Skip to playerSkip to main content
Bahagi umano ng destabilization plot ng kampo ng mga Duterte at kaalyado nito ang lumantad na 18 nagpakilalang dating sundalo, ayon ‘yan kay dating Sen. Antonio Trillanes IV.


Pero ang Bise Presidente, itinangging kilala niya ang mga ex-military men.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pahagi umano ng destabilization plot ng kampo ng mga Duterte at kaalyado nito,
00:05ang lumantad na 18 nagpakilalang dating sundalo.
00:08Ayon yan kay dating Senador Antonio Chulianas IV.
00:12Pero ang vicepresidente, itinangging kilala niya ang mga ex-military men.
00:17Nakatutok si Vaughn Aquino.
00:23Ipinasabina na ng National Bureau of Investigation ng lumutang lalabing walong ex-Marines umano
00:28kaugnay ng kanilang isiniwalat na paghahatid umano ng mali-maletang pera sa ilang opisyal ng gobyerno.
00:34Bukod sa kanila ay pinatatawag rin ang kasama nila sa kanilang press con na si Atty. Levito Baligot
00:39at si dating Congressman Mike Defensor na nagsabing tinutulungan niya ang grupo.
00:44We are deputized by the Ombudsman to investigate.
00:48We're investigating and we're following all the leads and all the angles kung ano yung mga pwede nating puntahan na
00:54ebidensya.
00:54Gusto rin malaman ng NBI kung paano nag-cash ang sinasabing 56 million peso sa isang maleta
01:01na binanggit sa joint affidavit ng labing walong dating Marines.
01:05Yun yung isang tinignan ko rin sa joint affidavit.
01:07Yung pumunta sila sa may balero, nagpalit sila ng 2 million dollars,
01:12dalawang maleta na tag 56 million.
01:15There is a, for me, initially, there is a physical impossibility.
01:19Kaya natin sila pinatawag, ipaliwanag din nila yun, i-demo nila paano sa anong maleta yun
01:25at paano nag-cash ang 56 million na yan.
01:27Isusumiti ng NBI sa Ombudsman ng mga magiging findings.
01:31Depende sa mga ito at ibang ebidensya ang irerekomendang karampatang kaso.
01:36Ayon kay dating Sen. Antonio Trillanes IV,
01:39bahagi umano ng destabilization plot ng kampo ng mga Duterte at mga kaalyado
01:43ang paglantad ng mga ex-Marines.
01:46Kasi nga, this is all part of a destabilization effort by the Duterte camp
01:52against the Marcos administration.
01:56Kasi lalo na with this impeachment case that's about to start,
02:03the presentation of evidence, pinipigil nila yan.
02:06Yun po yan.
02:07Kasama si Trillanes sa mga pangalang nabanggit ng mga ex-Marines.
02:10Pero dati na niyang itinanggi ang alegasyon.
02:13Dagdag niya, kabilang daw sa mga plano ay galitin ang publiko,
02:17bagaman kinaposan niya ito sa military component.
02:20Base sa aking pagpupulong sa mga contacts ko sa military,
02:26ang issues nila unang-una, si Sarah ang makikinabang.
02:33Si Sarah, kung mapatalsik si President Marcos, si Sarah ang uupo,
02:38e si Sarah pro-China.
02:40Yan yung deal breaker sa mga military.
02:43Sinusubukan pa naming hinga ng pahayag si Vice President Sarah Duterte at kanyang kampo.
02:48Pero sa kanyang online program na nakapost sa kanyang Facebook page,
02:53sinabi niyang hindi niya kilala ang dating sundalo.
02:56Hindi ko kilala ito ha.
02:57Walang mga kapagsabi dyan sa kanila na kinausap ko sila,
03:00o nakita ko sila, o kinita ko sila.
03:03Kahit man yung mga kasama nila, yung abogado.
03:08Walang mga kapagsabi dyan sa kanila na alam ko kung ano yung ginagawa nila.
03:19Ito, mga ordinaryong tao na nagsabi, ito yung alam namin sa korupsyon eh.
03:25Pero makikita nyo, sobrang tahimik nung gobyerno.
03:29Wala man lang silang, we take this seriously.
03:32Para sa GMA Integrated News, Von Aquino nakatutok, 24 oras.
Comments

Recommended