00:00Pinaghahandaan na ng Pilipinas ang pagsalang sa evaluation ng Asia-Pacific Group on Money Laundering sa 2027.
00:07Layon itong matiyak na hindi mababalik ang Pilipinas sa gray list ng Financial Action Task Force
00:13o listahan ng mga bansang kulang aksyon para labanan ng money laundering at counterterrorism financing.
00:19Nagbabalik si Kenneth Pasiente.
00:23Inatasan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na makiisa sa hakbang ng pamahalaan laban
00:29sa money laundering, terrorism financing at proliferation financing.
00:33Sa visa ng Memorandum Circular No. 113 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto,
00:38nagbigay direktiba ang Pangulo sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno maging sa mga GOCC at mga lokal na pamahalaan
00:45na aktibong magbigay ng suporta sa Anti-Money Laundering Council o AMLAC
00:49at sa pagbuo ng updated na pambansang estrategiya laban sa money laundering.
00:54Ang AMLAC ang inatasan na manguna sa pagbuo ng National Anti-Money Laundering and Counterterrorism Proliferation Financing Strategy 2026-2030.
01:03Pinatitiyak din sa national at local government units na tiyakin ang kanilang institutional action plan para sa NACS 2026-2030
01:10ay naaayon sa kani-kanilang kakayahan at pondo.
01:13Mahalaga ang NACS sa 4th Mutual Evaluation ng Asia-Pacific Group on Money Laundering sa 2027.
01:19Kung saan susuriin ang pagsunod ng Pilipinas sa 40 rekomendasyon ng Financial Action Task Force o FATF.
01:26Matatandaang nakaalis na sa graylist ng FATF ang Pilipinas na mahalaga para sa paghikayat ng mas maraming investor sa bansa
01:33at pagpapababa ng bayad ng international transactions kabilang na ang OFW remittances.
01:40Tiniyak ng malakanyang na may mga hakbang na ginagawa ang administrasyon upang hindi na maibalik pa sa graylist ang bansa.
01:46Sa ngayon po alam po natin nakatanggal na po tayo sa graylist ng PATF at kaya po nagpaimbestiga ang Pangulo
01:54at tuloy-tuloy pa rin po ang pagpapanagot sa mga sangkot upang maging malinis po ang ating bansa sa isyo
02:01ng korupsyon.
02:02Bukas din ang malakanyang sa mga sugestyon na magbalangkas ng batas na mas magbibigay ng ngipin para tugunan ng money
02:08laundering sa bansa.
02:09Pero iginiit na ito ay nasa aksyon na ng mga mambabatas.
02:13May 2025 nang maalis ang Pilipinas mula sa graylist ng FATF matapos mapabilang dito noong July 2021.
02:20Kenneth, pasyente.
02:22Para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
02:27Pagong Pilipinas.
Comments