Skip to playerSkip to main content
BABALA: Sensitibo ang laman ng video. Maging maingat at responsable sa panonood at pagkomento.


Patay na nang matagpuan ang nawalang negosyanteng babae sa Angeles City, Pampanga.


Nasa mismong bakuran lang niya ang kanyang mga labi at nakalibing sa tabi ng kulungan ng baboy.


Nawawala pa rin ang kanyang driver na itinuturing nang person of interest sa krimen.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Patay na ng matagpuan ng nawalang negosyanteng babae sa Angeles City sa Pampanga.
00:07Nasa mismong bakuran lang niya ang kanyang mga labi at nakalibing sa tabi ng kulungan ng baboy.
00:14Nawawala pa rin ang kanyang driver na itinutuling ng person of interest sa krimen.
00:20Nakatutok si Ian Crue.
00:25Sa kanilang compound mismo sa Angeles City, Pampanga, natagpuan ang bangkay ng 59 anyos na si Maria Teresa Tesmamak,
00:34ang negosyante at byuda ng dating kapina ng barangay Balibago na ilang araw nang nawawala.
00:39Lumakas ang hinala ng mga polis na nasa compound lamang ang biktima dahil wala raw nakitang bakas ng dugo
00:45sa narecover na puting sasakyan nito sa magalang Pampanga nitong Valentine's Day.
00:50Lalo't sa inisyal na pagsisiyasat ng Police Station 4 ng Angeles,
00:54may nakita silang bakas ng dugo sa pader, kartilya, washing machine at gripo sa compound.
01:01Matapos ang mahigit apat na oras sa paghukay kahapon,
01:04natagpuan ang mga otoridad ng bangkay ni Ginang Mamak na apat na araw nang nawawala.
01:09Nadiskubre ang kahinahinalang hukay sa gilid ng mga kulungan ng baboy.
01:13Ilang hakbang lamang mula sa tirahan ng driver ng pamilya.
01:16May napansin po na isang hukay na medyo malambot po yung lupa.
01:22Then habang inuhukay po yung lupa ay mayroon pong nakita na paa.
01:28Sabi ng polisya, sa lalim ng hukay,
01:30posibleng nakahandaan na raw ito bago pa isinagawa ng suspect ang krimen.
01:34Most likely po, may butas na po yun.
01:40Bakit po?
01:41Kasi imposible pong makapaghukay ka po ng ganun kalalim within a span of one hour.
01:49Kanina madaling araw, isa na ilalim na sa autopsy ang bangkay ng biktima
01:53para matukoy ang sanhin ng kanyang pagkamatay.
01:55Basag po dito sa may left part po ng ulo niya
02:01and most likely po, pinalo po yun ng isang matigas po na bagay.
02:06Durog po, parang durog po.
02:09Durog yung ginaganong, kinakapa.
02:12Durog, malambot siya?
02:14Malambot siya.
02:14February 12, nang mapaulat na nawawala ang biktima
02:17sa kuha ng CCTV malapit sa compound ng biktima,
02:21makikita ang isang lalaki na lumabas
02:23bad ng alas 7.22 ng gabi.
02:26Tinukoy ng mga kaanak ang lalaki na driver nila
02:29ng mahigit 20 taon na si Alias Manuel.
02:32Bumalik din siya sa loob maya-maya
02:34matapos sanggapin ng food delivery ng anak ng biktima.
02:38Matapos ang ilang minuto, dumating ang puting sasakya ng biktima.
02:44Alas 7.30 naman narinig sa CCTV video
02:47ang sigaw ng isang babae sa loob ng bahay
02:50na pinaniniwalaang sa biktima.
02:54Pagsapit ng alas 8.30 ng gabi,
02:56makikita ang puting sasakyan na palabas ng compound.
03:00Ayos saksi, hindi siya maaaring magkamali
03:02kung sino ang may dala nang umalis sa sasakyan.
03:14Magmamadali siya.
03:15Tapos?
03:16Pagkarapan niya, sinara niya yung hindi.
03:18May nakapumpasid na rong trisigan noon.
03:22Nakatalo? O bakit daw?
03:24Kasi binalanda niya yung sasakyan doon sa gitna.
03:27February 14, ang matagpuan abandonado ang sasakyan
03:30at nakaparada sa Magalang Municipal Plaza.
03:33Isinailalim na ito sa forensic examination.
03:36Ang lalaking driver, hindi na nakita
03:38at nakontakt ng mga kaanak ng biktima
03:41simula noong February 12.
03:44Ayon sa pulis siya,
03:45itinuturing na person of interest ang driver
03:47na target ngayon ng manhunt operasyon.
03:50Salang po yung huling nakita
03:53na kasama po nung victim po natin
03:56and huling nakita na may tanan po nung sasakyan.
04:00So we considered him as the person of interest.
04:03Ongoing pa rin po yung forward tracking po natin
04:06and sinusundan po natin itong simula
04:09through CCTVs kung saan po saan nagpunta
04:12from the time na sumakay saan ng jeep
04:15pa pasok po ng Angeles.
04:17Tumanggi muna magbigay ng pahayagang pamilya ng biktima
04:19na labis ang pagluluksa.
04:22Si Pampanga 1st District Representative
04:24Carmelo Lasatine Jr.
04:26nag-alok din ng 200,000 pisong pabuya
04:29sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon
04:32kung sino ang pumatay sa biktima.
04:34Para sa GMA Integrated News,
04:37Ian Cruz ang katutok.
04:3924 oras!
Comments

Recommended