00:00Pinaimbisigahan ni Sen. Amy Marcos ang pahayag ng mga nagpakilalang dating sundalo
00:05na nagatidumanon ng mali-maletang pera sa ilang opisyal ng gobyerno,
00:09kabilang si Pangulong Bongbong Marcos.
00:12Ang mga aligasyon, tinawag ng palasyon na lousy script.
00:16May report si Oscar Oida.
00:20Iniharap sa media ni Atty. Levito Baligod,
00:23ang labing walong nagpakilalang dating military personnel.
00:27Karamihan sa kanila, dati umanong miyembro ng Philippine Marines.
00:31Dati rin daw silang tauhan ni dating congressman Zaldico
00:35at kasamahan ng dati ring marine at security detail umanon ni Co. na si Orly Guteza.
00:41Anila, naghatid sila ng basura.
00:45Ang tawag nila sa mali-maletang pera na kickback mula sa flood control projects.
00:50Mula raw noong September 2022 hanggang unang bahagi ng 2025.
00:56Marami pong contractors sa buong Pilipinas na napromesahan ng proyekto.
01:07Hindi pa nila napukuha ang kontrata.
01:09Ay nang umibisa na sila mag-remit kay ginuong Zaldico doon sa kanyang bahay sa Pasig City.
01:20Yung mga pera kasi ma'am na dumadating at mga pera kasi yan ma'am is hindi namin alam na
01:28galing sa masama.
01:32Although kami ay isang empleyado lamang ni Boss Aldian Family.
01:38Kaya nung lumabas po yung issue na flood control na yan,
01:42doon namin po napagtanto na yung mga mali-maletang pera na yan,
01:48na aming dinideliver sa mga iba't ibang nakaw po sa ating mga gobyerno,
01:54ay galing po pala sa nakaw.
01:57Ang pera, dinalaraw nila sa bahay o tanggapan ng ilang congressman,
02:03kabilang Sinoy House Speaker Martin Romualdez.
02:06Yung mga maiingay sa kongreso, ay sila palang matitinding tumanggap ng mali-maletang pera.
02:18At kabilang daw sa hinahatira ng pera, si Pangulong Bongbong Marcos.
02:24Akusasyon ni Baligod, ang Pangulo raw ang mastermind ng lahat ng ito.
02:29Ang ugat at pinuno ng pagnanakaw sa ating bayan ay walang iba kundi si President Marcos.
02:37At hindi gagalaw si Speaker Romualdez o si Zaldico na walang pahintulot kay PBBM.
02:48Bagay na pinalagaan ng palasyo.
02:50Lousy script.
02:52Hindi pang award winning.
02:55Hindi malinis.
02:57Alam mo na may kasinungalingan.
03:00Kumikilos na raw ang ilang ahensya para panagotin ang nagpapakalat ng anilay fake news.
03:07Ayon naman kay Baligod, balak nilang ihain sa Office of the Ombudsman ang affidavit
03:13at ang mga larawan ng daan-daang maleta ng pera na dumarating umano sa bahay ni Ko.
03:20Kasunod na maparatang, naghain si Senadora Amy Marcos ng resolusyon sa Senado
03:25para manawagan ng imbestigasyon.
03:28Nabanggit sa resolusyon ang ilang bahagi ng affidavit na hindi na ibinahagi ni Baligod sa press conference.
03:35Kabilang ang paghahatid daw ng mga ex-marines ng pera maging sa ilang miyembro ng House of Representatives
03:42tuwing may Quadcom hearings at ilang miyembro ng Senado.
03:46Pero hindi na binanggit sa resolusyon kung sino-sino ang mga ito.
03:51Tinukoy din dito si Congressman Edwin Guardiola na isaraw sa mga nagahatid ng pera sa bahay ni Ko sa Pasig.
04:00Binanggit din ang aligasyon ng isa sa mga ex-military personnel na isinama siya ni Ko sa paghahatid ng pera
04:07sa bahay ni Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Lisa Marcos sa Ilocos Norte.
04:13Tinanggap umano ni Presidential San at Congressman Sandro Marcos ang pera
04:17at matapos daw ang ilang oras ay dumating din ang Pangulo at First Lady.
04:23Dawit din si dating budget sekretary Amena Pangandaman na hinatiran daw ng dalawang maleta sa kondo ni Ko.
04:32Pati na si dating DPWH sekretary Manuel Bonoan na hinatiran daw nila ng walong maleta sa bahay nito sa Quezon
04:40City.
04:41Nakita rin daw nila ng abutahan umano ng paper bag si National Security Advisor Eduardo Año
04:47matapos ang isang pulong kasama si Nako, Romualdes at Congresswoman Laila de Lima.
04:54Sinabi rin sa resolusyon ang lingguhan daw na pagkuhan ng pera mula sa bahay umano ni Agriculture Sekretary Francisco Chu
05:01Laurel.
