00:00Puspusan na ang paghahanda ng COMELEC para masimula ng Implementing Rules at Election Calendar.
00:05Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas na nagtatakdaan ng Bangsamoro Parliamentary Elections.
00:12Yan ang ulat ni RR Tubisi.
00:16Matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas na nagtatakda ng Bangsamoro Parliamentary Elections sa September 14,
00:23puspusan na ang paghahanda ng COMELEC para masimulan ang Implementing Rules at Election Calendar.
00:29Nagpapasalamat tayo sa ating kagalanggalang na Pangulo at syempre sa ating Kongreso sa naman mabilisang aksyon
00:35kaagad na nalagdaan ang pag-prefix na date ng Bangsamoro Parliamentary Elections sa September 14.
00:42Kasi sapagkat alam niyo po kung medyo ito'y nagtagal-tagal pa talaga pong aalanganin po ang sitwasyon ng ating
00:48komisyon sa halalan.
00:50Inaasahan na pagkatapos ng mahal na araw, sisimulan na ang pagsusumitin ng Certificates of Candidacy sa 32 districts.
00:56Tuloy-tuloy naman ang accreditation ng mga partido at sectoral groups.
01:00Maigpit ang timeline, mula COC filing hanggang ballot printing para sa milyong-milyong butante.
01:05Kinakailangan sa unang linggo ng hunyo ay meron na tayo na final list ng mga kandidato para doon sa parliamentary
01:13districts.
01:14Si COMELEC naman ipa-finalize yung listahan, ipa-finalize ang database upang malaman natin yung pagkakasunod-sunod at palbetikal at
01:24yung pag-a-arrange sa mga balota natin pagka ito ay ginawa na.
01:28Yung po information and technology department ng COMELEC ang mangunguna po dyan. Yan ay buwan ng hunyo.
01:34Sa Agosto, sisimulan ang deployment ng balota, ACMs at election materials, lalo na sa mga liblib na lugar.
01:41Paiigtingin din ang voters' education simula April hanggang hunyo.
01:44Kinakailangan makapagsimula na kami ng malaliman, malawakan na voters' education itong buwan ng Abril, Mayo.
01:54Ano ba ang parliamentary election ng Bangsa Moro? Ano ba ang iboboto natin? At bakit merong district na tinatawag?
02:02Obligasyon ni COMELEC na gawin po yan.
02:04Aminado ang comment na may hamon sa logistics, kabilang ang mataas na presyo ng langis.
02:09Pero, tiniyak ng komisyon na hindi masasakripisyo ang maayos at payapang halalan at prioridad ang benepisyo ng mga guro.
02:15RR2BCE para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments