00:00Isinusulong ng pamahalaan ang digitalization ng mga serbisyo para sa mga senior citizens
00:06sa ilalim ng e-governance initiative ng Bagong Pilipinas.
00:11Sa ilalim ng Expanded Centenarians Act, makatatanggap na rin ng tig-sampung libong piso
00:17ang mga senior citizens na umabot sa edad na 80, 85, 90 at 95.
00:24Para matanggap ang benepisyo, kinakailangan na magpasa ng aplikasyon sa Office for Senior Citizens Affair
00:32at pumili ng kanilang preferred mode of payment tulad ng land bank account o e-wallet.
00:38Samantala, patuloy namang nagsasagawa ng digital literacy training ang National Commission of Senior Citizens
00:45para matulungan ang mga nakatatanda sa mga digital na transaksyon.
00:52Mga kagaya po ng senior citizens, bago pa lang kayo mag-birthday before reaching the age of 80,
01:00mga months before mag-apply na kayo ng inyong mga milestone age gift,
01:08mag-apply na sa OSCA o doon sa local social welfare development officer na malapit sa inyo,
01:14kung saan nakakasakop sa inyo, mag-apply na at present na yung inyong birth certificate,
01:19yung inyong photo, para pagdating na inyong birth date,
01:24matanggap niyo na ang inyong cash gift coming from the government to the NCST.
Comments