00:00Big time, taas presyo ng petrolyo ang sasalubong sa mga motorista bukas
00:04kaya may mga nagpapa-full tank na at posibleng pang masundan niyan
00:08lalot dagok sa produksyon at transportasyon ng krudo ang bagong gyera sa Middle East.
00:15Narito ang report.
00:20Nasunog dahil sa drone strike ng Iran ang oil refinery ng Aramco,
00:25ang state oil company ng Saudi Arabia sa Rastanura.
00:30Sarado ngayon ang refinery na pinakamalaki sa Saudi at isa sa pinakamalaki sa Middle East.
00:37Tigil produksyon din ng liquefied natural gas ang pasilidad ng state-owned Qatar Energy na tinamaan ng drone.
00:46Nagsara rin muna ang ilang oil fields sa Iraq at Israel.
00:52Pati mga barko hindi nakaligtas.
00:55Gaya nitong Palau Flag Tanker na Skylight in-evacuate na.
01:00Ang dalawampung sakay nito.
01:02Dahil sa sigalot sa Persian Gulf,
01:04may gitsandaang barko ang stranded sa Strait of Hormuz.
01:08Lalo't ipinagbawal ng Iran ang pagdaan dito.
01:12Attention all ships, this is Tepak Navy, Iran's Islamic Revolutionary Guard Corps Navy.
01:19From now on, all navigating through the Strait of Hormuz is forbidden.
01:26Sa Strait of Hormuz, naglalayag ang mga barkong kargado ng krudo mula sa Middle East.
01:32Katumbas nito ang 20% ng supply ng langis sa daidig.
01:37Nakabantay ang Energy Department sa posibleng pagkaantala ng supply ng langis.
01:42Posible raw na sa susunod na linggo pa, maramdaman ang epekto nito sa presyuhan.
01:48Sana hindi magpanit-buying no.
01:50Ang threat ngayon ay yung avoidance ngayon for the meantime ng mga shipping company na dumaan doon.
01:58Wala pang epekto ang sigalot sa big-time oil price hike bukas na nagpa-alarma ngayon sa mga motoristang nagpa
02:06-full tank.
02:07Atas yung gasolina. Ngayon, kailangan natin mag-double-card na lang para kumita palalo.
02:12Pero sabi ng isang ekonomista, dapat kumilos ang gobyerno. Damay kasi sa pagmahal ng langis ang palitan ng piso kontra
02:21dolyar, pamasahe, at presyo ng bilihin.
02:26Gumawa na tayo ng paraan para makapagtipid sa paggastos ng petrolyo o paggamit ng petrolyo.
02:35Magtingin din tayo kung saan pa tayo pwedeng makakuha ng petrolyo na hindi nagdadaan sa Strait of Hormuz.
02:41Baka rin daw magmahal ang mga produktong inaangkat natin galing China na bumibili ng langis sa Middle East.
02:49Pinulong na ng DOE ang mga oil company para tiyaking nasusunod ang minimum inventory requirement o reservang langis.
Comments