- 2 hours ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Narito ang mga balitang ating sinaksihan ngayong Martes Feb. 10, 2026.
- Nasa 100 bahay, nilamon ng apoy; 500 residente, nasunugan
- 10 pulis, inireklamo dahil sa ilegal umanong pag-aresto, pagnanakaw at pangingikil sa criminology student
- P278M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat; droga, isiniksik sa mga haligi at sahig ng container
- 16-anyos na nakasaksak at nakapatay sa 15-anyos na kaeskwela, hawak ng DSWD
- Maynilad water service interruption, naranasan sa ilang lugar sa Cavite at Metro Manila
- Lacson: Senate Blue Ribbon Comm. report, pinalambot ang lenggwahe alinsunod sa gusto ng ilang taga-majority
- 2 impeachment complaint vs. Pres. Marcos, tuluyan nang ibinasura ng Kamara
- 3 impeachment complaint laban kay VP Duterte, inaasahang maisasalang na sa order of business sa plenaryo
- Chinese Embassy spokesperson, tinawag na "political stunt" ang Senate Resolution 256
- Dating Speaker Jose De Venecia Jr., pumanaw sa edad na 89
- DMW, nangakong maghahain ng legal na hakbang laban sa pananakit sa babaeng OFW sa Singapore
- Rizal PPO, magsasagawa ng parallel investigation kaugnay ng ilegal umanong pag-aresto ng 10 Pulis-Angono sa isang criminology student
- Pag-ulan sa ilang lugar sa bansa, asahan
- Presyo ng bigas, tumataas dahil kaunti ang palay —Dept. of Agriculture
- Mga diver sa isang aquarium sa South Korea, nagtanghal suot ang hanbok
- 1 patay, 3 sugatan sa salpukan ng 2 motorsiklo
- Same-sex couple, kinilala ng Korte Suprema na kapwa may-ari ng property sa ilalim ng Family code article 148
- 16 na opisyal ng Kalayaan, Palawan, pinagbawalang makapasok sa China, Hong Kong at Macau
- 88-anyos na lola, ipinasyal sa Boracay ng kanyang apo
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Nasa 100 bahay, nilamon ng apoy; 500 residente, nasunugan
- 10 pulis, inireklamo dahil sa ilegal umanong pag-aresto, pagnanakaw at pangingikil sa criminology student
- P278M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat; droga, isiniksik sa mga haligi at sahig ng container
- 16-anyos na nakasaksak at nakapatay sa 15-anyos na kaeskwela, hawak ng DSWD
- Maynilad water service interruption, naranasan sa ilang lugar sa Cavite at Metro Manila
- Lacson: Senate Blue Ribbon Comm. report, pinalambot ang lenggwahe alinsunod sa gusto ng ilang taga-majority
- 2 impeachment complaint vs. Pres. Marcos, tuluyan nang ibinasura ng Kamara
- 3 impeachment complaint laban kay VP Duterte, inaasahang maisasalang na sa order of business sa plenaryo
- Chinese Embassy spokesperson, tinawag na "political stunt" ang Senate Resolution 256
- Dating Speaker Jose De Venecia Jr., pumanaw sa edad na 89
- DMW, nangakong maghahain ng legal na hakbang laban sa pananakit sa babaeng OFW sa Singapore
- Rizal PPO, magsasagawa ng parallel investigation kaugnay ng ilegal umanong pag-aresto ng 10 Pulis-Angono sa isang criminology student
- Pag-ulan sa ilang lugar sa bansa, asahan
- Presyo ng bigas, tumataas dahil kaunti ang palay —Dept. of Agriculture
- Mga diver sa isang aquarium sa South Korea, nagtanghal suot ang hanbok
- 1 patay, 3 sugatan sa salpukan ng 2 motorsiklo
- Same-sex couple, kinilala ng Korte Suprema na kapwa may-ari ng property sa ilalim ng Family code article 148
- 16 na opisyal ng Kalayaan, Palawan, pinagbawalang makapasok sa China, Hong Kong at Macau
- 88-anyos na lola, ipinasyal sa Boracay ng kanyang apo
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Sama-sama tayong magiging, Sarakli!
00:15Ginising ng nagngangalit na apoy ang mga taga-barangay 76A sa Davao City kanina madaling araw.
00:21Umabot ng sunog sa ikatlong alarma at natupok ang aabot sa isan daang bahay.
00:26Pahirapan ang pag-apula dahil malakas ang hangin, makitid ang mga daan at gawa sa light materials ang karamihan sa mga bahay.
00:34Alas 7 na umaga nang magdeklara ng fire out.
00:37At ayon sa Bureau of Fire Protection, apektado ang nasa liman daang individual.
00:42Kinaatian namang aabot sa kalahating milyong piso ang halaga ng pinsala.
00:46Bago sa saksi, relieved na sa pwesto ang sampung polis ang uno na inereklamo na isang criminology student ng iligal na pag-aresto at pangingikil ng limampung libong piso.
01:00Ayon sa Rizal Provincial Police Office, kumpiskado na rin ang mga armas ng sampung polis.
01:05Saksi, si June Veneracion.
01:07November 10, 2025, hinarang na mga miyembro ng Drug Enforcement Unit ng Angono Municipal Police Station ang rider at ang kasang motorsiklo sa barangay San Isidro, Angono Rizal.
01:22Mga sangkot umano sa droga ang dalawang sakay ng motorsiklo.
01:27Ilang minuto lang ang lumipas.
01:29Isa pang nakamotorsiklo ang hinarang.
01:31Dinampot ang sakay ng motor na si Nestor Makabenta Jr., third-year criminology student.
01:37Sumbong pa ni Makabenta.
01:39Kinuharaw ng mga pulisa ang kanyang gintong singsing.
01:42Iligal daw ang pag-aresto sa kanya.
01:44Dahil pililit lang siyang paaminin na siya ang supplier ng droga ng naunang na-aresto ng bagkaangkas sa motor.
01:50Pinipilit po nila ako na ako raw po yung nagbibigay ng droga.
01:54Habang tinatanggit po yung paratang nila, paulit-ulit po nila ako tinasaktan.
01:58Pagkansang dumating sa puntong naso, saputan na po yung ulo ko.
02:01Kaya napilit niya pa akong paminin.
02:03Dinampot siya sa presinto at hilingan ng 50,000 piso para hindi tuluyang kasuhan ng mga pulis.
02:09Nagpadala raw ng pera sa iiwalat ng isang pulis ang kapatid ni Makabenta.
02:14Pero hindi pa rin siya pinakawalan.
02:16Piniturang po nila yung resibo ng ***.
02:18Saka po nila din-elate.
02:20Saka po pinakita nila sa akin na wala raw po nag-gesin ng pera.
02:24Pinakita rin po nila sa kasama nila sa alaw po ng usina.
02:27O, walang ano, wala nag-gesin ng pera.
02:30Wala rin si Kwenta na nilingin namin. Ikulong na yan.
02:33Nakulong si Makabenta pero napalaya rin noong inero.
02:36Matapos ibasura ng piskalya ang reklamong isinampan ng mga pulis.
02:39Gusto ko lang po talagang mag-aaral kasi ayun po yung pinangako po kay mama na kaginig na sabi sa akin, bago po kayo mamatay na anak.
02:48Mag-aaral kasi ayun na lang yung papamanan namin sa'yo.
02:51Sa totoo lang po yan, third year na po ako eh.
02:54Ang gano'ng kuha ko pong course, criminology din po.
02:56Ngayong araw, nagsap pa si Makabenta ng reklamo laban sa sabong pulis ng Agono Municipal Police Station na nagtalim umano ng ebidensya laban sa kanya.
03:09Kabilang sa kanyang inereklamo ang isang pulis katin.
03:12Pangalawang beses na raw na biktima ng huli Dapsen na Storm Makabenta Jr.
03:16Kung sino raw ang mga humuli sa kanya noong 2024, ay siya rin nasa likod ng iligal na pag-aresto sa kanya noong nakarang taon.
03:23Madalas daw siyang tagitin dahil aminado siyang nasangkot sa droga ang kanyang ama.
03:28Nung unang huli po yan, noong November 1, 2024, pinalabas po nila yung kapatid ko nung nag-areglo po yung tatay ko ng 100,000.
03:37Tiniyak ng Napolcom na hindi pala lagpasin ang ganitong uri ng gawain ng mga pulis.
03:42The National Police Commission means business. We will put a stop to it and we will teach these policemen the word accountability.
03:50We will teach these policemen the word justice.
03:55Sinusubukan pa ng GMA Integrated News sa mga kuha ang panig na mga inaakosahang pulis.
04:00Para sa GMA Integrated News, June Van derasyon ng inyong saksi.
04:05Halos 280 milyon piso ang halaga ng hininalang shabu na nasabat sa Manila International Container Port.
04:14Ay sa Bureau of Customs galing Afghanistan ang magit 40 kilo ng iligal na droga.
04:20Marmol daw ang deklarasyon dito pero nakakubli pala sa mga haligi at sahig ng mga container ang mga hinihila ng shabu.
04:29Pagtiriak ng BOC at ng PIDEA, patuloy ang mahigpit nilang koordinasyon para mapigilan ang pagpasok sa bansa ng mga kontrabando.
04:36Hawak ng DSWD ang 16-anyos na suspect sa pagpatay sa kanyang 15-anyos na ka-eskwela sa Tondo, Maynila.
04:47Nagugat pong away sa pambabastos umano ng suspect sa girlfriend ng biktima.
04:51Sa likod ng paaralan sa Baseco Tondo, Maynila, mag-aalas 7 kagabi, may kitang isang lalaking na kaputi na tila may inaabangan.
05:04Maya-maya pa, sumiklab ang away sa pagitan niya at isa pang lalaking nakaitim naman na si alias JC.
05:10May hawak na kutsilyo ang lalaking nakaputi.
05:15Ilang beses niyang itinara kang kutsilyo sa kanyang kaaway habang nagpapanggurusin na.
05:22Nakorner din ni alias JC at isa panyang kasama ang kaalitan pero nakatakas din ito sa kanila.
05:28Natigil din ang away pero habang naglalakan si alias JC,
05:33bigla na lang siyang humandusay.
05:36Dito sa likurang bahagi ng paaralan, inabangan ng 16-anyos na lalaki ang 15-anyos na biktima.
05:44Dito rin sila nagsuntukan hanggang nauwi sa pananaksak.
05:48Parehong grade 10 student ang sospek at biktima.
05:50Ayon sa Manila Police District, naisugod pa sa ospetal ang biktima pero namatay rin
05:54dahil sa mga tinamong saksak sa bandang dibdib, tagiliran at puso.
05:58Ang away ng dalawa, nag-ugat daw ng ipagtanggol ng biktima ang kanyang girlfriend
06:03mula sa pambabastos daw ng sospek.
06:05Piniyagan ng kanyang nanay na humarap sa kamerang menor de edad na girlfriend ng biktima.
06:09Kwento niya, mansa rin nila noong Sabado at habang bumibili ng kape,
06:13ay ginugulo raw siya ng sospek na ka-teammate niya sa Sepak Takraw.
06:18Hindi raw ito ay kinatuwa ng biktima.
06:20Ilang araw na ang lumipas pero mainit pa rin sa isa't isa ang dalawa
06:23hanggang sa magkayayaan na silang magsuntukan.
06:26Sana po mahanap niya yung justice na gusto niya.
06:31Sana po managot yung mga nangbubog sa kanya.
06:35Kasi di naman po ganun si Casey.
06:38Kasi malambing po siya kaya di ko din po nag-aabot sila sa ganun saksakan.
06:44Halos gumuho naman ang mundo ng ina ni Alice Jaycee dahil sa sinapit ng 15-anyos na anak.
06:49Ang pangarap talaga niya magsundalo.
06:52Ngayon, wala na yung pangarap ng anak ko.
06:56Wala na.
06:59Nasa kustodian ng DSWD ang sospek na natuntun sa bahay ng kanyang kaklase.
07:03Isa sa ilalim ang sospek sa act of discernment o ang pagtiyak kung alam niya ang tama o mali
07:08sa kanyang ginawang krimen bilang menor de edad.
07:10Sambasurahan naman ang kanilang bahay na atagpuan ng kutsilyo na hiniram lang daw ng sospek.
07:15Ang nanay ng sospek humingi ng tawad sa pamilya ng biktima.
07:19Ningin lang po ako ng patawad po.
07:23Hindi po napigilan ng anak ko.
07:25Panawagan ng nanay ng biktima, lumutang ng iba pang sangkot sa pambubugbog sa kanyang anak at sa nagpahiram ng kutsilyo.
07:32Pinagtulungan nila eh.
07:34Palagay mo nang matapal yung ano ko dapat hindi mo na lang sinaksak, pinugbog mo na lang.
07:40Para sa GMA Integrated News, ako si Jomer Apresto ang inyo.
07:44Saksi.
07:44Hanggang alas 6 na umaga bukas, wala pong tubig ang ilang customer ng Maynilad.
07:51Alas 6 na gabi kanina, nagsimula ang water service interruption sa ilang bahagi ng Muntinlupa at Paranaque.
07:57Matatapos po yan, alas 6 na umaga, kinabukasan.
08:01May nauna namang water service interruption sa ilang bahagi ng Las Piñas at sa Bacoor at Imus Cavite.
08:07Tatagal ko yan hanggang bago maghating gabi.
08:10Ayon sa Maynila, dapektado ang kanilang produksyon dahil sa mababang kalidad ng tubig na pumapasok sa Putatan Water Treatment Plant mula sa Laguna, Dubai.
08:19Epekto raw ito ng malakas na ihip ng hangin.
08:22At sinisikap daw nilang maibalik agad sa normal ang supply ng tubig.
08:26Itinanggi ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman, Panfilo Lacson, na may kinalaman sa umugong na kudeta sa Senado
08:34ang pagbabago ng ilang salitang ginamit sa committee report tungkupos sa mga flood control project.
08:40Imbis na derechahang i-recommendang pakasuhan ng ilang senador,
08:44i-recommendang isa ilalim na lang sila sa preliminary investigation.
08:48Saksi, si Ian Cruz.
08:49Si Senate Blue Ribbon Committee Chairman, Panfilo Lacson, na ang nagsabi,
08:57pinalambot ang ilang lengguahe sa committee report kognay ng mga maanumalya o manong flood control projects.
09:04My own colleagues in the majority, nagsadya sila, baka naman pwedeng isopen natin,
09:08isopen na hindi masacrifice yung intent, hindi mabababaw yung substance.
09:14Sa naunang lumabas sa draft report, nakasaad na inirecommendang kasuhan.
09:19Sina Senador Jingo Estrada, Senador Joel Villanueva, at Senador Francis Escudero.
09:26Pero ngayon, imbes na i-recommendang kasuhan,
09:28in-specify na lang namin na sa nit na, instead of using the word charge, to be charged,
09:35to undergo preliminary investigation, to undergo pathfinding investigation,
09:42to undergo case pill drop, yung mga ganun.
09:44Pag sinabing charge, ito yung nag-tumama sa sensitivity ng ibang mga kasama namin na charge.
09:50So yung tatlong Senador, hindi na to be charged, but to undergo P.I.?
09:57Yun din naman talaga yung ibig sabihin doon sa ano, hindi naman namin pwedeng i-recommend sa court,
10:03na i-charge sa court, kasi only the DOJ and the Ombudsman are authorized to file the information
10:10for any person to be charged before the court, diba?
10:17Kina-recommend lang namin yun.
10:18Nang unang lumutang ang draft report, ilang Senadora nagsabing binabawi nila ang kanilang pirma rito.
10:26Ang draft report nila ito, ang isa sa itinuturing na mitsa sa pag-ugong ng umunay kudita sa liderato ng Senado.
10:33Pag titiyak ni Lakson, walang kinilaman sa minorya, at sa sinasabing Senate coup, ang paglambot ng lingwahe ng rekomendasyon.
10:43Did it have something to do with minority na hindi raw nagustuhan yun?
10:46Nothing to do with the minority, kasi hindi pa namin nakausip yung minority.
10:51Nothing to do with the supposed coup against SB?
10:55Wala.
10:56So hindi naman ba ibig sabihin na nag-weekend yung recommendation?
10:59No, no.
11:00But, sir, to be clear ha, undergo PI on plunder and graft, yung tatlong senador?
11:05Marami. Merong direct bribery, merong plunder, merong malversation, merong violation ng anti-graft, may violation ng ethical standards.
11:15Bukod kina Escudero, Villanueva at Estrada, inirecommend na rin isa ilalim sa preliminary investigation sinadating Senador Bong Revilla,
11:23dating akubicol party list representative Zaldico, at dating kalookan representative Mitch Kahayun-Oy.
11:30Recommended for PI din ba, Sir C. Martin, si dating Speaker Romualdez?
11:34Ah, hindi ko matandaan kung kasama siya sana.
11:39Sir, si PBBM po, babalikan ko ba?
11:41Malayo na yun, kasi impeachable officer ang presidente eh.
11:45Na-dismiss na nga yung impeachment committee.
11:47Tiwala rao si Lacson na makakakuha siya ng labing isang lagda na kailangan para maaprubahan ang committee report.
11:55Komento naman ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia sa pagrevisah sa report.
12:01It's politics. Ano na yan eh? What is acceptable to all or to most is the most important thing.
12:09Ayon kay Remulia, may bigat ang personal na mga relasyon, lalo't magkakasama sila sa Senado.
12:15Kasi na nagkakapersonalan, siyempre may mga kaibigan niya sa loob na pipirma, huwag lang na naglagay yung pangalan.
12:25Ngayon yan, may negotiation yan, may compromise yan.
12:28Hinihinga namin ng tugon dito si Lacson.
12:31Sa kabila nito, sabi ni Remulia, wala itong epekto sa gumugulong na nilang mga investigasyon sa tatlong senador at sa iba pang nadadawit sa kontrobersya.
12:41At least, yung pagkapangalan sa kanila at yung records intact. Ang mahalaga dyan, yung records sa Blue Ribbon Committee at lahat ng testimonies niya.
12:51Yun ang mahalaga. Yung report niya kasi, ang tegla yung math again eh. Kung anong alam natin, yun na yun eh.
12:58Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
13:02Tuluyan na ibinasura ng Kamara ang dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
13:09Saksi, si Mark Salazar.
13:14The impeachment complaints filed against the President, Ferdinand Bongbong R. Marcos Jr. are hereby dismissed.
13:22284 na botong yes ang nakuha. Kaya inapurubahan ng plenaryo ng Kamara ang resolusyong nagpapatibay sa Committee Report 111 ng House Committee on Justice
13:35na nagbabasura sa dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
13:39Sa pagsusuri ng Committee on Justice, sufficient and form ang parehong reklamo.
13:45Pero bagsak pagdating sa sufficiency in substance.
13:48Sufficiency in substance is not measured by the volume of bare allegations and annexes that are unsubstantiated by personal knowledge and authentic records.
14:07Madam Speaker, sa pagtukoy, kung may sapat na substance,
14:13laging kinikilala ng Committee on Justice ang sound discretion ng bawat miyembro rooted in their individual appreciation of facts.
14:27In these two complaints, malinaw po ang naging desisyon ng Committee on Justice.
14:36The substance is insufficient.
14:39Walo ang bumoto ng no at apat ang nag-abstain.
14:43And then came the allegations made by former Congressman Zaldico.
14:48Even if his statements were not under oath, they were serious enough to damage public trust.
14:53They were serious enough to raise new questions.
14:56Hindi mabubura ang nangyaring pagboto ng Kamara ang mga pagdududa.
15:00Lalo lang nitong paparamihin ang mga tanong.
15:03It does not protect credibility.
15:05It weakens it.
15:07It does not clear the President's name.
15:09Walang closure.
15:11It ensures that the questions will haunt him for the rest of his term.
15:15Sa isang pahayag, sinabi ng nagpakilalang Duterte Block sa Kamara na hindi sila bumoto kaugnay sa mga impeachment complaint laban sa Pangulo.
15:23Anila, tumanggi silang maging props sa produksyon na nagpapanggap umanong naghahanap ng hostisya.
15:29Habang hindi naman daw napapanagot ang mga dapat mapanagot.
15:33Sa mensaheng ipinadala sa GMA Integrated News, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na nasiyahan ang Pangulo sa naging pasya ng Kamara.
15:44Alinsunod sa one-year bar rule sa Saligang Batas.
15:47Sa January 27, 2027 na muli pwedeng maghain ng panibagong impeachment complaint laban sa Pangulo.
15:54Gumulong ang isang taong ban nang ma-i-refer sa Justice Committee ang mga impeachment complaint na nangyari noong January 26, 2026.
16:05Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar.
16:09Ang inyong saksi.
16:10Tinawag ni Davao City First District Representative Paolo Duterte na panilihis sa ibang issue ang mga impeachment complaint laban sa kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte.
16:23Hawak na ng Office of the Speaker ang tatlong reklamo.
16:27Ating saksihan.
16:28Ngayong nakahain na sa Kamara ang tatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte at na-i-transmit na rin sa tanggapan ni House Speaker Boji D.
16:41Inaasahang may sasalang na ito sa order of business sa plenario.
16:44The moment it is done, yung referral to the Justice Committee, after matalakay sa Rules Committee, then pwedeng-pwede na na-i-refer sa Justice Committee.
16:56At pangmangyari yan, considered na nga, deemed initiated na yan for purposes of the one-year bar rule.
17:03Pero sa gitna ng usaping impeachment laban sa Vice Presidente, may pahihwating ang kanyang kapatid na si Davao City First District Representative Paolo Duterte na tila panlilihis daw ito ng issue.
17:17Tanong ng kongresista, nakalimutan na raw ba ang trilyong pisong anomalya sa flood control o sadyang pinalilimutang issue?
17:24Noong una raw may mga investigasyon ng Independent Commission on Infrastructure o ICI, pati ang Senate Blue Ribbon Committee.
17:31Pero bigla na lang daw na wala na parang bula.
17:35Sa halip naggaroon ng tinawag niyang carefully timed impeachment spectacle, ang sagutan ng Senado at ang Chinese Embassy kaugnay sa West Philippine Sea.
17:44At bigla daw lumabas ang isang dating House Speaker sa saktong oras na may inihain impeachment complaint sa Kamara.
17:51Halata daw na ito ay panlilihis.
17:54Si Vice Presidente Duterte naman tinanong kung sa tingin niya ay may kinalaman ng impeachment laban sa kanya sa umugong.
18:01Na term sharing umano sa Senate Presidency sa pagitan ng kasalukuyang Senate President Tito Soto at ang balak daw nilang ilukluk sa hinaharap na si Senador Loren Legarda.
18:13Nabuo ito ngayong posibleng umabot sa paglilitig sa Senado ang impeachment complaint ni Duterte.
18:20Nilinaw ng Vice na wala siyang kinalaman dito.
18:22Mula naman akong nakakausap na Senador sa term sharing.
18:30In fact, hindi ko na nga kinakausap yung mga Senators.
18:34Kasi napapansin ko kapag merong kumakausap sa akin o tumutulong sa akin o kahit man lang nangangamusta sa akin ay binabanatan ng administrasyon.
18:46Pinafailan ng kaso, tinitreten, hinaharas.
18:52So ang nangyayari sa akin ngayon ay hindi ako makikipag-usap sa mga tao para nalang maiwas sila sa init ng ulo ng administrasyon.
19:05Ganun din sa mga Senators.
19:08Para sa GMA Integrated News, sino gasto ng inyong saksi?
19:13Tinawag na political stunt ng tagapagsalita ng Chinese Embassy ang Senate Resolution na kumukundi na sa mga payag ng mga opisyal ng Chinese Embassy.
19:23Laban po yan sa mga opisyal at institusyon ng Pilipinas.
19:26Ang buwalta naman ni Senate President Tito Soto, tila gusto silang patahimikin ng tagapagsalita ng Embahada.
19:33Saksi, si JP Suryab.
19:35Sa isang pahayag, kinundina ng Chinese Embassy ang Senate Resolution 256 na inadopt ng Senado Kahapon.
19:47Si Embassy Spokesman Xi Lingping, tinawag itong political stunt.
19:51Pinunan niya ang pambabanta umano at paninindak ng ilang mamabata sa mga Chinese diplomat
19:57at pagmaluktot umano ng katotohanan para lituhin ang publiko.
20:01Bagamat walang tinukoy na partikular na opisyal si Xi,
20:04kinwestiyon ni Xi ang nalalaman ng mga mambabatas pagdating sa diplomasya para lang daw sa politikal na interes ang kanilang ginagawa.
20:13Ayon naman kay Senate President Tito Soto, tila gusto raw patahimikin ng tagapagsalita ng Embassy ang Senado.
20:21Gate ni Soto inaakusahan ni Xi ng paninindak ang mga mambabatas.
20:26Pero patuloy raw niyang binabastos ang mga Senado at tinawag pa ang resolusyon na political stunt.
20:32Kinwestiyon din ni Soto ang nalalaman ni Xi tungkol sa diplomasya.
20:35Dagdag ni Soto, respect begets respect.
20:39Umalma si PCG spokesman for the West Philippine Sea, Commodore J. Tariela.
20:43Sa pahayag na ito kahapon ni Sen. Alan Peter Kayatano.
20:46I don't propose a resolution, but the guy should apologize and just say na tama pinaglalabang ko pero mali na ginawa kong ganyan.
20:54No, no, bastos yun.
20:55Naging mainit ang pagtalakay noon sa Senate Resolution 256 kung saan kinukondena ang mga pahayag ng Embahada ng China
21:03laban sa mga opisyal at institusyon ng Pilipinas at muling iginiip ang karapatan ng bansa
21:09na ipagtanggol ang soberanya nito alinsunod sa international law.
21:13Binatikos ni Kayatano ang pagpapakita ni Tariela ng karikatsyoy ni Chinese President Xi Jinping.
21:19Now, if he wants to do that, he resigns his commission.
21:23He can go around, he can join the media, he can be a vlogger, he can be a professor.
21:28But when you're in uniform, the other countries will ask you, opisyal ba yan?
21:36That's standard, Mr. President.
21:38Kaya tayo nagkakaproblema.
21:39Ang sabi niya pa ako, ba rin ko yuniforme ko, mag-vlogger na lang daw ako.
21:44I mean, I've been doing this job for more than three years already.
21:47I don't think na meron akong masamang ginawa para sa interest ng bayan.
21:51Para bastusin at babuyin ni Senator Kayatano ang pagkatao ko.
21:56Tinalong din si Tariela tungkol sa paghimok sa kanyang mag-sorry
21:59dahil sa paggamit ang karikatsyoy ng Chinese President.
22:03Ang response ko dyan, nag-sorry na ba ang China sa pag-violate ng ating karapatan sa West Philippine Sea
22:10sa patuloy na pag-harass ng Filipino fishermen?
22:14Are there any apologies that were extended to us by the Chinese government?
22:18Ngayon, kung pipilitin ako ni Senator Alan Peter Kayatano, yan ang tanong ko sa kanya.
22:24Sa talumpatin ni Chinese Ambassador to the Philippines, Ching Chuan, sa Chinese New Year Reception,
22:29sinabi ni Ching na dapat daw umupo at mag-usap ang Pilipinas sa gitna ng hindi pagkakaunawaan ngayon.
22:36Let's sit down. Let's talk.
22:39Kabilang sa mga bisita sa pagkitipon, si First Lady Liza Aroneta Marcos
22:43at ilang ambassadors ng mga kaalyadong bansa ng Pilipinas,
22:47gaya ni Japanese Ambassador to the Philippines, Endo Kazuya.
22:49Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.
22:56Pumanaw po sa edad na 80 siyang, si dating House Speaker Jose de Venecia Jr.
23:01Sa payag ng kanyang may bahay na si Congresswoman Gina de Venecia,
23:05kinilala ng kanilang pamilya ang 6 na dekada na paninilbihan ni de Venecia.
23:107 terminong nagsilbi si de Venecia bilang kinatawan ng ika-apat na distrito ng Pangasinan.
23:165 po sa mga ito na upo siya bilang House Speaker.
23:20Sa isang pahayag, nagpaabot ng taus-pusong pagkikiramay ang liderato ng Kamara sa mga naulila ni de Venecia.
23:28Maglalatag po ang Department of Migrant Workers ng legal na hakbang.
23:32Kagnay po ng pananakit sa isang babaeng OFW sa Singapore.
23:35Sa viral video, kitang sinipa pa ng isang lalaki ang OFW sa loob ng isang mall.
23:41Saksi si JP Soriano.
23:43Sa videong ito na viral sa social media, nakikitang naguusap ang lalaking ito at isang babae sa isang kilalang mall sa Singapore.
23:54Maya-maya, makikita sa video na biglang sinipa ng lalaki ang babae sa tagiliran.
23:59Nabuwal ang babae na isa palang OFW sa Singapore, pati na rin ang nanipang lalaki.
24:05Bumangon ang lalaki, sinipa muli sa ulo ang OFW, pero nakailag ang babae.
24:11Dito na umawat ang kinang nakasaksi sa pananakit.
24:15Ayon sa Department of Migrant Workers, napukoy na ng labor attache ng Pilipina sa Singapore.
24:20Ang kababayan natin nasa video.
24:23Nakausap na rin daw siya at naabisuhan na sa mga tulong na maaaring ipagkaloob sa kanya bilang Pilipino.
24:29Naguusap na yung ating migrant workers office labor attache in Singapore at saka yung worker.
24:35So, pat-pat sa ngayon, inaalam pa natin yung exact cause ng pangyayari.
24:43And of course, medical assistance is the most basic there.
24:47So, kung pangangailangan ng medical assistance.
24:49And then of course, kung yung filing of a complaint, our lawyer will stand ready to help her.
24:54Naikwento na rao ng OFW ang pangyayari sa labor attache ng Pilipina sa Singapore.
24:59Pero hindi rao ito maidedetalye sa publiko ngayon.
25:02Gayun pa man, wala ro po ang anumang uri ng pananakit lalo na sa ating mga kababayan abroad.
25:08It's a assault. Physical assault, di ba?
25:11It's a crime anywhere in the world.
25:13So, especially in Singapore.
25:18So, we definitely will are looking into it and filing taking the necessary legal action.
25:23Aabot sa mahigit 200,000 Pilipino ang nagtatrabahaw sa Singapore.
25:28Karamihan mga household service workers.
25:30Pero dumarami na rin ang mga skilled at professional workers sa mga nakalipas na taon.
25:36Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, ang inyong saksi.
25:41Magsasagawa ng parallel investigation ang Rizal Provincial Police Office
25:47kaglay ng iligal umanong pag-aresto sa isang criminology student.
25:52Sa isang press conference ngayong gabi, sinabi ng Rizal PPO na nasa kustodera nila
25:56ang sampung polis ang uno na isinasangkot sa insidente.
26:00We want to assure the public that we are fair, we will observe due process.
26:08Hindi lang yung victim pati rin yung sa proseso.
26:11So, dadaan tayo sa proseso nito.
26:17Posible pa rin magdulot ng malalakas na ulaan sa ilang bahagi ng bansa
26:20ang shear line, ayon sa pag-asa.
26:23Hanggang bukas, posible ang maulang panahon sa Eastern Samar,
26:25Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Albay at Sorzogon.
26:31Umiiral pa rin ang amihan sa iba pang lugar.
26:34At masa sa datos ng Metro Weather, may tsyansa ng ulan bukas na umaga
26:37sa ilang bahagi ng Mimaropa, Bicol Region, Samar at Leyte Provinces,
26:42Western at Central Visayas, pati na sa Caraga.
26:45At sa hapon, may matitinding ulan din sa ilang bahagi ng Mindoro Provinces,
26:49sa Visayas at sa halos buong Mindanao.
26:52Hindi rin inaalis ang tsyansa ng ulan sa Metro Manila.
26:55Baka po sa tumataas ang presyo ng bigas sa ilang lugar
27:01dahil kaunti lang ang inaning palay.
27:03Ayon po yan sa Department of Agriculture.
27:06At pati po imported na bigas, posibleng magmahal din
27:08dahil naman sa palitan ng piso kontra dolya.
27:12Saksi si Maki Pulido.
27:17Sa Golden City sa Bukawe, Bulacan pa lang,
27:20kung saan mabibili sa wholesale price ang kada kilo ng bigas
27:23na ibibenta sa palengke,
27:25nagmamahal na ang bentahan.
27:28Pataas daw ng pataas ang presyo ng local rice
27:30mula nang pumasok ang buwan ng Enero.
27:33Sa loob ng isang linggo, araw-araw siyang tumataas.
27:36Kahapon, bumili ko 1 to 80, yung 25 kilos.
27:41Pagbalik ko po ngayon, 1, 3 na.
27:44Almost 12 hours lang tumasang 20 pesos.
27:47Kaya nagmahal na rin ang kada kilo sa mga tindahan ng bigas.
27:50Sa Kamuning Market, Quezon City, halimbawa,
27:53ang premium rice na 50 pesos per kilo noong Enero,
27:5653 pesos na.
27:5812 pesos naman ang itinaas ng regular milk.
28:01Mula 40 pesos, ngayon 52 pesos per kilo na.
28:0456 pesos per kilo na ang well milk mula sa 45 pesos.
28:09Lean season, ang Enero at Pebrero,
28:11sabi ng Department of Agriculture,
28:13o kaunti lang ang ani ng palay.
28:15Sabi ng DA, inaasahan namang bababa ulit ito sa anihan sa Marso.
28:19Pag ganitong panahon, medyo mataas talaga yung farm gate ng palay.
28:23This is good for our farmers.
28:25Sana, sabi ng ilang magsasaka sa Nueva Ecija,
28:27hindi bumaba ang farm gate price ng palay.
28:31Nung nakarantagulan, ang ani namin sa 20 per hectare.
28:35Ang presyo naman, 10 piso.
28:36Kaya naluling-luling kami ng narahanan.
28:39Ngayon, maasa kami sana ito maas.
28:41Press yun.
28:42Kung mahal ang local rice,
28:44umaasa ang mga rice retailer na makapagbenta sila ng murang imported rice.
28:48May maximum suggested retail price kasi ito na 43 pesos per kilo.
28:53Pero sa kamuning market, 58 to 65 pesos ang imported rice.
28:58Sabi daw sa kanila na mga supplier,
29:00kulang ang supply ng imported rice,
29:02kaya mahal ang bagsak sa kanila.
29:04Iminisan wala.
29:05Pag wala, titipid din ang mga biyehero yung kanilang stock,
29:09tataasa nila.
29:11Kasi konti lang ang dating.
29:12Kaya mahal.
29:14Meron dapat imported rice,
29:15sabi ng Department of Agriculture.
29:17Mula noong Enero,
29:19409,000 metric tons ng imported rice
29:21ang pinayagan nilang maangkat
29:23dahil lean season.
29:25Yun nga lang,
29:25dahil mahal ang palitan ng piso at dulyar,
29:28maaari na raw tumaas ang SRP ng imported rice.
29:31Bagamat hindi ganun kamahal yung international price,
29:36yung presyo kasi apektado rin niya ng dollar,
29:39peso dollar,
29:40so maapektuhan na yung ating MSRP.
29:45Sam ang membro ng pamilya sa bahay ni Lola Estrella.
29:49Para magkasya,
29:50minsan ilulugaw na lang nilang bigas.
29:52Mula noon hanggang ngayon,
29:53sabi niya,
29:54mahal na presyo pa rin ang pagkain
29:56ang idinarain nila.
29:58Pinahin muna namin yung mga bata
30:00bago kami mga matatanda.
30:03Kung sobra doon sa mga bata,
30:05pagkakakain na namin.
30:07Para sa GMA Integrated News,
30:09ako si Maki Pulido,
30:10ang inyong saksi.
30:17Saktong isang linggo bago ang Lunar New Year,
30:21may sulang mga diver mula pa sa Joseon Dynasty,
30:24ang nagtanghal sa isang aquarium sa Seoul, South Korea.
30:28Para ibabot ang kanilang maagang pagbati,
30:31nagsut po sila ng kanilang tradisyonal na kasuotan na hanbok.
30:36Kasama po nila sa aquarium ang mga pagi o stingray
30:39at iba pang isda,
30:40habang isinasagawa ang kanilang tradisyonal na New Year's Bao.
30:46Kinaliwan ito lalo na ng mga bata.
30:49Magsisimula ang Year of the Horse
30:50sa Chinese Zodiac sa ikalabim-pito ng Pebrero
30:54na ipinagdiriwang sa South Korea, China
30:57at ilang bahagi ng Southeast Asia.
31:02Parating po ang motorsiklong yan
31:04sa bahagi ng Barangay Bampang,
31:06sa Bayan ng Bulacan,
31:07nang salpukin ito ng kasalubong ng motorsiklo.
31:10Tumila po na ang kas ng humaharurot ng motorsiklo.
31:14Naisugod pa siya sa ospital
31:15pero idineklarang dead on arrival.
31:18Sugatan ang parehong rider
31:19pati na ang tatlong buong buntis na angkas
31:21ng isa pang motorsiklo.
31:23Wala pang pahiyag ang parehong panik.
31:27Kinilala po ng Korte Suprema
31:29na kapo may-ari ng mga ari-arian
31:31ang mga same-sex couple
31:32basta't merong patunay na pareho silang may ambag
31:35sa pagbili ng mga ito.
31:37At sa korte,
31:38maaring kilalaning bilang co-owner
31:39ang mga same-sex couple
31:41na naninirahan na magkasama
31:43alinsunod sa Article 148 ng Family Co.
31:46Sakop ng Article 148
31:48ang property relations
31:49ng mga magkasintahang nagsasama
31:51pero hindi maaring ikasal ng legal.
31:54Ang pagkilala sa co-ownership
31:56ay kung makapagibigay ng katibayan
31:58o mapapatunayang pareho silang
32:00may aktual na kontribusyon o ambag
32:03sa pagkuha o pagbili ng property.
32:07Pinagbawalang pumasok ng China,
32:09Hong Kong at Macau
32:10ang labing-anim na opisyal
32:12ng Kalayaan, Palawan.
32:13Tugun daw po ito ng Chinese Embassy
32:15sa ipinasang resolusyon
32:17ng Kalayaan Municipal Council
32:18na nagdedeklarang persona non grata
32:20kay Chinese Ambassador Jing Kwan.
32:23Wala pang payag
32:24ang mga opisyal ng Bayan ng Kalayaan
32:26kag-nay rito.
32:28Nitong Enero,
32:28ipinasan ang sangguni ang Bayan
32:30ng Kalayaan ng Resolusyon
32:31dahil daw sa paglabag
32:32ng Chinese Ambassador
32:34sa diplomatic protocol
32:35at anila'y
32:36pangahamak
32:38sa ating mga opisyal.
32:48Sabi nga po nila,
32:49it's never too late
32:50to try something new.
32:51At patunay dito,
32:52ang 88 tanggulang
32:54na si Lola Gulok
32:55na first time
32:57na makarating sa Boracay.
32:59Birthday rao ng kanya po
33:00na si John Carlo
33:01pero hindi natuloy
33:02ang dapat sana
33:03i-selebrasyon ni Carlo
33:04para sa sarili.
33:05Kaya tinupad na lamang
33:06ang matagal ng pangarap
33:07na ipasyal
33:08ang kanyang Lola.
33:10Lumaki rao sa Lola
33:11si John Carlo
33:12pero ngayon lang niya
33:14nakitang nakagala
33:15sa dagat si Lola.
33:16At hindi rao ito
33:17nagawa ni Lola noon
33:18dahil sa hirap
33:19ng buhay.
33:21Nagulat nga rao
33:22ang apo na
33:22nakapag-stretching pa
33:24sa dagat si Lola
33:25at sinubukan pang
33:27mag-float.
33:29Unforgettable
33:30birthday experience
33:31rao ito
33:31para kay John Carlo.
33:36Mga kapuso,
33:37salamat po
33:38sa inyong pagsaksi.
33:39Ako po si Pia Arcangel
33:40para sa mas malaki
33:41mission
33:42at sa mas malawak
33:43na paglilingkod
33:44sa bayan.
33:45Mula sa GMA Integrated News,
33:47ang News Authority
33:48ng Pilipino.
33:50Hanggang bukas,
33:51sama-sama po tayong
33:52magiging
33:53Saksi!
33:58Mga kapuso,
33:59maging una sa saksi.
34:00Mag-subscribe sa GMA Integrated News
34:02sa YouTube
34:03para sa ibat-ibang balita.
Comments