Inireklamo ng plunder sa Ombudsman sina dating pangulong Rodrigo Duterte, Sen. Bong Go pati ang kaniyang ama at kapatid ni dating Sen. Antonio Trillanes IV.


Kaugnay ‘yan sa halos P7 bilyon infrastructure projects na napunta umano sa kumpanya ng mga Go.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inireklamo ng plunder sa ombudsman si na dating Pangulong Rodrigo Duterte, Sen. Bong Go, pati ang kanyang ama at kapatid ni dating Sen. Antonio Trillanes IV.
00:11Kaugnay po yan sa halos 7 billion pisong infrastructure projects na napunta umano sa kumpanya ng mga Go.
00:19Ang tugon ng Senador sa pagtutok ni Salim Refran.
00:22Kahong-kahong dokumento ang bit-bit ni dating Sen. Antonio Trillanes IV sa Office of the Ombudsman.
00:31Para yan sa reklamong plunder laban kinadating Pangulong Rodrigo Duterte, Sen. Bong Go, pati laban sa ama at kapatid ng Senador.
00:39Kaugnay ito sa halos 7 billion pisong infrastructure projects na napunta umano sa CLTG builders at Alfrego builders ng mga Go.
00:49Tatay at kapatid, binigyan mo ng billion-billion na kontrata. While you were in power, covered nila yun.
00:56Alam naman natin na magkadugtong ang bituka ni Bongco at Duterte kaya hindi niya pwedeng ipagkaila na hindi na-influensyahan ito.
01:07Aligasyon ni Trillanes, nasa dalawang daang proyekto umano ang nakuha ng mga kaanak ni Go.
01:12Wala na maging mayor si Duterte noong 2008 hanggang sa maging presidente ito.
01:16Karamihan ay nasa Davao region at Davao City.
01:20May flood control, mayroong mga road widening.
01:25Kahit na kompleto o nagawa yung proyekto, pero yung offense niya is hindi dapat sa tatay at kapatid ang nag-beneficio.
01:34Ang nakalagay sa ating batas, up to fourth degree of consanguinity and affinity.
01:42Pero ito, first degree ito, tatay ito at kapatid.
01:45Gate ni Trillanes, undercapitalized o kulang sa pampuhuna ng CLTG at Alfrego Builders,
01:52kaya nakipag-joint venture o nakisosyo sa mga kontratisang may AAA licenses tulad ng mag-asawang Curly at Sara Diskaya.
02:01816 million pesos umano ang halaga ng mga proyektong napunta sa joint venture ng mga Go at ng mga Diskaya.
02:09Pinabulaanan ni Sen. Go ang mga aligasyon.
02:11Lahat naman tayo may negosyo yung mga pamilya natin. Lahat ng pamilya may negosyo.
02:19But hindi po ako nakikialam dyan. Nakialam ba ako? Hindi. Nakinabang ba ako? Hindi.
02:27Binigyan ko ba ng pabor ang aking pamilya? Hindi.
02:30Ayon kay Go, haharapin niya ang reklamo at handa rin kasuhan ang sariling kadugo kung nagkamali sila.
02:38Meron naman pong koa na pwede naman pong tumingin kung meron bang pagkukulang o meron bang irregularities dito sa mga proyektong ito.
02:49Kasuhan niyo po. Kaya sabi ko nga ako pa mismo, willing po akong kasuhan kahit kapamilya ko, kahit sino pa yan.
02:56Ang reklamong ito, una nang naihai noon sa Department of Justice.
03:00Pero agad raw pinadala sa Office of the Ombudsman ng Prosecutor General noon na si Benedicto Malcontento.
03:07Panahong Justice Secretary pa si Ombudsman Jesus Crispin Rimulya.
03:11Itong kasong ito, may pag-aaralan pa.
03:14Hindi ko nga, hindi nga ako nagkaroon ng pagkakataong makita ang mga papel na ito noong panahon na yun.
03:20Isang taon na yun eh.
03:20Dadaan niya sa evaluation, fact finding, at preliminary investigation.
03:25Dagdag pa ni Ombudsman Rimulya, maaaring makatulong ang reklamong ito sa embesigasyon nila ng DPWH, sa CLTG at sa mga diskaya.
03:35Binibigyan kami niyan ng hudyat kung saan kami dapat tumingin.
03:41Kasi nga, interesado kami diyan, pero kung nandiyan na ang dokumento at meron na siyang mga project number, mga identifying marks, mas madali na kami mahahanap yan sa DPWH.
03:52Para sa GMA Integrated News, Salima Refrain, Nakatutok 24 Horas.

Recommended