00:00Nagpaalala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center sa publiko na maging mapanuri
00:06at huwag magpakalat ng disinformation sa social media sa harap ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East.
00:14Ito'y kasunod ng pagkalat ng isang 25-second video sa social media platform na X
00:20na nagpapakita na isa umanong Pilipino na naka-livestream sa kanyang apartment sa Dubai
00:26na tinamaan umano ng missile. Giyit ng CICC, hindi ito totoo at natuklasan ng kanilang digital forensic team
00:34na lumang video ito na nakuha sa Beirut, Lebanon noong 2020.
00:40Hindi rin umano Pilipina ang nasa video kundi isang dayuhan.
00:44Ayon kay CICC Executive Director, Undersecretary Renato Aboy Paraiso,
00:50hindi lamang ito irresponsable kundi may tuturing din na digital crime.
00:55Dahil sa pananamantala sa krisis para makakuha ng engagement sa social media,
01:01pagtitiyak ni Paraiso patuloy ang kanilang pagtrack at pagtukoy sa mga nasa likod ng disinformation campaign
01:08dahil prioridad nila ang digital safety at mental well-being ng mga Pilipino.
Comments