Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Haharap bukas ang Office of the President sa Budget Hearing sa Kamara.
00:05Sa agit na ito ng tila banggaan ng Ehekutibo at Lehislatura,
00:09ng palagaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang anyay tangka ng ilang mambabatas
00:13na isisi sa Ehekutibo ang sarili umano nitong katiwalian.
00:18Nakatutok si Dano Tingkungko.
00:22Sa isang pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ipinost ng Presidential Communications Office,
00:28mariin anyang tinututulan ng Gabinete ang mga anyay spin mula sa ilang niyembro ng House of Representatives
00:35na nagtangkang ibaling ang sisi sa Ehekutibo sa mga katiwalian at kapalpakan ng Lehislatura.
00:42Hindi raw nila kinukonsente ang anumang pag-atake sa integridad at reputasyon ng Ehekutibo
00:47at paggamit ng anyay political theatrics para i-hostage ang budget process.
00:52Sabi pa ni Bersamin walaan niyang silbi ang anumang investigasyon
00:56kung hindi bubusisiin ang mga anyay ugat ng katiwalian.
01:00Kaya hamon niya sa kamera, clean your house first.
01:03Ipinaliwanag ni Bersamin ang kanyang pahayag.
01:06It's as clear, as direct as that.
01:08It's not a mere innumendo.
01:10It's just a clear message that there is much to be done by them
01:15before they point a finger at the other branch.
01:18Hindi raw siya galit, pero malian niya ang pananaw na ibalik sa kanila
01:23ang panukalang budget, lalot labas ito sa prosesong inaatang ng saligang batas.
01:40Wala rin daw sa hinuha ng Pangulo ang anumang posibilidad ng re-enacted budget para sa 2026.
01:46Walang tinukoy si Bersamin na partikular na miyembro ng Kamara.
01:50Pero bago nito, sinabi ni Deputy Speaker Rep. Ronaldo Puno
01:54na nag-decision shot ilang party leader na irekomendang ibalik ang 2026 national budget sa DBM.
02:01Sinisika pa namin makuha ang pahayag ng party leaders kaugnay sa sinabi ni Bersamin.
02:06Bilang tugon sa pahayag ni Bersamin, sinabi ni Sen. Juan Miguel Subiri
02:10na sa ngalan ng transparency, mainam na ilabas sa publiko
02:14ang mga proponent ng mga insertion sa budget sa bicameral conference.
02:18Transparency din ang isinusulong ni Sen. Panfilo Lacson
02:22at Sen. Minority Leader Tito Soto.
02:24Para makita natin, matrack natin, yung mula sa paggawa pa ng NEP.
02:31Sino mga naglagay niyan? Bakit mo nilagay?
02:35Diba? At saka kung wala sa NEP, kung wala sa NEP, bakit mo nilagay?
02:40Kaibigan po ba yung kontraktor?
02:42Para sa deliberasyon sa 2026 budget,
02:45suyosyo ni Soto dalhin sa plenario ang anumang panukalang amyenda sa budget
02:49para hindi lumabas na insertion.
02:50Sa isa namang pahayag na mahigit isang daang grupo mula sa iba't ibang sektor
02:55kabilang Makati Business Club, mga unibersidad at iba pang civil society groups,
02:59kailangan na raw nating makawala at talikuran ang sistema ng korupsyon
03:03na pumapatay sa mga Pilipino at sumisiraan nila sa tiwala sa gobyerno.
03:07Ang korup na sistema, dapat ang nilang palitan ng sistema ng transparency at accountability.
03:12Nanawagan sila sa DPWH at DBM at DPWH
03:16na mag-convene ng Independent Multisectoral Review Committee
03:19na binubuo ng mga civil society groups, scientists at komunidad
03:22para pag-aralan ng mga 2026 budget proposal.
03:26Nanawagan din sila na itigil na ang congressional insertion
03:29lalo sa Bicameral Conference Committee
03:31sa Pangulo at DPWH na magbigay ng full transparency
03:35sa mga flood control project na mga nakalipas na taon.
03:39Nanawagan din sa Pangulo ang mga grupo na isa publiko
03:41ang mga dokumento sa mga proyekto
03:43para sa potensyal na participatory audit ng publiko
03:46at civil society kasabay ng Commission on Audit.
03:50Dapat din daw may managot sa katiwalian,
03:52hindi lang daw ang mga itinuturing na small fish
03:54kundi mga mastermind sa likod ng eskandalo.
03:58Para sa GMA Integrated News,
04:00daan natin kung ko nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended