00:00Sissimulan na pag-usapan ng Senado ang mungkahin na gawing trimester ang school calendar sa bansa.
00:05Ayon naman sa Department of Education, titiyakin nila na kung ipatuto pa dito,
00:10ay magiging maayos at magbe-beneficio rito ang mga estudyante at guru.
00:15Si Louise Riespe sa report.
00:20Sisimulan na sa Marso ng Committee on Education ng Senado na pag-aralan ang panukalang gawing trimester system
00:27ang school calendar ng bansa.
00:29Ayon kay Committee Chairperson Sen. Bam Aquino,
00:32suportado nila ang panukala na layong tuguna ang problema sa learning gap sa mga estudyante ngayon.
00:38Ngunit kailangan lang muna busisiin at magkaroon ng konsultasyon hinggil dito.
00:44Sa dami ng class suspension, masyado na itong kumukonte at nahihirapan na rin yung mga bata
00:49at nakakadagdag ito sa ating learning gap.
00:51Pero syempre, yung ganito klaseng reforma, hindi pwedeng padalos-dalos.
00:54Kailangan ng tamang konsultasyon at yung aming committee po mag-ihearing sa Marso
00:59para lahat ng mga grupo, mga guro, mga magulang, mga estudyante,
01:03makapagsasalita at makapagbigay ng kanilang panayam dito po sa reformang ito.
01:07Sa ilalim ng panukalang trimester system, kung may 201 school calendar days,
01:13hahatiin ito sa tatlong academic terms.
01:15Halimbawa, kung magsisimula ang klase sa Hunyo, ang unang term ay magtatapos sa Setiembre.
01:21Ikalawang term ay Setiembre hanggang Disyembre at ang huli ay Enero hanggang Marso.
01:27Bawat term may 54 hanggang 61 araw.
01:31May mga break naman para sa lesson planning at pagkakompute ng mga grado ng mga estudyante.
01:37Ayon sa DepEd, kung ipatutupad ito, titiyakin nilang maayos.
01:42Katunayan, magsasagawa na rin sila ngayon ng konsultasyon hingil dito.
01:46Samantala, si Sen. Sherwin Gatchalian, supportado rin ng panukala.
01:51Pero dapat ay tiyakin ng DepEd na may maayos na transition sa pagpapatupad nito.
01:57Hindi rin dapat makalimutan na ang sentro ng mga reforma ay nakatuon sa kapakanan ng mga guro at estudyante sa
02:04bansa.
02:04Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments