00:00Tiniyak ng Department of Education ang pagpapabilis pa ng pagpapatayo ng pampublikong silid-aralan sa bansa.
00:07Ayon naman kay Sen. Bam Aquino, mahalaga ang Whole of Government Approach para maisakatuparan nito.
00:13Si Danny Isosorio sa Sentro ng Palita.
00:18Whole of Government Approach.
00:20Ito ang iginit ni Sen. Bam Aquino para sa agarang pagsisimula ng mga inisyatibo sa pagpapatayo at renovasyon ng mga silid-aralan sa buong bansa.
00:30Sabayang pagkilos ang kinakailangan mula sa National Government, pamahalaang lokal at pribadong sektor.
00:38Practically lahat na nasa cap bill, nasa 2026 GAA na po siya bilang mga special provisions.
00:44So even right now, kahit di pa po pasada yung cap bill, yung provision na pwede rin po bumili ng built right ang mga LGU, nalagay rin po yan sa special provision.
00:57Sa idinaos ng Mayor's Dialogue on Accelerating Classroom Building in Cities and Municipalities,
01:02Kinilala nito ang malaking kakulangan sa classrooms na nasa halos 166,000 noong 2025 at maaaring lumobo pa sa 230,000 pagsapit ng 2028 kung hindi bibilisan ang pagtatayo.
01:19Iginit din na ang paglaan ng 66 billion pesos na budget ay para sa pagpapatayo ng humigit kumulang na 25,000 hanggang 30,000 classrooms,
01:29na isa sa pinakamalaking pondo para sa classroom construction sa kasaysayan.
01:35Ayon naman sa Department of Education, binigyang di ni Secretary Sonny Angara na may validated list na ng mga school sites at shortages
01:43na maaari ng simulan ng mga LGU kasabay ng pagpapaigting ng ma-standard sa disenyo at kalidad ng mga paaralan,
01:52tulad ng sukat at tibay nito sa anumang kalamidad.
01:55Paliwanag ni Angara, mayroong nang itinakdang deadline para sa unang batch ng mga Memorandum of Agreement ng National at Local Government Partnerships.
02:05Remember po may Feb 4 deadline, but yung Feb 4 deadline is only to make it to the first batch of signatory sa MOA.
02:14Yun ang usapan po namin nila Senbam at saka nila President Francis.
02:20Pero kagandahan mo nito, we will work with you in selecting.
02:23Kasama rin sa mga kinokonsidera ang paggamit ng PPP para sa mas malaking silid-aralan,
02:30lalo na sa mga lugar na kapos sa lupa na nangangailangan ng 4 to 6-story buildings.
02:35Para naman sa mga lugar na nasa lanta ng bagyo o lindol,
02:39mayroon na rin mas mabilis na solusyon gaya ng collapsible classrooms na maaaring itayo sa loob ng ilang araw.
02:46Dagdag pa ng DepEd, importante ang tuloy-tuloy na daloy ng pondo kahit sa mga susunod na mga taon
02:53para mahabol ang kakulangan sa mga silid-aralan at maibsan ang problema sa mga nagsisiksikang mga estudyante.
03:02Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
03:06Pilipinas
Comments