00:30Ang ikalawang bahagi ng ating seryang Edsa 40 na magugustan din ng mga music lover anumang panahon, tutukan sa special
00:39report ni Oscar Oida.
00:46Sa isang pagditipon, bago ang 1986 snap elections.
00:54Saglit na humupa ang ingay nang may tumipa ng gitara.
01:00Ito ang folk rock rendition ng bayan ko.
01:03Awiting ipinagbawal itanghal sa publiko noong martial law dahil itinuring na mapangimagsik.
01:11Pero ginamit pa rin sa mga protesta laban sa mga pagmamalabis ng rehimeng Marcos Sr.
01:20I remember my uncle. Pag kinakanta ko yung bayan ko, papaalala, huwag kang kakanta ng malakas niyan. Pag may makarinig
01:28sa'yo, ikukulong ka.
01:33Lakas doob din itong inawit ng mga nakiprosisyon sa libing ni Ninoy Aquino.
01:40At inawit ng mga nag-people power revolution sa Edsa noong 1986 sa panguna ni Freddy Aguilar.
01:54Ang mga titik nito, ayon kay Dr. Raul Navarro ng UP College of Music, tungkol talaga sa pananakop ng mga
02:02dayuhan ng isinulat noong 1920s.
02:05Pero sa panahon ni Marcos Sr., sinalamin din ito ang pagsihil sa kalayaan ng diktaturya.
02:13Siguro dun sa partikulang na panahon na yun, naghahanap tayo ng makakapitan or mag-e-express nang nararamdaman natin that
02:19time.
02:20Tumugma yung mensahe ng kanta dun sa experience that time. At iba pa.
02:26February 23, 1986 naman.
02:29Habang wala ng patid ang dating ng tao sa Edsa na umapaw na hanggang White Plains,
02:35sa isang recording studio sa bandang likod ng Camp Aguinaldo.
02:39Hindi makaalis ang nooy kumpositor at ngayon yung senador na si Tito Soto.
02:45May tangkang news blackout din ang state media, pero umabot sa kanya ang mga balita.
02:52Nai-inspire ako dito. Sabi ko na andya dyan, may mga parang people power, mayroong mga tao tapos may mga
02:59sundalo.
03:00Pero ang balita ko, mayroong daw mga nag-aabot ng bulaklak, mayroong daw nagdadala ng pagkain, yung mga ganon.
03:07So, pumasok sa iisip ko yung pagkakaisa.
03:11Ang mga kwento mula sa Edsa, naisalin sa lirika madaling araw ng February 24 sa tulong ni Homer Flores at
03:20Ernie de la Peña.
03:21Marami na akong nagawang kanta, marami na akong hinta-kanta. Pero ito yung pinaka sa akin, parang pinakamalapit sa puso
03:30ko.
03:31Ito ang kantang magkaisa na ipinaawit sa baguhang 19 anyos pa lang na si Virna Lisa, imbis na mga sikat.
03:41At binaka pa ni Vic Soto at dalawang iba pa.
03:44Nag-make siya ng last decision, let's get an unknown singer. Ako yung pinili niya.
03:50When you say, you know, you talk about the song, lahat positive eh, diba? It's either emotional or positive.
03:57So, I was very careful. Tingin ko ha, I don't know, maybe it's me, mas nagkaroon pa ng integridad yung
04:04song kasi hindi ako naging pop star.
04:09Isa pang awitin ang naging tatak din ng EDSA noong 1986.
04:15Ito ang handog ng Pilipino sa mundo na nagsilbing hugot ni Jim Paredes sa mga personal niyang nasaksihan sa EDSA.
04:25It was the easiest thing I ever wrote. No hesitation, talagang flow, real flow.
04:32At inawit ng mga artista ang may kanya-kanyang hinarap na hamon noong martial law.
04:37Nung nasa studio na, nag-aagawan sila ng linya.
04:41Kasi pare-pareho nyo na-feel yun.
04:43Oo, like si Celeste, sabi niya, akin yung kaysarap pala maging Pilipino ha, akin yun ha. Atras na lahat.
04:52Gayunman sa paglipas ng panahon.
04:55Ang kalayaang kay Tagal na Minithi, pinayagan bang mabawi ng parehong mga isyong hinarap natin noon?
05:04Kapag kalipas ang apatapong taon, sa dami ng mga nagbago,
05:09ubra pa kayang musika para pagkaisayin tayong mga Pilipino?
05:14Lahat ng may kaugnayan sa ating struggle, pagkahanap ng kalayaan, katarungan,
05:20babalik at babalik yan, yung mga awit na yan, kung darating ang panahon na may ganun pa rin.
05:26Actually, hindi pa rin naman tayo nakakaalis dyan.
05:28At napaka naaangko pa rin itong mga awit na ito.
05:33If it happened before, why can it not happen again?
05:37Yung ano, yung sinisism ng tao na wala namang mangyayari,
05:40yun ang pinakakalaban natin lahat.
05:43Parang music record lang siguro, na luma ang mga plaka, tape at CD,
05:49pero kailan lang nagbabalik sila?
05:52Tulad ng musika,
05:55ang diwa ng EDSA na binigyang kulay nito,
05:59wala naman sa pecha lang,
06:01nakapost lang at naghihintay na i-play muli
06:04ng mga gustong lumaban para sa bayan.
06:10Para sa GMA Integrated News,
06:13Oscar Oida, Nakatutok, 24 Oras.
Comments