00:00Mga kapuso, tinutugis ngayon ang isang Syrian na inareklamo ng mga dating kasintahang pinay, kabilang ang isang streaming artist.
00:08Bukod sa paranakit, tinakot pa uno ang mga biktima kaugnay ng ilang video kung hindi magbibigay ng pera.
00:15Narito ang aking eksklusibong pagduto.
00:21Humigit kumulang apat na taon na naging karelasyon ng 20 anyos na nursing student na si Lily.
00:27Hindi niya tunay na pangalan ang isang 24 anyos na Syrian national na isang foreign student na kumukuha ng kursong
00:35medisina.
00:36Pero kamakailan, hiniwalayan ni Lily ang Syrian dahil nananakit na raw ito.
00:42Hinila niya po yung kamay ko tapos nahulog ako sa saig.
00:45At pag may pinagsaselosan po siya, sinasaktan niya po ako physically.
00:49Ano ginagawa niyang klase ng pananakit?
00:52Pananakal, pananampal, tapos panununtok.
00:56Ipinakita ni Lily sa GMA Integrated News ang mga tinamunyang mga latay, pasa at sugat ng pagbuhatan siya ng kamay
01:03kamakailan ng Syrian.
01:05Ayon kay Lily, lalo raw na galit ang dayuhan sa kanya nang makipaghiwalay na siya.
01:10At ang naging bantaraw nito, ipapakalat ang mga privado nilang videos.
01:15Isisend niya po sa mga pamilya ko at sa mga kaibigan.
01:18Kinalat na rin po niya sa story sa Facebook.
01:21Nakakahiya po, masakit, mahirap. Nakakapagod na po yung ginagawa niya tapos sobrang stress.
01:28Kanina, sinamahan namin si Lily sa PNP Anti-Cyber Crime Group para makapag-file ng complaint.
01:33I already instructed my teams from the Women's and Children's Unit to conduct investigations and to coordinate with the Bureau
01:43of Immigration as to the whereabouts of the suspect.
01:47Then of course, to conduct cyber patrolling.
01:50Pero sa opisina ng PNP-ACG, nagkataong may isa pang nagre-reklamo sa parehong Syrian national.
01:59Lumalabas na matapos ni Lily, nakarelasyon naman umano ng Syrian.
02:04Ang complaint na itatago namin sa pangalang Alma, hindi niya rin tunay na pangalang.
02:09Si Alma, isang artista sa isang local online streaming platform.
02:14Nag-file din ang parehong kaso si Alma laban sa inre-reklamong Syrian national.
02:19Isis-send niya po yung fake video ko sa full family and relatives kung hindi ko siya bibigyan ng kalahating
02:29milyong piso.
02:30Ang alam ni Alma, nakalabas na raw ng Pilipinas ang Syrian at nakauwi na sa kanilang bansa.
02:35Araw-araw po ako umiiyak, sumisigaw. May araw po na inuuntog ko po yung ulo ko dahil sobrang takot, sobrang
02:46hindi ko na po alam ang gagawin.
02:48Sa kali na nakalabas na raw ng bansa ang suspect at patuloy pa rin itong nagbabanta at nangingikil,
02:54ayon sa PNPACG, pwede pa rin daw kabulin ang kagaya nito at mapanagot ng batas.
03:00We will repair it to the Department of Justice for the IMLAT.
03:05So we have a legal assistance treaty with the other countries.
03:10So we will request them and of course through Interpol.
03:12Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil, Nakatutok 24 Horas.
Comments