00:00Huwag matakot magsumbong. Yan pong apela ng Office of the Ombudsman sa publiko sakaling may makitang mali sa mga proyekto
00:07ng gobyerno.
00:08At kasabay po nito ay nilunsa ng isang website na layong bantayan ang iba't-ibang mga infrastructure project.
00:14Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:19Kita na ang malalaking bitak sa flood mitigation structure na ito sa barangay Mohon sa Arevalo Iloilo City na January
00:272025 pa lang sinimulang itayo.
00:30Sabi ni Barangay Chairman Rico Francis Acap, mga residente na raw mismo ang nagtali sa mga nagkabitak na bahagi para
00:37hindi lumaki ang sira at para ipamuka sa DPWH ang kapalpakan sa proyekto.
00:44Sinubukan ng GMA Regional TV na hingan ng komento ang DPWH Iloilo City District Engineering Office at ang kontraktor ng
00:51proyekto na St. Gerard Corporation pero wala pa silang tugon.
00:55Sa mga ganitong insidente, payo mismo ng Office of the Ombudsman sa publiko, huwag matakot magsumbong.
01:02Tutulungan po namin kayo kung sino man po ang nagreklamo na mangalap ng ebidensya para suportahan at eventually to file
01:12it before preliminary investigation and administrative adjudication.
01:17Huwag po kayong matakot magreklamo.
01:18Tiyempo, sa ika-apat na pong anibersaryo na EDSA People Power Revolution, ang paglulunsad ng Bisto proyekto na humihikayat sa
01:27publiko na isumbong ang mga makikita nilang mali sa mga proyekto ng gobyerno.
01:32Sa pamamagitan ng Bisto proyekto, kahit sino maaaring magreklamo ng mga napapansing irregularidad, kaugnay ng mga flood control projects ng
01:41DPWH sa buong bansa, kailangan lang magtungo sa Bisto.ph na website.
01:47In-engage ka po natin ang tulong ng civil society upang sa ganun po matiyak natin na kada pisong ibinabayad
01:55ng tao galing sa buwis nila inapupunta sa tamang proyekto.
01:58Yung suporta ng publiko ang bubuhay doon sa karapatang mag-inspeksyon, doon sa right to inspect. Kasi kung hindi nila
02:05gagamitin yun, eh di siyempre wala rin pupuntahan.
02:09Hiling lang ng ilang sektor, huwag sana nangingaskugon ang proyekto.
02:14Ang hope ko sa prosesong to ay hindi sana siya leadership driven. Kapag nagpalit na ng mga leaders sa ahensya,
02:21mawawala na.
02:22Once the results are determined and discovered, we hope that the government agencies will respond.
02:29If there are both government officials and contractors who are found to have committed crimes, I think they should be
02:37prosecuted.
02:39Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Oras.
Comments