Sinimulan nang tukuyin kung may malakas na ebidensya para magpatuloy sa paglilitis laban kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-arangkada ng una sa 4 na araw ng confirmation of charges hearing sa mga hinaharap niyang kaso sa International Criminal Court (ICC).
Pinayagang 'di dumalo si Duterte.
Pero naroon ang kanyang abugado nang basahin ng Pre-Trial Chamber I ang akusasyon laban sa kaniya na crimes against humanity of murder and attempted murder.
Sa opening statement, isa sa mga tinukoy ng Prosecutor ang mga pahayag ni Duterte noong kampanya para sa pagkapangulo na kapag nahalal siyang pangulo, uutusan daw niya ang military at ang pulisya na paghahanapin niya ang mga drug lords at ipapapatay sila.
Para naman sa depensa, sinisi ng abugado ni Duterte na si Nicholas Kaufman ang media sa Pilipinas kung bakit daw napag-initan ng civil society ang dating pangulo.
Habang isinasagawa ang pagdinig, parehong nagtipon sa The Hague, Netherlands ang mga taga suporta ni Duterte at mga nananawagan na papanagutin siya.
Dito naman sa Pilipinas, sama-sama ring tinutukan ng mga kaanak ng mga biktima umano ng EJK ang confirmation of charges hearing kabilang ang tiyuhin ni Kian Delos Santos.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Comments