- 9 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Panibagong insidente na naman ng pagkakasagasa sa bata.
00:04Huli kam sa Maynila ang pagsagasa ng isang SUV sa isang batang 6 na taong gulang.
00:10Sabi ng nakabangang driver na na-arresto ng mga polis, hindi raw niya tinakbuhan ang biktima.
00:15Balita ng atin di Jomera Presto.
00:20Okay lang daw po sa kanila makulong, kasi 60 kay lang naman daw po yung biyans.
00:25Wala naman po yung ustisya ng anak ko.
00:30Labis ang galit at sakit na nararamdaman ng 25 taong gulang na si Sfika.
00:36Matapos mabiktima ng hit and run ng anak niyang si Jasmira na 6 na taong gulang sa Baseco, Maynila,
00:41hating gabi ng October 30.
00:43Sa kuha ng CCTV, may kita ang biktima na naglalaro sa gilid ng kalsada sa 2nd Street.
00:48Maya-maya, isang kulay itim na SUV ang biglang kumanan at nagulungan ang biktima.
00:53Sa isa pangangulo ng CCTV, kita na bahagyang pumreno ang SUV.
00:57Pero dumiretsyo rin at hindi hinintuan ang nakahandusay na si Jasmira.
01:01Ayon sa nanay ng biktima, kasama niyang nagtitinda ng maniyang anak.
01:05Nagutom daw ang bata, kaya sandali siyang umalis para bumili ng pagkain sa kanto.
01:09Pero pagbalik niya, nakahandusay na ang anak sa kalsada.
01:13Naisugod pa sa ospital ng kanyang lola si Jasmira, pero hindi na siya umabot ng buhay.
01:17Kaysa isang anak lang po namin yun, hindi na po mababalik yun siray.
01:23Kahit sabihin mo na magbabayad sila, aminado po siyang nasagasaan niya yung anak po.
01:29Ang masaklap nun, nabunggo niya na ng isang gulong.
01:33Sinundan niya pa po ng isang gulong.
01:36Ang nakabundol na SUV, naharang na mga tauhan ng Manila Police District habang palabas ng baseko.
01:41Isang concerned citizens na nagmamaneo ng motorcycle, ang humabol sa sasakyan.
01:46Saga baseko, ito pong suspect.
01:49At ang informasyon po natin, ito po ay dating presidente ng TODA, dun mismo, sa baseko din po.
01:57Negative po sa alcohol intoxication ng driver na suspect natin.
02:01Lalo raw hindi matanggap ng pamilya ng biktima ang nangyari nang makausap nila ang kampo ng suspect.
02:06Hindi na po sila natatakot makulong kasi 60 kaya lang daw po yung miyasa.
02:12Bilang magulang, masakit po yun eh.
02:15Itinanggi naman ito ng 41 taong gulang na driver ng SUV.
02:19Aliyah, hindi niya napansin ang bata at hindi rin daw niya ito tinakbuhan.
02:23May hans dun at lubak-lubak yung karsada na yun.
02:28Ang nasa isip ko nun, hans.
02:30Hindi po ako mayaman.
02:33Paano ako gagalaw sa lahat ng bagay?
02:35Eh, nandito pa po ako sa kulungan.
02:37Nainquest na ang driver ng SUV na naharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide,
02:42na ilibing ng Labini Hasmira sa Norzagaray, Bulacan.
02:46Jomer Apresto, nagbabalita para sa GMA News.
02:55Mga kapuso, kahit amihan season, siyam na lugar po sa bansa,
02:59ang makararanas ng matinding init at alinsangan ngayong Merkules.
03:03Ayon sa pag-asa, posibleng umabot sa danger level na 43 degrees Celsius
03:07ang heat index ngayong Merkules sa Dumangas, Iloilo,
03:1142 degrees Celsius naman sa Coron, Palawan,
03:13San Jose Occidental, Mindoro, Cuyo, Palawan, Iloilo City,
03:17La Carlota, Negros Occidental, Borongan Eastern Samar, Hinatuan,
03:23Surigao del Sur at Butuan, Agusan del Norte.
03:26Extreme caution level na 39 degrees Celsius
03:29ang posibleng pinakamataas na heat index dito sa Metro Manila.
03:33Sa kabila po ng mainit na panahon,
03:35may chance pa rin ng local thunderstorms sa malaking bahagi ng bansa,
03:39kasama ang NCR ayon sa pag-asa.
03:42Ang ing-amihan ang magdadala ng mahihinang ulan sa Northern Luzon
03:46habang easterly sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon at Visayas.
03:51Mas makakaasa sa maayos na panahon ang Mindanao.
03:55Nakataas po ang thunderstorm advisory hanggang alas 12 ngayong tanghali
03:59sa Zamboanga City at sa ilang panig ng Zamboanga, Cebugay,
04:02Zamboanga del Sur, Lanao Provinces, Agusan del Sur, Davao Oriental, Sulu at Tawi-Tawi.
04:10Easy na ilalim naman sa thunderstorm watch ang Metro Manila,
04:13Bulacan, Rizal, Laguna, Cavite, Occidental Mindoro, Palawan,
04:19Halos Bong Visayas, Northern Mindanao at Davao Region.
04:25Nag-inspeksyon ang Department of Transportation sa LRT2 kaninang umaga.
04:29Kabilang sa mga tinignan ng mga scanner at smart security gate,
04:33ticketing booth at pila ng mga pasahero.
04:35Target na alamin ang sitwasyon ng mga bumibiyahe sa LRT2
04:39at i-update ang passenger capacity nito.
04:41Ayon sa LRTA, 10 tren ang kanilang dinideploy kada araw.
04:46Tumatagal naman ang paghihintay ng mga pasahero
04:48kung nagkakaroon ng aberiya ang ilan sa mga tren.
04:51Bilang tugon sa dagsa ng mga pasahero tuwing rush hour,
04:54sinimulan ng DOTR ngayong araw ang trial run
04:57para sa 20 dagdag na bus na bumibiyahe sa ruta ng LRT2.
05:07Nasa Wi ang dalawang rider matapos magsalpukan
05:11ang kanilang mga motosiklo sa Ordeneta Pangasinan.
05:15Sabi ng angkas ng isa sa mga motosiklo sa kanyang pahiyag sa pulis siya,
05:19bigla na lamang daw sinakop ng isa sa mga motosiklo
05:22ang kanilang linya kaya sila nagbanggaan.
05:25Patuloy na nagpapagaling sa ospital
05:27ang sugatang angkas ng isa sa mga motosiklo.
05:30Sinisikap makuhana ng pahiyag ang kaanak ng mga biktima.
05:38Sa Marawi, Lano del Sur, patay sa pamamarilang isang negosyante.
05:42Ayon sa kundin siya, nauwi sa mainit na pagtatalo
05:44ang pagkikita ng biktima at ng suspect sa barangay Gadongan.
05:48Pinalikan ng biktima at kanyang mga kasama ang suspect
05:50at doon na nagkainkwentro.
05:53Dalawa ang arestado sa insidente.
05:56Dati na raw may alitan sa lupa ang biktima at ang isa sa mga suspect.
06:00Patuloy ang investigasyon.
06:04Good news naman sa mga empleyado po sa Western Visayas
06:08at Soxargen Regions.
06:10Aprobado na ang dagdag sahod po dyan.
06:13Sa Western Visayas o Region 6,
06:15mula P550,
06:16magiging P590 ang sahod sa pribadong sektor
06:20sa non-agriculture, industrial at commercial
06:23na may mahigit sampung manggagawa.
06:25Basi po yan sa inaprubahang umento ng National Wages and Productivity Commission
06:30sa mga manggagawa ng pribadong sektor.
06:33Mula sa P525 naman,
06:36magiging P565 ang arawang sahod sa may sampung manggagawa pababa.
06:42P565 din ang magiging sahod sa mga nasa agrikultura
06:46mula sa dating P520.
06:48Para sa mga kasambahay, P500 ang madadagdag
06:52kaya magiging P7,000 ang kaninang buwan ng sahod
06:56mula sa dating P6,500.
06:59Epektibo ang taas sahod
07:01pagkatapos ng labing limang araw mula sa publication nito.
07:05Sa Soxargen o Region 12,
07:07may P41 na dagdag sahod naman para sa mga manggagawa at kasambahay.
07:12Ipatutupad po ito sa dalawang tranche.
07:14P16 sa unang tranche na magiging epektibo
07:18labing limang araw matapos ang publication nito.
07:21Ang ikalawang tranche naman ito na dagdag na P25
07:24ipatutupad sa January 2027.
07:28Mula P460, magiging P501
07:31ang daily minimum wage
07:33sa non-agriculture at retail and service sectors.
07:37Sa agriculture sector,
07:39mula P443, magiging P484 na po yan.
07:43Sa mga kasambahay naman,
07:45P450 ang madadagdag,
07:48kaya magiging P6,450 ang kanilang buwan ng sahod.
07:55Dead on the spot,
07:56ang security guard ng isang convenience store sa Morong Rizal
07:59matapos barilin ng isa sa mga holdupper na sinubukan niyang pigilan.
08:04Balitang hatid ni EJ Gomez.
08:09Isang lalaking nakaputing long sleeves at sumbrero
08:13ang lumapit sa kahera ng convenience store na ito
08:15sa barangay Maybankal, Morong Rizal,
08:18pasado alas 4 ng madaling araw nitong martes.
08:21Ang lalaking tila customer,
08:23biglang bumunot ng baril
08:25at nagdeklara ng hold-up.
08:27Inagaw ng lalaki ang ecobag na hawak ng kahera,
08:30binuksan ang kabinet at kumuha ng ilang gamit
08:33at inalagay sa bag.
08:35Dinampot din niya ang pera na nasa kaha.
08:38Ang kasama niyang lookout,
08:40naghintay sa pintuan ng tindahan.
08:42Rumisponde ang isang security guard ng convenience store,
08:46pero itinulak siya ng sospek na nakaputing long sleeve
08:49at tinutukan ang baril sa likod.
08:52Nagpambuno sila
08:53hanggang sa malapitang pinaputokan ng sospek sa ulo
08:57ang security guard.
08:59Dugo ang humandusay sa sahig ang biktima.
09:01Sa investigasyon ng morong polis,
09:04nasa staff room ang 29-anyos na security guard
09:07nang pumasok ang mga salarin sa convenience store.
09:10Na-monitor daw niya sa kanilang CCTV system
09:13ang pang-hold-up kaya dali-dali siyang lumabas.
09:16So bilang guardya, ginawa rin niya yung rule niya
09:20as security guard sa bilisment na yun.
09:23So nung nakita niya, lumabas siya para i-approach yung mga sospek.
09:29So ang sabi ng sospek,
09:31huwag ka nang mag-react, babarilin kita.
09:34So yun na, lumapit pa rin siya.
09:38Nag-attempt siya na buburat ng baril niya,
09:40kaso hinawakan na siya, ma'am,
09:42yung sospek sa likod.
09:44So yun, binira na siya sa ulo.
09:49Dead on the spot ang biktimang security guard
09:52na dalawang buwan pa lang daw sa kanyang trabaho.
09:54Kapalit ng kanyang buhay,
09:56ang tinangay ng mga sospek
09:58na 10,000 pisong cash ayon sa pulisya.
10:02Sa follow-up operation,
10:04natukoy ng pulisya
10:05ang pagkakakilala ng isa sa mga nanghold-up
10:08sa tulong ng saksi.
10:10Dala-dala din namin yung mga previous
10:13may mga kaso galing sa hero gallery natin.
10:18So pinakita namin yung mukha ng mga...
10:21Ang sabi niya, sir, yan talaga ang bumira.
10:25Nakita si CCTV ang magtakas nila
10:27sakay ng motociclo.
10:30Papuntang Teresa direction.
10:33Kabilang sa mga naulilan ng security guard,
10:35ang limang buwang gulang niyang anak.
10:37Ah, siyempre po, masakit po sa amin.
10:41Lalo pa, ano, maliit pa masyado yung anak niya.
10:45Nagtatrabaho ng marangal,
10:47tapos ganun pa yung nangyari.
10:49Sana,
10:50nakonsensya sila
10:51at makamit namin yung agarang hostisya
10:55kasi buhay yung kinuha nila dito eh.
11:01Patuloy ang backtracking ng polisya
11:03para matuntun at maaresto
11:05ang mga holduper na maharap
11:07sa reklamong homicide.
11:09Sinusubukan pa ng GMA News
11:11na kunan ang pahayag
11:12ang pamunuan ng convenience store.
11:14EJ Gomez,
11:16nagbabalita para sa GMA News.
11:24Wednesday Latest,
11:26getting ready na
11:26si global fashion icon Heart Evangelista
11:29para sa upcoming reunion movie nila
11:31ni John Pratt.
11:33Expect the Unexpected.
11:36Chika ni Heart,
11:37marami siyang gagawin sa movie na
11:39hindi pa niya nagagawa before.
11:41Challenging man,
11:42full of excitement
11:43at tilig pa rin ang kapuso actress sa project.
11:46Sa February 2027,
11:48ang release ng movie nila ni John.
11:50Chika ni Heart,
11:51approved sa wifey ni John
11:53na si Isabel Olly
11:54ang Joe Heart Love Team.
11:58Hindi alam ng tao,
12:00bata ka pa eh,
12:01mag-aibigan na kami.
12:02And I'm just so happy that,
12:05you know,
12:05parang I get to spend time with them,
12:08with their kids,
12:09with everybody.
12:10And it's just such a wonderful environment
12:12to work in.
12:13So, nakakatawa.
12:16Ito na ang mabibilis na balita.
12:20Nailigtas na mautoridad
12:21ang pitong estudyante
12:22na natrap sa pumalyang elevator
12:23sa isang universidad sa Batangas.
12:25Sa investigasyon ng Bureau of Fire Protection,
12:27sumakaya mga estudyante
12:29sa pag-aakalang
12:29maaari ng gamitin ng elevator
12:31na noin nasa commissioning at testing.
12:34May kitatlong oras tumagal
12:35ang pag-rescue sa mga estudyante.
12:38Maayos na ang kalagayan nila ngayon.
12:39Wala pang opisyal na pahayag
12:41ang universidad sa nasabing insidente.
12:46Maagang pumila
12:47ang mga bumili ng 20 pesos na bigas
12:49sa tanggapan ng Bureau of Plant Industries
12:50sa San Andresa, Maynila,
12:52kanilang umaga.
12:53Bawat isang pipila
12:54ay pwedeng pumili ng 10 kilong bigas
12:56kada araw at 30 naman kada buwan.
12:59Walang aberya sa pila
13:00dahil nakapagpabukna
13:01sa pamamagitan ng QR system
13:03ang mga binipisyaryo.
13:04Ang mga nag-walk-in naman,
13:06tinutulungan ng mga koordinator
13:07para makapag-book online
13:09para sa mga susunod na araw.
13:11Inaalalahan na ng mga nagpupuntaroon
13:13na magdala rin ang valid ID
13:14para makapagpabuk.