Skip to playerSkip to main content
A former police officer allegedly resorted to kidnapping his cousin who refused to lend him money.


The abduction of the businessman was caught on camera in Cabanatuan, Nueva Ecija, but the crime was foiled due to an unexpected accident.


The suspects managed to escape, but the alleged mastermind was later identified through backtracking.


Raffy Tima reports.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Panginginap ang ginanti ng isang dating polis sa kanyang pinsan dahil sa di umano pagpapahiram ng pera.
00:08Nahulikam sa Kabanatuan Nueva Ecija ang pagdukot sa biktimang negosyante na nabulilyaso lamang dahil sa isang aksidente.
00:15Nakatakas ang mga suspect pero nabisto ang mastermind sa backtracking.
00:20Katwiran niya, kailangan niya ng perang pampaospital sa misis.
00:25Nakatutok si Rafi Tima.
00:30Mag-alas 8 ng umaga kahapon nang makunan sa CCTV footage na ito ang tatlong lalaki sa labas ng isang bahay sa subdivision sa Kabanatuan City Nueva Ecija.
00:39Pilang may hinihintay ang tatlo, maya-maya pa lumayo ang dalawang lalaki.
00:44Nang dumating at pumarada sa tapat ng bahay ang pulang pickup truck, buwaba ang lalaking sakay na nakaputing sando para buksan ang pinto.
00:51Pero habang nakatalikod siya, mabilis na lumapit ang dalawang lalaking nakatakip ang mukha at pilit na isinasakay ang biktima pabalik sa pickup.
01:00Pilit na laban ang biktima noong una.
01:02Di malinaw sa video pero tila na wala ng malay ang biktima.
01:05Kaya mabilis na naisakay sa sasakyan.
01:08Ayon sa mga polis, 57 na taong gulang na nugusyante ang dinukot.
01:12Pero nabulilya surawang pagdukot dahil sa aksidente yung hindi na nakuha na ng video.
01:16Karoon pa ng disgrasya, nakawa-disgrasya pa sila ng tao.
01:21Patakas sila.
01:22Nakuha nila yung tao.
01:24Inabandon na rin ang mga suspect ang sasakyan.
01:26Karoon ng problema yung sasakyan, naplat, bumaba, naglakad sila at kanya-kanya na silang lulan ng mga ipagpag-sasakyan.
01:38Tricycle o nagmotor.
01:40Natagpuan naman ang dugo ang biktima sa barangay Bakod Bayan.
01:44Agad din na nasa ospital ang negosyante.
01:46Ang biktima kanina, siyempre nagkaroon ng konting trauma kasi na dinugbog siya along the way.
01:53Ayos naman siya, nasa ospital, ngayon, underseptured.
01:58Umabot sa San Miguel Bulacan ang backtracking ng polisya, kung saan nasa kote ang itinuturong mastermind ng pagdukot.
02:04Nakamag-anak paman din ang biktima.
02:06Nahuli natin yung pinaka main suspect na nataon naman na ex-polis, no, na kamag-anak mismo nung biktima.
02:22Natagpuan natin yung subject sa San Miguel La Pumara.
02:28Ayon sa revelasyon ng mga kapag-anak, yung pinakapinsan niya, mga ex-polis,
02:36is ang sinasabi niya is problema sa pera at kailangan na pera.
02:42At ang ano nito is nag-demand sila ng limang milyon.
02:48Ayon sa suspect, matagal na siyang may galit sa biktima na itinulak lang ng pangangailangan sa pera kaya nagawa ang krimen.
02:54Eh, nagalit sir ako sa kanya dahil nangangailangan ako ng trabaho, may sakit yung asawa ko, hindi niya ako pinakasin.
03:00Ilang besa ako sa kanya nagsabi eh, hindi niya hindi niya hindi niya pinakasin ako.
03:04Pinabulanan din niyang iniutos niyang sakta ng biktima.
03:06Hindi sir, hindi ko sir minuutos na nasaktan dahil pisa ko yun eh.
03:10Sabi ko, takotin niyo lang para magbigay ng pera, pera lang kailangan natin ka ako.
03:13Pera lang dahil may sakit yung asawa ko.
03:15Nasa kote rin yung polisya ang dalawang kasama ng suspect sa kamanatuan at palayan.
03:20Mahaharap sila sa kasong kidnapping.
03:22Patuloy ang investigasyon ng polisya.
03:25Para sa GMI Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended