00:00Pagsusulong sa advokasya ng Mayors for Good Governance sa responsabling pagboto,
00:06diyan nakatutok ang alkalde ng Baguio City na si Mayor Benjamin Magalong
00:10at hindi umano pumasok sa kanyang isip na kumandidato sa 2028 national elections.
00:16Si Bridgette Marcasi Pangospian ng PTV Cordillera sa Sentro ng Balita.
00:23So it never crossed my mind to run for any national position.
00:28Ito ang komento ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa mga kumakalat na balita kaugnay sa 2028 national elections.
00:37Aniya, ikinagulat umano niya na may mga balita patungkol sa sinasabing katandem
00:42dahil itinuturing lamang niyang biro ito nung una niyang narinig.
00:47May mga nagbangit na sa akin na membro ng partido.
00:51Bakit, kung baka pwede ko i-consider mga ganun.
00:54Pero hindi naman ako ang decision maker dyan.
00:57Nakatutok umano ito sa advokasiyan ng mayors for good governance at responsible voting, lalo na sa mga kabataan.
01:05Yung choosing the right leaders, hindi siya focus sa personality.
01:10So we're now starting it with the young people.
01:12May ikot kami ngayon eh.
01:14Ang dami kong speaking engagement with young people.
01:16So yun doon ako nakafocus eh.
01:17Kaya hindi wala ako doon sa national position.
01:20Nilinaw din niyang nauunawaan niya kung maraming nagtutulak sa kanyang kumandidato sa national position
01:27dahil wala pa umanong kumandidato mula sa Cordillera para sa national level.
01:32Gayunman, iginiit niyang mahirap magtaguyod ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng good governance.
01:39Dahilan, kaya niya binigyang diin na siya ang una at huling magalong na papasok sa politika.
01:46Ipinahayag din niyang nasasabik siyang matapos ang kanyang termino
01:50at hindi na siya kakandidato sa mas mababang posisyon.
01:54Matatandaang naging alkalde ng Baguio City ang dating Deputy Director General noong 2019
02:00at nanungkulan ng tatlong termino.
02:03Bridget Marcasi Pangosfian para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments