24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Domoble rao ang bilang ng mga Pinoy na marunong magbasa, magsulat at magcompute, pero hindi rao alam kung paano ito gamitin sa araw-araw.
00:11Ang tugon dyan ng Department of Education sa Pagtutok ni Ma'am Gonzales.
00:17Kahit nasa banketa at sinatsaga ni Mary Grace na araw-araw turu ang magsulat at magbasa, ang apat na taong gulang na anak na si Chin Chin.
00:25Tinuturo ako naman po siya, magbasa, magsulat, magbilang. Meron po siya, may sarili po siyang notebook, libro, ganun.
00:34Tapos binibilang ko naman po siya dyan ng mga yung pangbata na sulat.
00:39Kanina, pinag-aaralan nila ang isang librong nakuha ng mister niya sa pangangalakal.
00:44Mas naiintindihan daw ito ni Chin Chin dahil may mga larawan at nalilibang siya sa pagkukulay nito.
00:50Umaasa siyang makakatulong ang pagtuturo niya habang hindi pa nagsisimulang mag-eskwela si Chin Chin.
00:56Para po makaano po siya sa pag-aaral, habang bata pa po, ma-expose na po yung utak niya sa pag-aaral.
01:02Mahalaga ang maagang pagtutok sa pagkatuto ng mga bata, lalot ayon sa 2nd Congressional Commission on Education o EDCOM 2,
01:09sa nagdaang tatlong dekada, dumoble ang mga Pilipinong functionally illiterate.
01:14Sila yung marunong magbasa, magsulat at magcompute ng basic math, pero kulang ang pangunawa para magamit ang mga ito sa araw-araw.
01:23Naalarma ang EDCOM 2 na nitong 2024, umabot sa 24.8 milyon ang functionally illiterate sa bansa.
01:30Isa sa mga nakita nilang dahilan, ang pagkakaroon ng mahigit 260 inter-agency bodies ng DepEd,
01:37kaya hindi nakakatoon ang kagawaran sa mandato nilang edukasyon.
01:41Base sa pag-aaral ng EDCOM 2, nadagdagan din ang trabaho ng DepEd dahil sa mahigit 150 na bagong batas at executive issuances.
01:50Apektado rin daw ang kalidad ng pagtuturo ng mga guro dahil nadagdagan sila ng trabaho,
01:55gaya ng pagmamando sa mga kantin at school-based feeding program at pag-coordinate sa 4Ps.
02:02Tugo naman ng DepEd, sinistreamline na nila o tinatapyasan ang kanilang inter-agency engagements sa ilalim ng education cluster para mas makatutok sa edukasyon.
02:12Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.
02:17Touchdown Thailand na ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2025 na si Atisa Manalo.
02:28Bago bumiyahe, may pasample si Atisa sa kanyang pasarela.
02:31Silipin niyan sa chika ni Aubrey Carampel.
02:37All smiles and glamped up in a white modern Filipiniana si Miss Universe Philippines 2025 Atisa Manalo.
02:43Mainit siyang sinalubong ng fans sa send-off para sa pagsabak niya sa Miss Universe 2025 na ang coronation night sa Thailand ay sa November 21.
02:54It's heartwarming to see everyone wake up so early to be here.
03:07I really appreciate it. This is like the greatest push I can get before I leave and compete.
03:13Nag-sample pa siya ng pasarela.
03:21Kasamang naghatid kay Atisa ang kanyang ina at kapatid at ang Miss Universe Philippines team,
03:26kabilang si MUPH National Director at Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida.
03:33You really have to believe in yourself.
03:35And ang sinabi ko rin is, laban lang ng laban, walang mapapagod.
03:40Simula pa lang magpasabog ka na hanggang dulo.
03:43Nasa sampung maleta ang daladala niya.
03:46Bawat outfit talagang pinag-isipan daw nila ng kanyang team.
03:50Mula sa daily events, national costume at evening gown.
03:54With the preparations and everything, I made sure that I'm physically fit to be here.
03:58I made sure that everything, there are no stones left unturned.
04:03Aubrey Carampel, updated showbiz happenings.
04:08Pilit nagpapakatatag ang pamilya Atienza sa pagpano ng social media personality na si Eman.
04:14Sa kanyang burol, nagpaunlak ng panayam ang haligin ng kanilang tahanan na si Kuya Kim
04:19at ibinahagi ang paborito niyang alaala sa kanyang bunso.
04:23Nakatutok si Vicky Morales.
04:27Nagsama-sama sa Heritage Park sa Taguig,
04:30ang pamilya ng pumanaw na social media influencer na si Eman Atienza.
04:36Privado muna ang burol para sa pamilya at malalapit na kaibigan nila.
04:41Naroon ang kanyang amang si Kuya Kim Atienza,
04:44inang si Feli, mga kapatid na Jose at Eliana,
04:48at ang kanyang lolo na si dating Manila Mayor Lito Atienza.
04:51Nagpaunlak ng panayam sa atin si Kuya Kim,
04:55na pilit nagpapakatatag sa gitna ng kanyang pagdadalamhati.
04:59How did that conversation go when you received the call?
05:03Pag-isig ko ng umaga,
05:06chile ka ang telepon ako.
05:08Ang sabi ni Feli,
05:09Kim, I have terrible, terrible news.
05:13The first thing I did na paluhod,
05:14naglumuhod muna ako,
05:15sabi ko, Lord,
05:17sana hindi to tunay,
05:19sana,
05:19sana,
05:21nag-attempt,
05:23sana nasuspital.
05:26So, I called Feli.
05:28And then Feli said,
05:29Eman is gone.
05:31Nalambot ako talaga noon.
05:33Ito na yung kinakatakutan ko.
05:35Kung merong isang bagay akong kinakatakutan sa buong buhay ko,
05:38na mangyari,
05:39ito yun.
05:43Nangyari na nga.
05:44Naalala ko yung Jimmy Ball.
05:46Doon tayo nag-red carpet.
05:47At siya yung date mo.
05:49At siya yung date ko.
05:49And I remember Eman,
05:51she was so beautiful that night in her black dress.
05:54And I was so proud of her
05:55because she was so beautiful.
05:57And debut niya yun eh.
05:59Sabi pa niya,
05:59and this is my very first red carpet in my life.
06:02And that night was just so beautiful.
06:04Nakausap ko rin ang ate ni Eman na si Eliana.
06:08Dalawang taon lang ang pagitan nila.
06:10It's nice to be reminded of the kind of person that she was.
06:14I don't know what to wear anymore.
06:17Makikita rin dumalo ang ilang sikat na personalidad
06:21na malapit sa pamilya at yenza.
06:24Abangan ang aking buong panayam sa 24 oras.
06:27Ang amin pong lubos na pagkikiramay sa pamilya ni Kuya Kim.
06:35Dasal po namin ang kapayapaan ng kalua ni Emanuel Atienza.
Be the first to comment