05:02Ganon din sa Bureau of Corrections Chief Gregorio Catapang na umano yung naghatid ng pera sa basement ng isang hotel
05:09sa BGC.
05:11Dito natin buksan sa Senado at suriin ang maleta ng katotohanan.
05:16Hindi maaring trial by publicity ang mangyari.
05:19Si Senet President Pro Tempore Ping Lakson sinabing dapat suriin muna ang kredibilidad ng source.
05:26Number one, as sinabi lang, 805 billion yung napunta, yung pinamahagi o napunta kay Congress Marshal Dico.
05:34Well, from 2023 to 2025, ang total amount ng flood control projects, 1.13 trillion.
05:45So kung ang napunta kay Congress Marshal Dico allegedly, 805, that's at least 70% of the total appropriations for
05:58the same period sa flood control projects.
06:01So purgos na yun na doon.
06:04Saan magagaling yung napunta kay Bernardo?
06:07Saan nang napunta kay Algantara?
06:09So sobrang competition.
06:11Sobrang competition.
06:12Kailangan ni daw alamin ang pagkakilanlan ng mga nagpakilalang dating military personnel.
06:18Sabi ng Philippine Navy, hindi kailanman naging miembro ng Philippine Marines o Navy ang apat sa mga lumutang.
06:25Dishonorably discharged daw mula sa serbisyo ang karamihan sa kanila, habang ang ilan nakapagretiro ng maayos.
06:34Ayon kay Baligod, bukod sa Office of the Ombudsman, isusumiti rin nila ang affidavit ng mga dating sundalo sa ICC.
06:42Nabanggit sa Prescon na inutusan ni Ko ang ilan sa mga dating sundalo na maging driver ng ilang ICC investigators
06:49sa bansa.
06:50Unang dumating ang mga ICC investigators sa Pilipinas noong December of 2023.
06:59At bago mag-Desember 2023, ay inutusan sila na magpapalit ng peso to dollars.
07:13Dalawang maleta na ang bawat maleta ay may nilalaman na 56 milyon pesos.
07:20Kaya nakapagpalit sila ng equivalent to 2 milyon dollars.
07:25Apat na bes din daw silang nagatid ng pera kay dating Senador Antonio Trillanes para sa gastusin ng mga taga
07:32-ICC.
07:33Sagot din daw ni Nako at Trillanes ang lahat ng pangangailangan ng mga investigators tulad ng hotel at sasakyan.
07:40Nag-ikot daw sa iba-ibang lugar ang mga taga-ICC para kausapin ang mga umano'y biktima ng extrajudicial
07:47killings ni dating pagulong Rodrigo Duterte.
07:50Pero ang mga ni-interview lang daw nila, puro witnesses na in-refer umano ni Trillanes.
07:56The ICC investigators themselves committed graft and corruption.
08:05Dahil bakit hinayaan nilang lahat ng sasakyan, lahat ng pagkain, lahat ng accommodations nila ay sinagot ng mga tao na
08:18kilala naman nila na kalaban ng kanilang iniimbestigahan.
08:23Nagkaroon pa rao ng pagpupulong ang mga ICC investigator sa bahay umano ni dating Justice Secretary Boyeng Rimulya kasama si
08:31Trillanes at dating PNP Chief Nicolás Torre.
08:35Allow me please to reserve my comments regarding that matter kasi hindi nga natin alam kung yan ay kaya nilang
08:39isubstantiate at tataasan nila ng kamay para sila ay mag-subscribe dyan.
08:43Baka mamaya at the end of the day sasabihin joke only yan eh.
08:45Si Trillanes naman, pinabulaanan na tumanggap siya ng pera para sa embisigasyon ng ICC o anumang daylan.
08:53Ang mga akusasyon daw ay para i-discredit ang ICC proceedings laban kay dating Pangulong Duterte.
09:01Magsasamparo siya ng cyber libel laban sa lahat ng anya ay nagpapakalat ng kasinungalingan.
09:06Kaugnay naman sa kung may inutusan daw siya para kontakin ang mga polis official at politiko para ma-interview ng
09:14ICC.
09:15Sabi niya, ano naman ang mali doon?
09:18Sumagot din ang ilang mambabatas na nabanggit sa akusasyon ng mga dating sundalo.
09:23I will not signify a tall story allegation.
09:27Ang nakakatawarun, baka hanapin sa akin ng kasama ko yung tipang muli.
09:31It's all BS. Unassign nga eh. Present themselves as National Marites Council.
09:35Di lulutawag sa mga ganyan.
09:37Kinwestiyon naman ni Rep. Laila Dilima at Rep. Joel Chua ang timing ng affidavit.
09:44Tila itinaundaw ang paglutang ng mga akusasyon sa confirmation of charges ni dating Pangulong Duterte
09:51at sa pag-usad ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
09:57Oscar Oida, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:07Oida, nagbabalita para sa GMA acquitavit ma pisc съ contagious ge
Comments