00:00Pino na ni Vice President Sara Duterte ang anya'y kawalan ng interes ng administrasyon sa aligasyong Suhul,
00:08kaugnay ng flood control scandal at investigasyon ng ICC sa Duterte Drug War.
00:14Ang mga nagpakilalang sundalo naman na nagparatang niyan inilahad ang nararanasan umanong panggigipit na katutok si Maki Pulido.
00:25Mga makabayan groups o yung mga oposisyonista.
00:28Emosyonal ang ilang mga dating sundalo na nagpakilalang mga dating security daw ni Zaldico nang humarap sa ipinatawag nilang press
00:36conference.
00:37Ginigipit daw sila at pinagdududahan sa kanilang aligasyon na naghatid sila ng malem-maletang pera sa ilang politiko at personalidad,
00:45kabilang na si Pangulong Bongbong Marcos.
00:47Wala silang partikular na tao o grupong itinuro sa likod ng panggigipit pero bakit daw di iniimbisigahan ang mga sinabi
00:55nila na anilay walang halong politika?
00:58Sa ganitong sitwasyon na naglalahad kami ng katutuhanan na aming salaysay,
01:05sana respetuin nila kami, bigyan nila kami ng credibility, yung moral namin.
01:11Para ito sa bayan sir, ang ginagawa namin sir, hindi ito pang sarili lang namin.
01:16Buhay po namin, sa kapamilya namin ang nakataya dito, hindi namin isusugal ng ganun-ganun lang.
01:22Sa press con, matipid ang pahayag ng mga dating sundalo.
01:26Pinanindigan nilang naghatid sila ng pera na nasa limang maleta sa bahay ng Pangulong Marcos sa Ilocos Norte.
01:33Limang maleta po yung dinala namin ni Kong Saldidon sa bahay.
01:38Saan po exacto?
01:39Sa Ilocos po.
01:40Saan po sa Ilocos?
01:41Yung ano po may lake po. Ilang po yung may lake.
01:47Nakita rin daw nila si Congressman Lila Delima noong taong 2025 sa isang townhouse sa Forbes Park, Makati,
01:54na laging kamiting si Congressman Zaldiko.
01:57Yung time na nakikita namin siya, ma'am, 2025 po.
02:02Sa townhouse?
02:03Sa townhouse po. Lagi po siya doon. Kamiting sila boss.
02:09Then paglabas niyan, may mga bit-bit na po yan sila nakuan. Paper bag.
02:15Paper bag? At paano nyo alam na may laman yung paper bag na pera?
02:19Kasi po, galing po yung horizon, ma'am eh. Kami po ang nagdadala sa townhouse.
02:24Tsaka alam po namin ang pera yun kasi sinasabi po ng mga ii, ma'am eh. Tsaka nakikita rin namin.
02:31Nauna nang itinanggi ni Delima ang aligasyong tumanggap siya ng pera mula kay Co.
02:35Ang palasyo, tinawag na rin lousy script. At paulit-ulit umanong kasinungalingan ang mga aligasyon na mga dating sundalo.
02:44Pero po na ni Vice President Sara Duterte, tila raw walang interes o agarang hakbang ang administrasyon na siya sa
02:51atin ang katotohanan.
02:52Tahimik rin daw ang mga civil society groups na dati ay mabilis maglabas ng pahayag.
02:57At wala rin daw imik ang mga religious leader na naninindigan daw sa moralidad, transparency at accountability.
03:04Nauna nang sinabi ng NBI na iniimbestigahan na nila ang kredibilidad ng kwento at akusasyon ng mga dating sundalo.
03:11Sa inisyal na impormasyon ng NBI at Ombudsman, ilan daw sa mga sundalo may kinakaharap na kasong kriminal.
03:18Kasama raw sa iniimbestigahan ang mga personalidad na umano'y nasa likod nila.
03:23Giit naman ng mga dating sundalo.
03:25Hindi kami pro-Duterte lahat. Hindi kami pro-BBM din. Neutral kami sir. Nagtrabaho ko ordinaryong Pilipino lang sir.
03:31Wala pong nag-sumusuporta sa amin. Kahit sino sir. Nasa label po kami. Hindi kami lumapit kung kahit sino.
03:40Sa press conference kanina, dumating si na Mike Defensor at dating AFP Retired General Hermo Henes Esperon.
03:47Suportado ng dalawa ang mga dating sundalo.
03:50Karanganan na mapasama sa kaso. Nakasama sila.
03:53Yung sinasabi ng mga taong to ay katotohanan.
03:58Tumutulong ako sa kanila dahil ayoko mangyari nung nangyari kay Sgt. Gutesa.
04:03Hindi kumpleto kanina ang lahat ng labing walong Marines.
04:06Ang iba daw tinitiyak na safe ang pamilya nila.
04:09Kanina, biglang tinapos ang press conference dahil may pangamba na raw sa siguridad nila.
04:15Para sa GMA Integrated News, Maki Pulido na Katutok, 24 Oras.
04:19Maki Pulido na Katutok, 24 Oras.
Comments