang na si Pangulong Bongbong Marcos.
11:03Wala silang partikular na tao o grupong itinuro sa likod ng panggigipit,
11:08pero bakit daw di iniimbestigahan ang mga sinabi nila na anilay walang halong politika?
11:14Sa ganitong sitwasyon na naglalahad kami ng katotuanan na aming salaysay,
11:20sana respetuin nila kami,
11:22bigyan nila kami ng credibility, yung moral namin.
11:27Para ito sa bayan, sir, ang ginagawa namin, sir.
11:30Hindi ito pong sarili lang namin.
11:32Buhay po namin sa kapamilya namin ang nakataya dito.
11:35Hindi namin isusugal ng ganun-ganun lang.
11:38Pinanindigan nilang naghatid sila ng pera na nasa limang maleta
11:41sa bahay ng Pangulong Marcos sa Ilocos Norte.
11:44Limang maleta po yun ang dinala namin ni Kong Saldi doon sa bahay.
11:49Saan po exacto?
11:51Sa Ilocos po.
11:52Saan po sa Ilocos?
11:53Yung ano po may lake po.
11:55Ilang po yung...
11:56May ano po?
11:58Yung may lake.
11:59Nakita rin daw nila si Congressman Laila Delima
12:02noong taong 2025 sa isang townhouse sa Forbes Park, Makati
12:05na laging kamiting si Congressman Saldi ko.
12:08Yung time na nakikita namin siya ma'am,
12:122025 po.
12:14Sa townhouse?
12:14Sa townhouse po.
12:16Lagi po siya doon.
12:18Kamiting sila boss.
12:21Then paglabas niyan, may mga bit-bit na po yan sila nakuhaan.
12:24Paper bag.
12:27Paper bag.
12:27At paano niyo alam na may laman yung paper bag na pera?
12:31Kasi po, galing po yung horizon, ma'am eh.
12:33Kami po ang nagdadala sa townhouse.
12:35Tsaka lang po namin ang pera yun.
12:37Kasi sinasabi po ng mga ii, ma'am eh.
12:40Tsaka nakikita rin namin.
12:42Nauna na ang itinanggi ni Delima ang aligasyong tumanggap siya ng pera mula kay Coe.
12:47Ang palasyo, tinawag na rin Clausey's Crypt.
12:50At paulit-ulit kumanong kasinungalingan ang mga aligasyon na mga dating sundalo.
12:55Pero puna ni Vice President Sara Duterte, tila raw walang interes o agarang hakbang ang administrasyon na siya sa atin
13:02ang katotohanan.
13:04Tahimik rin daw ang mga civil society groups na dati ay mabilis maglabas ng pahayag.
13:09At wala rin daw imik ang mga religious leader na naninindigan daw sa moralidad, transparency at accountability.
13:15They're trying to create a political tipping point. What more? Alam na natin yun, di ba?
13:21They want a branch of the service to rise up in arms. Yun naman yun eh. Local yan, local yan.
13:28I think we know who's behind it.
13:30Nauna nang sinabi ng NBI na iniimbestigahan na nila ang kredibilidad ng kwento at akusasyon ng mga dating sundalo.
13:37Sa inisyal na impormasyon ng NBI at ombudsman, ilang daw sa mga sundalo may kinakaharap na kasong kriminal.
13:44Kasama daw sa iniimbestigahan ang mga personalidad na umunoy nasa likod nila.
13:48Giit naman ng mga dating sundalo.
13:50Hindi kami pro-Duterte lahat. Hindi kami pro-BBM din. Neutral kami sir. Nagtrabaho ordinaryong Pilipino lang sir.
13:57Wala pong sumusuporta sa amin. Kahit sino sir. Nasa label po kami. Hindi kami lumapit kung kahit sino.
14:05Hindi kumpleto kanina ang lahat ng labing walong marines. Ang iba daw tinitiyak na safe ang pamilya nila.
14:11Kanina, biglang tinapos ang press conference dahil may pangamba na raw sa siguridad nila.
14:17Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
14:24Bagong footbridge sa kapalitan tinaguriang Mount Camonin. Binuksan na.
