Skip to playerSkip to main content
  • 6 hours ago
PBBM, pinangunahan ang paglulunsad ng DepEd YAKAP Caravan sa Minuyan Elementary School sa San Jose del Monte, Bulacan | ulat ni Denisse Osorio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi, Pilipinas!
00:02Bayan hindi lang mga miyembro ng PhilHealth
00:04ang nakatira ng servisyong medikal sa ilalim ng Yakup Caravan.
00:09Dahil ang isang parlan sa San Jose del Monte Bulacan,
00:14niyakat na rin ang programa sa panguna mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:19Dayo ng pamahalaang matiyak na mas malusog at mas handa sa pagkatuto at pagtuturo
00:25ang mga estudyante, guro at iba pang school personnel.
00:28Yan ang ulat ni Denise Osorio.
00:32Mas tinutukan pa ang kalusugan ng mga guro at mag-aaral
00:36sa pamamagitan ng yaman ng kalusugan o Yakup Caravan
00:40na bahagi ng Expanded Consulta Program ng PhilHealth
00:44na layong pangalagaan ang kalusugan ng school community
00:47bilang pundasyon ng dekalidad na edukasyon.
00:50Personal na binisita ni ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:54at Education Secretary Sonny Angara
00:56ang Minuyan Elementary School sa Bulacan
00:59kung saan nakipag-ugnayan sila sa mga guro at school personnel
01:02at nasa higit 3,000 mag-aaral
01:05bilang pagbibigay suporta sa kalusugan at welfare ng mga ito.
01:09Kabilang sa mga servisyong inihatid ng Yakup Caravan
01:12ang blood sugar screening, vital signs assessment
01:15at diagnostic services kasama ang x-ray.
01:18Para sa mga PhilHealth member,
01:19may karagdagang benepisyo rin na hanggang 20,000 pesos worth of medicines
01:24bawat taon, depende sa availment at eligibility.
01:28Ayon kay Secretary Angara,
01:30madalas na health concerns sa mga bata
01:32ang problema sa eyesight na direktang nakaka-apekto sa pagbabasa.
01:36At sa mga guro naman, karaniwan ang high blood.
01:39So tinanong nga ni Presidente,
01:40ganun yung isang teacher na nakupo at kumukuha ng gamot.
01:43Anong sakit niya?
01:44Sabi niya, high blood.
01:44O pareho tayo, sabi ni Presidente.
01:46Dagdag pa ni Angara,
01:48kapag hirap ang bata makabasa dahil sa paningin,
01:51hirap din sila sumunod at matuto.
01:53Dahil naman sa kakulangan sa oras at bigat ng trabaho,
01:56madalas na nauurong ang medical check-up.
01:59Kaya malaking bagay para kay Mommy Joanne
02:01na dinadala ang mga health services mismo sa paaralan.
02:05Kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa pamahalaan
02:07at kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:10Dagdag pa ni Joanne,
02:12nasa mahigit isang libo rin ang nasave niya
02:14para sa pagpapacheck-up pa lang.
02:16Sa ngayon sa private,
02:17nasa ano na 500, ganyan.
02:20Tapos sa pedya naman po, 700.
02:22Kaya nagpapasalamat po ako
02:23nagkaroon po ng gantong event
02:25para sa mga bata dito sa school.
02:28Sobrang laki po ng save po.
02:31Malaking tulong ito dahil
02:32yung iba talagang
02:34di sila matuto na maigi
02:37kasi yun,
02:38hindi sila makabasa.
02:39Yung ibang teachers natin,
02:41masakit ang ulo,
02:42masakit ang pakiramdam.
02:44So malaking bagay itong,
02:45wala ng oras rin pag makapag-check-up.
02:48So malaking bagay itong health yakap program.
02:50Layon ng pamahalaan na masiguro na mas malusog
02:53at mas handa sa pagkatuto
02:55at pagtuturo ang school community.
02:57Dahil kapag alaga ang kalusugan ng guro
03:00at mag-aaral,
03:01mas tumitibay ang edukasyon.
03:03Denise Osorio para sa Pambansang TV
03:05sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended