00:00We refer to the House Committee on Justice
00:02four impeachment complaints against Vice President Sara Duterte.
00:08The details are on the live video of Mark Sarasar.
00:11Mark?
00:14May ilang ibig sabihin niyan ay formal na sinimula ng impeachment process
00:19against Vice President Sara Duterte.
00:22The four impeachment complaints against her is on the House Committee on Justice.
00:26Na, para suriin yung tinatawag na sufficiency in form and in substance.
00:32Ngayon, ang hinihintay na lang, Mel, ay ang pecha kung kailan sisimulan,
00:36kailan gugulong ang prosesong ito sa komite.
00:42Verified complaint for impeachment against Vice President Sara Duterte
00:46filed by Atty. Nathaniel G. Cabrera and endorsed by Rep. Bienvenido M. Abante Jr.
00:51Sa pagsambit na mga salitang ito sa plenaryo ng Kamara kanina,
00:56to the Committee on Justice, Majority Leader.
01:01Formal nang sinimulan ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte
01:06matapos ma-refer ito sa Committee on Justice.
01:09Apat ang impeachment complaint na nakahain laban sa BICE.
01:13Kabilang sa mga akusasyon sa kanya,
01:15ang isya ng maanumalyaumanong paggamit ng confidential funds ng OVP at DepEd.
01:21Umanoy panunuhol sa mga opisyal ng DepEd.
01:25Pagkontrata umano sa isang gunman para umano ipapatay ang Pangulo, First Lady at dating House Speaker.
01:32Hindi umano pagdeklara ng lahat ng kanyang mga ari-arian sa kanyang sal-end.
01:37At pagsusulong ng political destabilization at sedition.
01:41Bago ang committee referral sa plenaryo,
01:44nagpatawag muna ng closed door meeting kanina ang Committee on Rules
01:48para maisama sa order of business ngayong araw
01:51ang apat na impeachment complaints laban kay VP Duterte.
01:55So, hindi malayo na mag-start na rin ang Committee on Justice.
01:59It really depends on the Committee Chair, Representative Luistro,
02:06kung mag-start na baka Monday na.
02:08And you know that just like yung impeachment complaint against PBBM,
02:14ang una-munang gagawin, ang una-munang tatalakayin
02:17would be the determination of sufficiency in form and substance.
02:25Noong isang linggo pa inaasahan ang aksyon ng Kamara
02:28sa mga reklamo laban kay VP Duterte.
02:31Ang mga tanong noon, isasalang pa ba ito sa Committee on Justice
02:36o shortcut na at derecho sa Senado via one-third votes na mga congressman?
02:41Wala po akong naririnig about fast-tracking it.
02:44And since patapos na po yung 10 session days, mukhang wala na po yun.
02:49So, it would be sa dadaan muna talaga sa Committee on Justice proceedings.
02:58Sa kanyang pahayag, sinabi ni Representative Jervil Luistro,
03:03ang Chairman ng House Committee on Justice,
03:05na mamadaliin nila ang proseso na ito
03:08at ang prosesong dadaanan ng impeachment complaint
03:11laban kay Vice President Duterte,
03:13ay kapareho lamang ng prosesong dinaanan
03:16ng impeachment complaints noon
03:18laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
03:21At dahil nga, Mel,
03:22na-refer na sa Committee on Justice
03:24ang apat na impeachment complaints na ito
03:26laban kay Vice President Duterte,
03:28ibig sabihin na trigger na rin yan
03:30yung one-year ban
03:32na nakasaad sa Constitution.
03:34Ibig sabihin, mula sa puntong ito,
03:36hanggang sa isang taon,
03:38hindi pa pwedeng magsampa ng isa pang impeachment complaint
03:41laban sa Vice.
03:42Mel.
03:43Maraming salamat sa iyo, Mark Salazar.
Comments