14:29Sinubukan pa ni Pangulumbongbong Marcos sa akitin ng luma at mas matayog na footbridge.
14:34At mula sa tuktok, ay sinilip niya ang kapalit.
14:3887 milyon pesos na ginastos para sa bagong footbridge na itinayo sa loob ng apatabuan.
14:43May akses din sa GMA Camonin MRT Station at sa bagong Camonin Station ng MRT Busway.
14:50Uta ng Pilipinas sa National Government's Outstanding Debt lumobos sa mahigit 18.13 trillion pesos itong Enero 2026.
14:58Mas malaki yan ng 2.41% o mahigit 17.7 billion pesos kumpara noong Desyembre 2025.
15:05Ayon sa Bureau of the Treasury, base sa computation ng GMA Integrated News Research,
15:11kung pagbabasehan ang populasyon ng Pilipinas noong 2024,
15:15nasa may 160,000 piso ang katumbas sa utang sa bawat Pilipino ayon sa gobyerno.
15:22Nilakihan talaga ang mga inutang ng bansa nitong Enero bago pa magkaroon ng kawalan ng kapiyakan sa global market.
15:28Pag hinintay kasi yun, baka lalong lumaki ang interes sa utangin.
15:3168% ang utang ay galing anila sa loob ng bansa o domestic debt na nasa 12.32 trillion pesos.
15:39Mas malaitan niyang exposure nito sa risk o pagiging delikado kumpara sa inutang sa ibang bansa o mga foreign agency.
15:47Para sa GMA Integrated News, ako si Ivan Mayrina ang inyong saksi.
15:52Inireklamo sa House Committee on Ethics ng ilang women's right advocate si Congressman Bong Suntay.
15:59Kaugnaya ng kanyang kontrobersyal na pahayag patungkol sa aktres ni si Ann Curtis-Smith, saksi si Tina Pangaliban Perez.
16:10Hindi pinalampas ng ilang kababaihan ang kontrobersyal na pahayag ni Quezon City 4th District Representative Bong Suntay
16:18tungkol saan niya ang mga naisip at naramdaman niya tungkol sa aktres na si Ann Curtis-Smith.
16:24Kasama si Gabriela Partenist Representative Sara Elago, naghahayon sila ng reklamo sa House Committee on Ethics
16:31laban kay Suntay dahil sa mga paglabag-umano sa Magna Carta for Women, Safe Spaces Act at Code of Conduct
16:39para sa mga nasa gobyerno.
16:41Walang lugar ang ganitong kondukta ng isang halal na opisyalist ng gobyerno.
16:46Dahil mababatas ka, dapat mas mabigat ang kaparusahan na dapat igawad ng kongreso sa kanya.
16:53Pwede siyang suspendihin ng ilang linggo.
16:59Pwede rin na magmulta siya. Pwede siyang mag-community service.
17:05Bagamat humingi ng paumanhin kagabi si Suntay at sinabing taken out of context ang kanyang pahayag,
17:11hindi raw ito sapat para sa mga women's rights advocate.
17:15Mukha naman hindi siya sinsero eh. Kasi hindi niya binawi yung sinasabi niya na dapat na itreat ni Ms. Curtis
17:27na compliment yung kanyang sinabi.
17:30Wala siyang binawi sa sinabi niya. So pagpapakita lang ito ng kanyang attitude, yung pagtingin niya talaga sa kababaihan.
17:36Nang privilege speech naman si House Committee on Women and Gender Equality Chair Anne Matibag para punahin ang pahayag ni
17:43Suntay.
17:44Hayaan po nating maging malinaw. Ang babae ay hindi biro, hindi rin siya pantasya at ang dignidad ng kababaihan ay
17:52hindi kailanman dapat maging katatawanan sa loob ng Kongreso.
17:57Hiling ni Matibag tingnan ng Committee on Ethics and Privileges ang pahayag ni Suntay at magsagawa ng hearing kaugnay nito.
18:05Nairefer na ang talumpati sa komite at ipinagutos ang pagsusuri sa naging pahayag ni Suntay.
18:12Ipinagutos din ng Kamara ang formal na ethics investigation kaugnay nito, gayon din ang pagharap ni Suntay sa committee hearing.
18:21Kinundan na rin ang Commission on Human Rights ang pahayag ni Suntay na nakababahala raw, lalot nangyari sa pagsisimula ng
18:28buwan ng kababaihan.
18:29Anila, ano man ang layunin ng mga pananalita na ginawang sekswal o hinahamak ang kababaihan ay nakasisira sa pinaghirapang progreso
18:40ng bansa para sa pagkakapantay-pantay ng kasarihan.
18:44Nanawagan din ang komisyon sa Kongreso na pagtibayan ang kanilang code of conduct at tiyaking patuloy ang paggamit ng pamantayan
18:52at pananalitang may gender sensitivity sa kanilang mga proceedings.
18:56Dagdag nila, ang Kongreso ang dapat na nagiging halimbawa ng paggalang sa kababaihan at pagkakaroon ng zero tolerance sa mga
19:05pananalitang sekses at ipapanguli ng diskriminasyon.
19:10Sinusubukan pa namin makuna ng bagong reaksyon si Congressman Suntay.
19:14Para sa GMA Integrated News, ako si Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.
19:21Kaugnay niyan, humingi ng paumanhin ang asawa ni Representative Bong Suntay.
19:26Sa social media post ni Sheila Guevara Suntay, nilinaw niyang hindi siya sumasang-ayon sa maging kanilang mga anak sa
19:35naging pahayag ng kanilang padre ni pamilya.
19:38Hindi ang niya totoo ang kumakalat na pinagtawanan at approve sa kanya ang naturang pahayag.
19:45Nag-sorry siya kay Ann Curtis at sa pamilya nito, sabay giit na walang sino mang babae ang dapat pagsalitaan
19:53ng ganun.
19:54Dagdag niya, bawat babae ay dapat na itrato ng may dignidad at paggalang.
19:59Umapila din siya sa publiko na huwag sana silang idamay ng kanyang mga anak sa insidente.
20:06Sinampan ang reklamo ni dating Sen. Antonio Terrellanas IV ang labing walong nagpakilalang dating sundalo na nag-akusa sa kanya.
20:15Gayun din ang kanilang abogado at apat na iba pa.
20:19Saksi si Vona Quino.
20:23Nag-hahin ang reklamong perjury si dating Sen. Antonio Terrellanas IV sa Department of Justice
20:29laban sa labing walong dating marines na nag-akusa sa kanya na nakatanggap siya ng mali-maletang pera mula kay
20:36dating Congressman Zaldico.
20:38Reklamong cyber libel at infriminating ang innocent person naman ang inihain niya laban kina Atty. Levito Balikot,
20:44ang abogado ng labing walong dating sundalo, dating Congressman Mike Defensor, broadcaster na si Jason Zang,
20:51dating NTFL CAC spokesperson Lorraine Badoy at vlogger na si Kathy Binag
20:56dahil anya sa pagpapakalat ng mga kasinungalingan tungkol sa kanya.
21:01Giit niya isa itong conspiracy, hindi lang para sirain siya, kundi pati na rin ang International Criminal Court.
21:07Aminado si Terrellanas na 2017 pa siya nakikipag-ugnayan sa ICC
21:12para tumulong sa pagkalap ng mga ebidensya at testigo para palakasin ang kaso laban kay Duterte.
21:17Pero hindi umano niya pwedeng i-detalye ang mga meeting na ito
21:21dahil malalagay sa piligro ang mga ICC investigators at testigo.
21:25Hindi po totoo yan.
21:27Wala akong natanggap na 2 million dollars at kung anumang halaga mula kay Zaldico para sa ICC operations.
21:36So itong ginawa nila ay paninira lang, hindi lang sa akin, kundi doon din sa mga investigador ng ICC
21:45to cast doubt doon sa integrity ng ICC investigations.
21:50Paglilinaw ni Terrellanes, ang ICC ang gumagasto sa operations nila rito sa Pilipinas.
21:56Nagsalita na rin anyang ICC na meron silang pondo para sa kanilang investigasyon
22:01at itinanggi na rin umano nila na tumanggap sila ng pera mula sa mga Pilipino.
22:06Nagsalita na yung deputy prosecutor, yung acting prosecutor ngayon
22:10na deliberate intimidation yung ginawa nila Levi Baligod.
22:16Tapos yung pag-out nila nung mga identities at names nung mga ICC investigators
22:23at nung mga witnesses, dahil doon nilagay nila sa piligro yung mga taong ito.
22:30Pinanindigan ang isa sa mga nagpakilalang dating sundalo na si former sergeant Dante Orbilio
22:35ang pahayag nila laban kay Trillanes.
22:38Bilang dating driver doon ni Zaldico, tatlong beses sa sanglinggo silang maghatid
22:43sa iba't ibang personalidad na mga maleta o paper bag na puno ng pera.
22:48Ang diniliver doon isang paper bag at ang nagdala po doon ay iinibos na si Mark Tixay.
23:02Yan po yung sabi ni Mark Tixay po na ang laman ng pera na yun ay ang laman ng paper
23:10bag na yun ay pera
23:12at ibibigay nga kay former senator Trillanes, doon po sa Antipulo.
23:18Isang malaking karangalan na mapasama sa kaso, nakasama sila.
23:22Yung sinasabi ng mga taong ito ay katotohanan.
23:26Sa kanyang post naman sa social media, sinabi ni Badoy na na-expose na si Trillanes
23:31bilang isa sa mga tumanggap ng maletang may pera para gawin o mano ang utos ni Pangulong Bongbong Marcos.
23:37Kaya't may pivotal role anya si Trillanes sa pagkasira ng ating bansa.
23:43Sinusubukan pa namin puna ng pahayagang iba pang nabanggit sa reklamo.
23:47Para sa GMA Integrated News, Von Aquino ang inyong saksi.
23:52Hindi pa opisyal na tag-init pero ilang araw nang nasa danger level.
23:57Ang heat index sa Coron, Palawan.
24:00Saksi si Mark Salazar.
24:05Nakabuk na ba ang lahat para sa Beach 5 ngayong Summer 2026 at parating na huli week?
24:12Because the heat is on.
24:14Pero sa Coron, Palawan, ilang araw nang nasa danger level.
24:18Ang 42 degrees Celsius na heat index.
24:21Simula noong March 3, 42 sila consistent sa kanilang forecast namin para sa heat index.
24:28Coron is a beach area so maaaring dahil sa, alam mo naman ang dagat, nagre-reflecto ng mas mainit na,
24:36nare-reflect niya yung sa mainit na kapaligiran.
24:39At sa kanilang monitoring, Coron ang unang nagparamdam ng tuloy-tuloy na alinsangang nasa danger category.
24:47Pero ang 42 degrees na naitala ay pwedeng nasa cooler area pa.
24:52Ibang level pa ng init kapag nasa dagat at beach ka.
24:56Solar radiation, so mas nagre-reflecto ng radiation sa kapaligiran natin.
25:02Ganon din yung mga buhangin na mainit din.
25:05Tapos kung wala naman mga puno para magkaroon ng, kumbaga, mas makulimlim na kapaligiran.
25:11At kung mahina din ang hangin, yung mga bugan ng hangin, ay maaaring makadulot ito ng mas mataas yung relative
25:18humidity o yung alinsangin.
25:20Maaaring mas mainit pa yung mararamdaman nila.
25:22So, ito yung nagbibigay tayo ng kategory na maaaring makaranas sila 42 to 50 degrees Celsius.
25:29Ganon.
25:30Yung range ng temperature na maaaring nilang maranasan.
25:33Kapag nasa danger category ang heat index, pwede kang makaranas nito ng exhaustion, pagkahilo, pagsusuka, at minsan pagdurugo ng ilong.
25:43Ito kasi ang klimang, ang init-init, pero hindi ka naman pinapawisan.
25:48Narereteng yung tubig sa katawan mo, kaya ang alinsangan nung pakiramdam mo, hindi mo mailabas yung pawis mo.
25:53Kasi nga maalinsangan na sa kapaligiran mo, kumbaga saturated na.
25:58Pinakamataas ang damang init mula alas 12 ng tanghali hanggang alas 3 ng hapon.
26:03Kaya ang taonang payo ng DOH, manatili sa lilim sa mga oras na yan, palaging hydrated at magsuot ng preskong
26:12dabit.
26:12Kung nasa outing o nasa labas, palaging alagaan ang pakiramdam ng nakatatanda at yung masyado pang mga bata.
26:20Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
26:26What to fight for Israel!
26:31Kinaladkad palabas na mga security officer ang isang U.S. Marine veteran na nagprotesta sa U.S. Capitol
26:38habang nagsasagawa ng pagdinig ang Senate Armed Services Subcommittee.
26:44Sa gitna ng pagkaladkad, nabalian ng braso ang lalaking.
26:49Kabilang siya sa mga nagprotesta kontra sa anilay pangihimasok at pagigyera ng Amerika kasama ang Israel sa Iran.
26:58Hindi pa malinaw kung nasaana ang U.S. Marine veteran ngayon.
27:09Puno ng aksyon at may kilig ang mga episode ng seryeng Never Say Die.
27:15Ang lead star na si Jillian Ward, aminadong na OP o out of place noong una sa kanyang tatlong leading
27:23men.
27:23Pero ngayon, lalong naging close at solid ang samahan nila ng co-stars na sina David Licaco, Rahel Biria at
27:32Kim Ji Soo.
27:33At nagkakasundo nga raw sila sa usaping health and fitness.
27:37Sa mga susunod pang episode ng serye, abangan daw ang mas matindi pa nilang training bilang paghahanda sa mga big
27:46time na mga kalaban.
27:53Kinagiliwan ang isang aso na tila natulala ng maharap sa salamin pagkatapos ng grooming session.
28:00Ang isang aso naman, tila paboritong moment ang idikit ang uso sa kanyang amo.
28:07Ating saksihan.
28:10Bakit? Bakit ganyan?
28:13Napi na pipi yung uso mo.
28:16Ay, may sumapaw.
28:18Kung makadikit naman ang asong ito na si Biskwip, akala mo wala ng bukas.
28:23Dahil sa sobrang clingy ng 5-year-old dog.
28:26Bakit ganyan? Ano ka ba kayo?
28:28Nang gigil tuloy ang firmam niyang si Star.
28:31Kwento niya, certified clingy talaga ang kanyang alaga na mahilig sa cuddles.
28:38Skwe!
28:39Bonding moment ng araw ito nila.
28:42Biro naman ng ilang netizen, mukhang may pinagmanahan lang si Biskwip.
28:49Pareho naman pala kasi silang clingy.
28:51Hindi, nangigigil ako sa'yo.
28:54Alone time naman ang gusto ng 1-year-old niya Shih Tzu na si Star.
28:59Ang kanyang paghilata sa kama is giving day of vibes sa pagbantay at pagtahol.
29:07Nakakumot pa yan siya at may cellphone sa tabi na animoy kagigising lang mula sa pagtulog.
29:14Kwento ng kanyang firm mom, lagi talagang nakikipagpunahan sa higaan si Star.
29:22Mixed emotions naman ang half-poodle, half-Japanese pits na si Casper nang makita ang sarili niya sa salamin.
29:32Nagmukha kasi siyang baby girl pagkatapos ng grooming session niya.
29:37Kaya ang aso, napatulala na lang.
29:39Biro ng netizens, nakapigtails daw ang baby boy.
29:45Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
29:53Salamat po sa inyong pagsaksi.
29:55Sa ngalan ni Pia Arcangel, ako po si Sandra Aguinaldo para sa mas malaking misyon at sa mas malawak na
30:02paglilingkod sa bayan.
30:03Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
30:08Hanggang bukas, sama-sama tayong magiging saksi.
30:15Mga kapuso, maging una sa saksi.
30:18Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended