Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mag-iisang taon matapos dakpin sa Pilipinas at dalhin sa the Netherlands.
00:05At humarap sa unang pagkakataon sa mga hukom ng pre-trial chamber ng International Criminal Court.
00:18Bukas, magsisimula ang hearing ng confirmation of charges laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:24Naharap siya sa tatlong counts ng crimes against humanity for murder at attempted murder
00:30konsod ng madubo kampanya kontra droga mula noong mayor pa siya ng Davao City hanggang naging Pangulo ng Pilipinas.
00:37Sa February 23, 24, 26 at 27, itinakda ang confirmation of charges hearing.
00:44Ayon sa ICC, hindi ito paglilitis.
00:47Magde-desisyon ng pre-trial judges kung may sapat bang ebidensya para isakdal ang dating Pangulo.
00:53Naunang pinagbigyan ng ICC pre-trial chamber 1 ang petisyon ni Duterte na siya'y lumiban o hindi humarap sa
01:00pagdinig.
01:01Pinahintulutan naman ang chamber ang paglahok sa pagdinig ng mahigit limanda ang biktima.
01:06Dadalo rin sa pagdinig ang prosecutor, defense team ng dating Pangulo at legal representatives na sina Atty. Joel Butuyan
01:13at Atty. Gilbert Andres na ibinigay ng ICC para sa mga biktima.
01:17Habang tatayong case manager ng mga biktima, si Nicolene Arcana.
01:21Pero umapila sa desisyon ng ICC and Defense Council ng dating Pangulo na si Nicholas Kaufman.
01:27Hiniling niya ang pagdisqualify sa mga abugado at case manager ng mga biktima
01:31dahil umano sa conflict of interest na posible raw makaapekto sa pagsasakdal.
01:37Pagkatapos ng pagdinig ngayong linggo, may 60 araw ang pre-trial judges para pag-aralan ang mga ebidensya at magbigay
01:44ng desisyon.
01:45Kung mapapatunayang matimbang ang mga ebidensya, iaakyat ang kaso sa trial chamber na siyang mamamahala sa mga susunod na hakbang
01:52sa paglilitis.
01:54Pero kung magpas siya pre-trial chamber na hindi sapat ang mahahawak na ebidensya,
01:59hindi pa malinaw kung agad palalayain ang dating Pangulo.
02:02Ang malinaw, ititigil muna ang ICC proceedings at maglalabas ng mga susunod na hakbang ang chamber.
02:09Posible silang humiling ng iba pang ebidensya, magsagawa ng karagdagang investigasyon
02:14o baguhin ang sakdal kung lumabas na sa ibang krimen mas akma ang mga ebidensya.
Comments

Recommended