00:00Naitala ng Philippine Statistics Authority ang mabilis na pagdami ng senior citizens sa bansa.
00:06Isang sinyales na papalapit na ang Pilipinas sa aging society.
00:10Yan ang ulat ni Denise Osorio.
00:14Karaniwan na sa pamilyang Pilipino na mayroong mga lolo o lola na kasama sa bahay na may maintenance medicine
00:20pero tuloy pa rin sa pagtatrabaho o may kapamilyang pumapasan ng pag-aalaga.
00:25Kaya naman ramdam ng ating mga kababayan ang pressure sa budget dahil sa gamot, check-up, pamasahe papuntang health center at pang-araw-araw na gastusin.
00:35Sa isinagawang consultation on population aging ng Commission on Population and Development,
00:40sinabi ng Philippine Statistics Authority na papalapit na ang Pilipinas sa aging society kasabay ng mas mabilis na pagdami ng senior citizens.
00:48Our number and percentage of seniors in particular, as I reported, yung 60 and above has been increasing.
00:57So ang ating estimate ng 2025 sa population natin ay mga siguro mga 113.5, 113.7 million.
01:07Ang ating seniors dyan ay mga nasa 11 million, about 9.6% of our total population.
01:14So by definition, papasok na tayo dun sa parang masasabi natin na aging population in mga couple of years.
01:21Dagdag pa ni National Statistician Claire Dennis Mapa, habang dumarami ang seniors,
01:26mas tumitindi ang pangangailangan sa health support at social protection,
01:30lalo na para sa mga nakatatanda na hindi na kasing lakas maghanap buhay,
01:34o di kaya ay patuloy pang kumakayod kahit may iniindang karamdaman.
01:38Tinitingnan din kung paano mas magiging handa ang mga komunidad dahil iba-iba ang sitwasyon sa bawat lugar ng Pilipinas.
01:46Binigyang din naman ng UNSCAP na hindi ito simpleng problemang agad masosolusyonan
01:52dahil mas mahalaga ang pagbuo ng environment na sumusuporta sa kababaihan.
01:57Mabigat ang care burden.
01:59Mahirap pagsabayin ang pagiging caregiver, pagiging empleyado at pagbuo ng pamilya.
02:05Ayon kay UNSCAP Social Development Division Chief Sabine Henning,
02:09mas maayos na care services, flexible work arrangements at gender responsive policies
02:14ang kailangan para hindi mapilitan ang kababaihan na mamili sa pagitan ng trabaho, caregiving at pagkakaroon ng anak.
02:23Kasabay nito, panawagan din ng UNSCAP na huwag ituring na pabigat ang mga nakatatanda
02:28dahil marami pa rin ang aktibo, may karanasan at may ambag sa loob ng bahay at sa lipunan
02:35kung ito ay mabibigyan ng tamang suporta at proteksyon.
02:38From our perspective, population aging is a challenge but it is also an opportunity.
02:44An opportunity is because we can learn from each other.
02:47We should regard older persons as active contributors to society.
02:51They are the caregivers. They are still working in the labor force.
02:55They have a lot of experience.
02:57So we should build on that and bring them into society.
03:01We should not leave them alone.
03:02Binigyang diin rin ng UNSCAP na ang pagtanda ay hindi lamang ang pagkakaroon ng mahabang buhay
03:08kundi ang pagkakaroon ng malusog at mas maayos na pamumuhay na may access sa primary care
03:14sa araw-araw kung kinakailangan.
03:16Lama seniors na mag-isa o walang regular na caregiver.
03:20Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments