00:00Rodrigo Duterte
00:30Ngayong narisolba na ng Pre-Trial Chamber 1 ng International Criminal Court o ICC na hindi pwedeng pansamantalang makalaya si dating Pangulo Rodrigo Duterte
00:40at hindi kinatigan ang apela ng kanyang kampo na hindi siya fit to stand trial dahil may malinaw umano siyang pag-iisip para malitis.
00:48Tingin ni Atty. Christina Conti, ICC Assistant to Council, wala na dapat hadlang para hindi matuloy ang confirmation of charges sa February 23.
00:58Ang gagawin na lang kasi ng appeals chamber, hindi naman niya bubuksan eh. Yung kaso, titignan na lang niya kung tama ang ginawa ng Pre-Trial Chamber.
01:06Confident ako na hindi na babalik na rin ang issue tungkol sa fitness to stand trial.
01:14Pero iiklian ang pagdinig bilang pagsaalang-alang sa kalusugan ng dating presidente.
01:19One hour ang hearings, tapos may break. Tapos one hour, break na naman. Three hours ng halos mag-ihearing sa isang buong araw.
01:28But after two days of hearings, break ng isang buong araw. Abot ng isang buong linggo ang hearing.
01:36Pagkatapos nito, maaring umabot ng dalawang buwan bago ilabas ng Pre-Trial Chamber ang desisyon kung tuloy o hindi ang paglilitis.
01:44Kumaharap sa kasong Three Counts of Crimes Against Humanity si Duterte, kaugnay ng Duterte Drug War,
01:51na di umunoy ipinag-utos niya nung siya ay mayor ng Davao City at nung siya ay pangulo.
01:55Kung confirmed ang charges, tuloy ang paglilitis.
01:59Sakali raw na ang desisyon ay deferment, paano'y muling mag-set ng isa pang confirmation of charges
02:04habang nangangalap ng dagdag na ebidensya ang prosekusyon.
02:08Kung ibasura naman ang ICC, hindi nangangahulugang makakalaya agad si Duterte.
02:13Kung rejected, hindi ka agad-agad na lalaya kasi kailangan may proseso pa dahil nagkaroon na ng ebidensya para ikulong siya.
02:24Baka kailangan gumawa ng bagong charges.
02:28Ang isang posibleng makapagpaantala ng confirmation of charges ay kung biglang magpalit ng abogado si Duterte.
02:35Sabi ni Nicholas Kaufman, abogado ng dating pangulo, mga blogger at mga nag-aabang na ICC lawyer ang humihinging palitan siya.
02:42Sabi niya, alam ni Vice President Sara Duterte na katawatawang magpalit ng legal team tatlong linggo bago ang pagdinig.
02:50Alam din umano ng bagong Defense Council na kailangan humingi ng anim na buwang postponement para makapag-recruit ng makakasamang abogado
02:57at pag-aralan ng kaso habang nakaditine ang dating pangulo.
03:02Samantala, nag-file ang depensa ng notice sa ICC Appeals Chamber noong January 28.
03:07Ito'y para hilingin ang pagbaliktad sa naunang desisyon na tumanggi sa interim release o pansamantalang paglaya ni Duterte.
03:15Ayon sa inihay ng depensa, nagkamali ang pre-trial Chamber 1 sa kanilang desisyon nang hindi nila kinonsidera ang medical report galing sa team ni Duterte.
03:24Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatuto, 24 Oras.
Comments