00:00.
00:01Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng leptospirosis,
00:05matapos ang malawakang pagbaha dulot ng bagyo at habagat,
00:08pinalakas ng Philippine General Hospital, o PGH,
00:12at National Kidney and Transplant Institute, o NKTI,
00:16ang kanilang koordinasyon upang maaayos ang mga referral protocol
00:19at matugunan ang overcrowding ng mga emergency room.
00:23Nagkasundo ang dalawang institusyon na tatanggapin ng PGH
00:27ang mga non-leptospirosis patient mula sa NKTI,
00:31habang mananatiling kontrolado ang mga walk-in patient
00:34upang may prioridad ang mga nangangailangan ng urgent kidney care at regular dialysis.
00:39Sa ngayon, nasa 48 ang naitalangkaso ng leptospirosis,
00:44kung saan 45 sa mga ito ang kasalukuyang sumasailalim sa dialysis,
00:48habang 7 ang nasawi at 2 rito ay bunsod ng multiple organ failure.
00:53Tiniyak naman ni Dr. Arlene Croson, Acting Department Manager for Renal Care Services ng NKTI,
00:59na may sapat na manpower ang ospital para sa inaasahang bugso ng pasyente.
01:03Ang doctors at nurses meron naman po kaming supplies at ang NKTI ho ay lagi namang halda.
01:12Yung mga blood, we always encourage naman na sana blood donors meron tayong marami
01:18para just in case we need it, meron tayong tinatawag kasing blood bank.
01:23So when we need it, available po sila.
01:26Binigyang diin ng PGH sa kanilang opisyal na pahayag na ang kanilang alyansa sa NKTI
01:32ay nagpapakita ng matagal na nilang pagtutulungan
01:34para magbigay ng maagap at angkop na pangangalaga sa bawat pasyente
01:38saan mang pasilidad sila unang lumapit.
01:41Hinimok din ni Dr. Alamban Croson ng publiko
01:43na huwag ipagsawalang bahala ang mga sintomas
01:46gaya ng lagnat, pamumutla at paninilaw ng mata at pananakit ng katawan.
01:50Ang gusto ko ipaalala ng NKTI is leptospirosis po ay nape-prevent.
01:57Nape-prevent po yan, pwedeng iwasan.
02:00At ang mild cases nagagamot po yan
02:03kaya as early as pag meron na kayong mga simptomas
02:06pumunta na po kayo sa inyong mga clinics
02:10sa inyong mga malapit na barangay health centers
02:13para po kayo ay magamot na, huwag nyo na pong hintayin na malala na.
02:17Kasabay nito, ipinalalaganap din ang suporta mula sa PhilHealth YACA program
02:21at Yaman ng Kalusugan program para sa libreng prophylaxis
02:25gaya ng doxycycline
02:27habang nananatiling nakataas ang alert status ng NKTI
02:30sa inaasahang mas marami pang kaso
02:33dulot ng patuloy na epekto ng masamang panahon.
02:36Upang makabawa sa gastusin,
02:38itinaas din ang PhilHealth ang beneficyo para sa leptospirosis
02:40sa ilalim ng PhilHealth Circular No. 2026-0008
02:46kung saan ang coverage sa standard hospitalization
02:48ay naging P63,000 mula sa dating P21,450
02:53habang pumapalo naman sa P170,000 hanggang P411,000
02:59ang tulong para sa mga malubhang kaso.
03:02Buko dito, libre at walang babayarang gastos
03:05o zero balance billing ang paggamot sa mga severe leptospirosis patient
03:09sa mga ospital ng DOH at PhilHealth Accredited Facilities.
03:13Tiniyak naman ng Malakanyang ang hakbang ng pamahalaan
03:16sa harap ng pagtaas ng kaso ng leptospirosis
03:19kasunod ng pagbahas sa Metro Manila nitong nakaraang linggo.
03:22Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro,
03:26nagkaroon na ng kasunduan ang NKTI at PGH
03:29hinggil sa pag-manage ng mga pasyente.
03:32Dahil na rin sa full bed capacity ng NKTI,
03:35bunsod ng pagtaas ng leptospirosis case.
03:37Nagkaroon po ang PGH na statement na sila po ay tutulong
03:43kung kinakapos po talaga ng spasyo or bed capacity ang NKTI,
03:48nandiyan po ang PGH.
03:50At kung may mga pasyente na hindi naman nagsasuffer ng leptospirosis,
03:55maaari naman silang lumipat sa PGH.
03:57So, makikipagtulungan po ang PGH sa NKTI.
04:00Elijah Kenlas, para sebayang.
Comments