00:00Sinampahan ng cyber libel at iba pang reklamo ang labing walong nagpakilalang dating sundalo,
00:06gayon din ang kanilang abogado at isang dating congressman.
00:10Giit ni dating Sen. Antonio Trillanes IV, sinisiraan lang siya at gustong isabotahe
00:17ang pagdinig ng ICC labang kay dating Pangulong Duterte.
00:21Nakatutok si Von Aquino.
00:26Nag-hahin ang reklamong perjury si dating Sen. Antonio Trillanes IV sa Department of Justice
00:32laban sa labing walong dating Marines na nag-akusa sa kanya na nakatanggap siya ng mali-maletang pera
00:38mula kay dating congressman Zaldico.
00:40Reklamong cyber libel at incriminating an innocent person naman ang inihahin niya
00:45laban kina Atty. Levito Baligot, ang abogado ng labing walong dating sundalo,
00:49dating congressman Mike Defensor, broadcaster na si Jay Sonza,
00:53dating NTFL CAC spokesperson Lorraine Badoy at vlogger na si Kathy Binag
00:58dahil anya sa pagpapakalat ng mga kasinungalingan tungkol sa kanya.
01:03Giit niya isa itong conspiracy, hindi lang para sirain siya,
01:07kundi pati na rin ang International Criminal Court.
01:10Aminado si Trillanes na 2017 pa siya nakikipag-ugnayan sa ICC
01:14para tumulong sa pagkalap ng mga ebidensya at testigo para palakasin ang kaso laban kay Duterte.
01:20Pero hindi umano niya pwedeng i-detalye ang mga meeting na ito
01:23dahil malalagay sa piligro ang mga ICC investigators at testigo.
01:28Hindi po totoo yan.
01:29Wala akong natanggap na 2 million dollars at kung ano mang halaga mula kay
01:35saldiko para sa ICC operations.
01:39So itong ginawa nila ay paninira lang, hindi lang sa akin,
01:44kundi doon din sa mga investigador ng ICC
01:47to cast doubt doon sa integrity ng ICC investigations.
01:52Paglilinaw ni Trillanes, ang ICC ang gumagasto sa operations nila rito sa Pilipinas.
01:59Nagsalita na rin anyang ICC na meron silang pondo para sa kanilang investigasyon
02:03at itinanggi na rin umano nila na tumanggap sila ng pera mula sa mga Pilipino.
02:08Hinalarong ni Trillanes, gagamitin ang abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
02:13na si Nicholas Kaufman ang aligasyong ito para isabotahe umano ang trial sa The Hague.
02:17Pero sabi ni Trillanes ang ginawa ng mga dating sundalo at ni Baligod
02:22paglabag sa Article 17 ng Rome Statute
02:25at maaari silang kasuhan ng obstruction of justice.
02:29Nagsalita na yung deputy prosecutor, yung acting prosecutor ngayon
02:34na deliberate intimidation yung ginawa nila Levi Baligod.
02:39Tapos yung pag-out nila nung mga identities at names
02:45ng mga ICC investigators at ng mga witnesses
02:48dahil doon nilagay nila sa piligro yung mga taong ito.
02:54Nang tanungin si Trillanes kung sino sa tingin niya ang nasa likod
02:57ng mga akusasyon laban sa kanya at sa ICC,
03:00itinuro niya ang kampo ni dating Pangulong Duterte.
03:03May isa rin daw sa labing walong dating sundalo ang aamin
03:06kung sino ang nasa likod nito.
03:08Unang-una, they stand to benefit most dito sa pangyaring ito
03:14tapos marami ng nakalap na ebidensya, informasyon
03:21na nagtuturo doon sa grupo nila.
03:24Basta kinalaunan po, antayin niyo lang,
03:27lalabas kung ano talaga ang kusino ang nasa likod nito,
03:33magkano ang buong proyekto na yan,
03:36ano ang kapalit dito sa mga ginawa nila
03:41at yun, kung sino ang nag-finance.
03:45Pinanindigan ang isa sa mga nagpakilalang dating sundalo
03:48na si former Sgt. Dante Orbilio
03:50ang pahayag nila laban kay Trillanes.
03:53Bilang dating driver doon ni Zaldico,
03:55tatlong beses sa sanglinggo sila maghatid
03:58sa iba't ibang personalidad
03:59na mga maleta o paper bag na puno ng pera.
04:02Ang diniliver doon ay isang paper bag
04:10at ang nagdala po doon ay iinibos na si Mark Tixay.
04:16Yan po yung sabi ni Mark Tixay po
04:19na ang laman ng pera na yun,
04:22ay ang laman ng paper bag na yun ay pera
04:27at ibibigay nga kay former senator Trillanes
04:30doon po sa Antipulo.
04:31Sagot naman ni Defensor.
04:33Wala naman akong alam doon sa affidavit eh.
04:36Sa kanyang post naman sa social media,
04:38sinabi ni Badoy na na-expose na si Trillanes
04:41bilang isa sa mga tumanggap ng maletang may pera
04:44para gawin o mano ang utos ni Pangulong Bongbong Marcos
04:47kaya't may pivotal role anya si Trillanes
04:50sa pagkasira ng ating bansa.
04:53Sinusubukan pa namin kuna ng pahayagang
04:55iba pang nabanggit sa reklamo.
04:56Para sa GMA Integrated News,
04:59Von Aquino nakatutok, 24 oras.
Comments