00:00Pinagtibay na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang ilipat ang pecha ng eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in
00:07Muslim Mindanao.
00:08Kung kailan na yan magaganap, alamin sa report ni Clay Salpardilla.
00:15Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas na nagtatakda ng bagong pecha ng halalan sa Bangsamoro Autonomous Region
00:24in Muslim Mindanao o BARM.
00:27Sa Visarang Republic Act No. 12317, inilipat ang unang regular na eleksyon sa darating na Setiembre ngayong taon sa susunod
00:37naman na botohan.
00:38Isasabay na ito sa national at local elections at isasagawa tuwing ikalawang lunes ng Mayo simula 2031 kada tatlong taon.
00:49Kaya ang maluluklok sa Setiembre magsisilbi ng limang taon mula October 30, 2026 hanggang June 30, 2031.
01:00Sa ngayon, pansamantala munang pinahaba ang transition period at mananatili sa pwesto ang Interim Bangsamoro Transition Authority habang hindi pa
01:11nakakapaghalal ng mga bagong opisyal.
01:13Inatasan naman ang Commission on Elections o COMELEC na pangunahan ang eleksyon sa Setiembre alinsunod sa Bangsamoro Electoral Code, National
01:23at Organic Law.
01:25Gagawin ito sa pamamagitan ng automated election system na ginamit noong May 2025.
01:32Ilalabas ng COMELEC ang bagong schedule ng pagkahain ng kandidatura at iba pang panuntunan kaugnay sa botohan sa BARM.
01:40Sasagutin din ang Commission ang mga gastusin sa eleksyon, pero maari ring magbigay ng dagdagpondo ang Bangsamoro Government.
01:48Ito na ang ikaapat na beses na nauroong ang BARM eleksyon.
01:52Matatandaang nung Enero, ipinagpaliban ito ng COMELEC dahil sa mga legal at operasyonal na isyo.
01:58Kalei Zalpardilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments