00:00Samantala lalo pantumindi ang panawagan ng international organizations pati na ang Santo Papa
00:05na pairali ng diplomasya para humupa ang tensyon sa gitnang silangan.
00:10Narito ang report.
00:14Takot ang naramdaman ni Roslyn sa tensyon sa Middle East,
00:18particular sa pagpapalitan ng mga missile ng US, Israel at Iran.
00:22Dahil dito, nangangamba siya sa kalagayan ng ating mga kababayan sa region.
00:27Nakakatakot po yung nangyayari po sa kanila kasi po biglaan po yun
00:31at nakakatakot po lalo na po sa mga OFW na hindi naman po tagada.
00:37Nag-aalala din si Leme Joy para sa mga residenteng lubhang na apektuhan ng tensyon.
00:42Kawawa po yung mga taga-Iran doon kasi hindi siya masyadong nabibigyan ng pansin.
00:47Nanawagan si UN Secretary General Antonio Guterres na mahigpit na pairali ng mga obligasyon
00:52sa ilalim ng international law, kabilang ang UN Charter, protektahan ng mga sibilyan
00:57at tiyakin ang nuclear safety.
01:00Biligyan din din niya ang pangangailangang kumilos ng may pananagutan
01:03at magkaisa upang mailayo ang rehyon at ang buong mundo sa lalong paglalalang krisis.
01:09Muling pinatibay ng European Council ang matatag na paninindigan nito
01:13na pangalagaan ng siguridad at katataga ng rehyon.
01:16Binigyang halaga ng European Council ang pagtiyak sa nuclear safety at pag-iwas sa anumang hakbang
01:21na maaari magpalala ng tensyon.
01:23Ipinatupad na rin ng European Union ang parusa laban sa rehymen ng Iran at sa Revolutionary Guards
01:29habang patuloy na isinusulong ang diplomatic efforts kaugnan ng nuclear at ballistic programs.
01:35Sa pakikipag-ugnayan sa mga member states, tiniyak ng EU na gagawin ang lahat ng kinakailangan ang hakbang
01:41upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan nito sa rehyon.
01:44Samantala, nakausap sa telepono ni India Prime Minister Narendra Modi si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu
01:51upang talakayin ang kasalukuyang sitwasyon.
01:54Ipinahayag ni Modi ang pag-aalala ng India sa mga huling pangyayari at binigyendiin
01:59ang kahalagahan ng pagprotekta sa mga sibilyan.
02:01Muling nanawagan ang India para sa agarang pagtigil ng labanana.
02:05Nagpahayag din ang pag-aalala si Pop Leo XIV at umaasa na mangingibabaw ang diplomasya
02:11at maisulong ang kabutihan ng mga mamaya na nagnanais ng mapayapang pamumuhay.
02:17Joshua Garcia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments