Skip to playerSkip to main content
Masakit na sa bulsa ang petrolyo ngayon sa Metro Manila. At posibleng umabot pa iyan ng mahigit 80 pesos dahil sa giyera sa Middle East. Sa gitna niyan, inanunsiyo ng gobyerno ang pansamantalang four-day work week sa ehekutibo at nagbabala sa mga magsasamantala sa presyo at mag-iimbak ng petrolyo. Narito ang report.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

šŸ—ž
News
Transcript
00:00Masakit na sa bulsa ang presyo ng petrolyo ngayon sa Metro Manila
00:04at posibleng umabot pa yan ng mahigit 80 pesos dahil sa gyera sa Middle East.
00:09Sa gitna niyan, inanunsyo ng gobyerno ang pansamantalang 4-day workweek sa Ehekotibo
00:15at nagbabala sa mga magsasamantala sa presyo at mag-i-impact ng petrolyo.
00:20Narito ang report.
00:24Sa susunod na linggo, inaasahan ang pagtaas ng presyo ng petrolyo.
00:29Tinatayang tataas ang presyo ng gasolina ng 748 pesos kada litro,
00:35diesel ng 1728 pesos at kerosene ng 3235 na piso.
00:42Sa bibig mismo ng Pangulo ng Galing na Pusiblia sa susunod na linggo,
00:46ang nakalululang pag-arangkada ng presyo ng petrolyo.
00:49Ang tansya kasi ng Department of Energy, maaaring pumalo sa mahigit 80 pesos kada litro ang diesel.
00:55At kung magpapatuloy ang krisis sa Middle East,
00:57huwag daw magulat kung sumipa pa yan sa 90 pesos per liter.
01:01Yung Ukraine-Russia, Mr. Chair, umabuto tayo ng mga 90 kasi.
01:06So ayaw kong mag-project pero ito'y mas masama pa dun eh.
01:12Dahil dyan, inatasan ng Pangulo ang mga ahensya ng gobyerno
01:15na magtipid sa gasto sa petrolyo at konsumo ng kuryente.
01:18Binawasan rin niya ng isang araw ang pasok sa trabaho ng ilang ahensya sa Executive Branch.
01:23Simula sa lunes, ikasyam ng Marso,
01:26pansamantala natin ipapatupad ang 4-day work week sa ilang tanggapan ng ehekutibo.
01:33Sa Iloilo City, nakatakdang maglabas ang LGU ng Tig 1,500 pesos na fuel subsidy sa mga GP driver.
01:40Ang paglalabas ng ayuda sa mga tsyuper, pati sa mga magsasaka at manging isda.
01:44Pati balak na libre ang sakay sa mga electric na love bus,
01:48kabilang daw sa mga hakbang ng gobyerno para ibsan ang epekto ng mahal na petrolyo.
01:53Tinakikiusapan din ng DOE ang mga oil company na utay-utayin ang dagdag singil.
01:58Kung mag-implement ng staggered, hindi masyado abot ka agad.
02:02Pero kung one-time bagsakan, pwede hong umabot na po.
02:06Pero ngayon pa lang, umaaray na ang ilang tsyuper.
02:10Dati, kakarga ka lang ng mga isang libra, yung one to, yung mga dalawang dan siguro.
02:14Wala na akong magagawa dyan e, pero mabigat, mabigat masyado.
02:20Magtataas pa, baka titigil na ako sa pagdadrive.
02:24Alit yung katama sir, kaya ang gatong, grabe pagsaka, sakit-sakit na saman siya e.
02:28Okay nga bulig e, kahit ay ka mamahal ng krudo,
02:31e kinanlanong, kinaman naman nangyakuan e, baka man naman naman yung yung udad.
02:35Sa ilang gasolinahan sa Tarlac, pila-pila ang mga sasakyan at tricycle para magpa-full tank.
02:41Habang sa ilang gas station sa Cabanatuan, Nueva Ecija,
02:44hanggang 300 liters muna ang pwedeng bilhing krudo ng kada customer kada araw para maiwasan ang hoarding.
02:50Huwag ninyo sanang samantalahan ang sitwasyong ito.
02:53Pinapaalala ko sa lahat na ang hoarding at ang profiteering ay labag sa batas.
02:58Sabi ng Department of Energy, hindi nito kukonsintihin ang mga ulat ng pag-hohoard
03:03at pananamantala sa presyuhan na may tuturing na price manipulation.
03:08Ang mga lalabag dito ay maaaring magbulta at makulong.
03:29Babala rin ng DOE at Bureau of Fire Protection,
03:32bawal at iligal ang pag-iimbact ng gasolina sa mga drum para makatipid.
03:36May pagkakataon po na pag nagkaroon ng leak ang inyong storage na pinaglalagyan po ng ating mga gasolina
03:41at ito po ay nagkaroon ng spark or nagkaroon ng konting spark na makakapagdulot para mag-apoy siya.
03:50Mabilis po itong kakalat sa ating kabahayan at mabilis pong masusunog ang ating bahay.
03:54Ang imbact na langis ng Pilipinas tatagal pa rao ng hanggang April 15.
03:59Sa susunod na linggo, makikipagpulong na uli ang DOE sa oil companies
04:03para pag-usapan kung paano madaragdagan ang supply ng langis sa bansa.
04:08Pinapabili na rin ni Secretary ang PNOC ng inventory standby reserve,
04:14up to 1 million barrels of reserve.
04:17So lahat ito, lahat ina-access natin yung anticipation.
04:22Pinag-aaralan din ang posibleng pagrasyon ng langis sa mga mamimili.
04:26Isa sa mga tinitingnang hakbang para mapababa ang presyo ng petrolyo,
04:30ang pagali sa excise tax mula sa inaangkat na crudo.
04:33May mga panukala na rin sa Kongreso para riyan.
04:36Pangamba ni Sen. Wynn Gachalian,
04:38P160 billion ang mawawala sa kaban ng bayan kung tatanggalin ang buwis.
04:43Yung mga collection agencies natin like BRR at POC,
04:48hindi nila nahit yung target nila.
04:49So kung ang excise tax ay tatanggalin, P160 billion yun,
04:53malaki rin ang mawawala sa kaban ng bayan.
04:55Kailangan daw itong balansihin dahil mahigit P1 trillion ang deficit ukulang sa budget ng gobyerno.
05:01Pag tinanggal yung fuel bath, lalong lalawak yung ating budget deficit
05:06na magpapataas sa probability na hihiram na naman ang ating gobyerno
05:11para mapunan yung mga iba pa nating gastusin.
05:14Kung ang mga kinukolekta ng pamahalan ay napupunta lang sa mga kurakot
05:18at napupunta lang doon sa mga gastusin na hindi naman essential at mangungutang naman,
05:26siguro ang mas mabuting pigilan ng pamahalaan ay yung paggastos mismo ng pamahalaan
05:32at bawas-bawasan na rin yung pangungutang.
05:37Para sa grupong Bagong Alyansang Makabayan,
05:39napapanahon ng ibasura ang Oil Deregulation Act of 1998
05:43dahil napapasa raw agad ng mga oil companies sa mga consumer
05:46ang pagmahal ng krudo sa world market.
Comments

Recommended