Skip to playerSkip to main content
Umiiral na ang State of National Energy Emergency sa buong bansa bunsod ng patuloy na giyera sa Middle East.
Tatagal ito ng isang taon, alinsunod sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos.
Sinabi rin ng pangulo sa isang panayam na hindi isinasantabi ang posibilidad na tigil-biyahe ang mga flight dahil kapos sa langis.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Umiilal na ang State of National Emergency Energy Emergency sa buong bansa,
00:05bunsod ng patuloy na gera sa Middle East.
00:07Tatagal ito ng isang taon alinsunod sa utos si Pangulong Bongbong Marcos.
00:12Sinabi rin yung Pangulo sa isang panayam na hindi isinasantabi
00:15ang posibilidad na tigil biyahe ang mga flight dahil kapos sa langis.
00:20May report si Ian Cruz.
00:24Semana Santa na sa susunod na linggo.
00:27Bakasyon na rin ang mga estudyante.
00:29Pero ang dapat ay panahonan ng biyahe sa pulang gera sa gitnang silangan
00:35na nagpahigpit sa supply ng langis at nagpamahal ng mga bilhin at serbisyo.
00:41Apektado rin ang flights.
00:43Epektibo sa Abril ang pagtaas ng fuel surcharge kaya tataas ang pamasahe.
00:48At sabi mismo ni Pangulong Bongbong Marcos sa isang panayam,
00:52distinct possibility ang grounding ng mga flight dahil sa kakapusan ng langis.
00:57Ayon sa Pangulo, nagpasabi na ang ilang bansa na hindi sila makapagre-refuel na mga eroplanong galing sa Pilipinas.
01:05Nag-anunsyo na ang Cebu Pacific ng kanselasyon o kayo pagbabawas ng international flights
01:11simula Abril hanggang Oktubre dahil sa impact ng gyera sa gitnang silangan sa global fuel prices.
01:18May cancellations din ang Philippine Airlines at Katay Pacific ng mga flight pa Middle East
01:23pero dahil na ito sa mismong sitwasyon sa Middle East.
01:27Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o Kaap Region 6,
01:32posibleng Abrilo-Mayo pa maramdaman sa Iloilo Airport ang kabawasan ng flights.
01:37Sa ngayon daw, may mga nadagdag na biyahe para sa Semana Santa.
01:41Sa pagdinig ng Senate Committee on Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy o Protect.
01:49Inusisa ni Senadora Loren Legarda sa Energy Department ang tungkol sa sinabi ng Pangulo
01:55tungkol sa grounding ng flights pati na ang hindi pagdideklara ng pamahalaan ng krisis sa sitwasyon ngayon.
02:01Kung ganyan po ang sinasabi ng Department of Energy, hindi pa ba yan krisis?
02:08Ayaw pa ba talagang yugyugin ang mga utak na mga tao sa gobyerno para tanggapin na tayo'y nasa isang
02:15krisis?
02:17At sinasabi na that we will run dry.
02:24Pakipaliwanag po para maintindihan, maintindihan, mapondohan.
02:28Nandiyan ang Chair ng Finance para ang ibang ahensya ng gobyerno ay maghandap.
02:34Cebu Pacific and PAL.
02:36They have a combination of suppliers, Petron, and also they import it on their own.
02:42As of yesterday, their inventory is around 38 days.
02:4738 days and they have confirmed, we asked them if they want us to help them procure additional fuel for
02:54the next month, meaning on May.
02:58They have already secured confirmation of their next order.
03:02I think it was South Korea.
03:05Dagdag ni Garin, pina-follow up nila ang order sa pamamagitan ng government-to-government na usapan.
03:12Ngayong araw, ininiklara ni Pangulong Bongbong Marcos ang State of National Energy Emergency.
03:19Sa ilalim ng Executive Order No. 110, itatatag ang Unified Package for Livelihoods, Industry, Food and Transport o Uplift.
03:28Sa framework na ito, magtutulungan ang iba't ibang kagawaran para tiyaking sapatang supply ng enerhiya sa bansa,
03:35tuloy-tuloy ang delivery ng essential services, gugulong ang ekonomiya at matutulungan ang mga Pilipino, partikular ang mga apektadong sektor.
03:45Bukod sa presyo ng langis, pabantayan din ang pagkain, gamot at supply ng essential goods.
03:51Isinusulong din ang pagtutulungan ng pambansang gobyerno, mga LGU at pribadong sektor.
03:57Ang Budget Department ang tutukway sa paghuhugutan ng pondo para rito, basis appropriations ng mga ahensya.
04:04Epektibo sa loob ng isang taon ang National Energy Emergency na pwedeng palawigin o bawiin ng Pangulo.
04:12Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended