Skip to playerSkip to main content
Sa gitna ng trahedya ng pagkasawi ng isang batang naputukan sa Maynila, limang person of interest ang inimbitahan na ng MPD para magpaliwanag.
Patuloy naman ang crackdown sa mga ilegal na paputok gaya sa CALABARZON—na ang ilan, singtindi ng bomba ang lakas!
May report si Ian Cruz.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa gitna ng trahedya ng pagkasawi ng isang batang naputokan sa Maynila,
00:05limang person of interest kaugnay sa napulot na paputok ang inimbitahan na ng MPD para magpaliwanag.
00:11Patuloy naman ang crackdown sa mga iligal na paputok gaya sa Calabar Zone.
00:15Nang ilan, sinktindi ng bomba ang lakas.
00:18May report si Ian Cruz.
00:23Sa pagsabog ng paputok na sinindihan ng dalawang minor de edad noong December 28 sa Tondo, Maynila,
00:29isang nasawi at kritikal ang kaibigan niya.
00:32Natuntunan ng mga otoridad ang pinagmulan ng dala nilang paputok.
00:37Yan ay ang nahulikam na grupong ito ng mga lalaki.
00:40Madaling araw ng December 28, naglakad sila mula Almeda Street.
00:44Palabas sa Yoseco Street, pinahinto pa nila ang ilang motorista.
00:48Dahil ang bitbit na paputok, sinindihan nila sa mismong intersection ng Yoseco at Abad Santos.
00:55Umusok ang paputok pero hindi sumabog.
00:59Binusan ito ng tubig ng lalaking, nagsindi.
01:02Makalipas ang labing limang minuto, nagsindi sila ng isa pang paputok pero di rin tumalab.
01:09May sinasabi sila barkada nila yun, nakakula.
01:12Tagabulakan daw po yun.
01:13Yun daw po yun may dala ng paputok para magtry kung malakas.
01:18Kaso hindi naman siya pumutok.
01:22Matapos ang mahigit labing walang oras, nagpaputok sa parehong lugar ang dalawang bata pero dahil nasita, ay umalis.
01:30Tumawid sila at huminto sa bangketa.
01:33Hindi nagaanong kita sa CCTV pero sabi ng barangay 226, doon na nila napulot ang paputok na di sumabog noong madaling araw at binitbit nila patungong A. Lorenzo Street.
01:44Limang lalaking persons of interest ang inibitahan na sa MPD para magpaliwanag.
01:50Hindi natin muna i-reveal yung kanilang mga identity.
01:54Ang sa atin dito, magkakaroon tayo ng masusing pag-iimbestiga.
01:57Titignan natin kung meron silang pananagutang kriminal.
02:00Nakakalungkot na kailangan pa may magbuwis bago tayo matuto.
02:05Magbuwis ng buhay bago tayo matuto.
02:08Sana talaga kapulutan ng aral yun, yung nangyari na yun.
02:13At huwag na sanang maulit.
02:15Ang malabombang pagsabog sa disgrasya sa tundo.
02:18Fire down!
02:24Singlakas na mga kumpiskadong iligal na paputok na sinira sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna.
02:31Nilublog naman sa malalaking dram ng tubig ang iba habang dinurog at ginulungan ang mga boga.
02:38May git 4 milyong pisong halaga ng paputok ang nasamsam sa 300 operasyon ng mga polis sa Calabar Zone.
02:48Sa Carmona Cavite, may naarestong lalaking nagbebenta online ng iligal na paputok.
02:54Nahuli rin sa Calamba, Laguna, ang lalaking nagbebenta ng malalakas na iligal na paputok gaya ng dart bomb at mga paputok na sobrang laki at lamang pulbura.
03:05Ang ginagawa ng mga ibang manufacturer at seller natin na mga iligal is pinapalaki nila yung sukat nung binibenta nila at saka tinatagdagan nila ng pulbura.
03:16Kaya nga nagiging delikado ito para dun sa mga tao na bibili dahil yung sabog niya, yung lakas niya is lumalakas.
03:26Sa Barili, Cebu, arestado na rin ang lalaking nagsindi umano ng triangle at itinapon sa mga tindang paputok.
03:34Na nagresulta sa pagkasunog ng siyam na tindahan.
03:39Inihanda na ang mga reklamo laban sa kanya.
03:42Improvised paputok naman ang sinasabing mitya ng sunog itong weekend sa mahigit limampung bahay sa barangay Commonwealth, Quezon City.
03:49Kahit siyam na taon ang bawal ang paputok sa barangay.
03:54Kaya mayatmaya ang paglilibot ng mga tanod at nakasamsam sila ng mga bogang improvised o gawa mismo ng mga bata.
04:02Doon po sa mga magulang na nanonood po ngayon, pakibantayan po yung mga anak po natin.
04:08Ngayong araw, sa datos ng DOH, 140 na ang firework-related injuries sa binabantayan nilang 62 Sentinel Hospital sa buong bansa.
04:1868% na mga naputokan ay edad labinsiyang pababa.
04:23Kahit legal ang paputok, dapat ingatan para di matulad sa nangyari sa magamang bumili ng paputok sa Santa Barbara, Pangasinan.
04:32Biglang sumindi at sumabog ang paputok nila habang sakay ng motorsiklo ang dala nilang kwitis.
04:39Hinihinalang na dikit sa tambucho o sumayad at nakiski sa simento.
04:44Kaya sa Bukawi, ang mga polis may at mayang nag-iikot sa mga tindahan ng paputok at namigay ng mga pulyeto sa mga mamimili.
04:53Lalo lalo na sir yung mga tinagtatanong sila kung safe ba sir kung nasa likod ng sasakyan, nasa labong sasakyan.
05:00Ang inaano po namin sir na huwag lang po siyang mababasa, safe na safe po siya.
05:04No smoking, gano'n. Safety muna bago para iwas aksidente.
05:09Basta maayos lang po yung lagay sa sasakyan, maayos yung patas para hindi pakalog-kalog yung...
05:18Basta secure lang, hindi kumakalog yung mga paputok.
05:22Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended