Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinita ng isang traffic enforcer sa Amerika ang isang driver dahil sa paggamit umuno ng cellphone sa kanyang kanang kamay
00:07habang nagmamaleho.
00:08Pero ang kaso, wala namang kanang kamay ang driver na sinasabing ginamit niya sa paghahawak sa cellphone.
00:25Nang kumprontahin ay ginit ng driver na mali ang iniisip ng enforcer dahil putol ang kanyang kanang kamay.
00:31Sa kabila po nito, tinikitan pa rin ng enforcer ang driver.
00:35Nangyari ito nito lang Pebrero at batay sa ulat ng US media, dinismis ng korte ang traffic violation ng sinitang
00:42driver.
00:44Ligtas na nailabas ang isa sa limang tao na mahigit isang linggo na trap sa loob na isang kuweba sa
00:49Lao.
00:50Ang iba niyang kasama, tinuturoan namang sumisid. Nakatutok si Bernadette Reyes.
01:02Balot ng putik ng matagpuan ng rescuers ang limang Lao nationals sa isang kuweba sa Saisongbun province sa Laos.
01:10Ayon sa isang local volunteer group at state media, nagtungo sila sa kuweba para maghanap ng ginto.
01:16Inabutan sila ng malakas na ulan hanggang sa gumuho ang lupa at naharangan ng labasan ng kuweba.
01:22Mayigit isang linggong na trap ang mga biktima bago natunto ng mga rescuer.
01:28Pahirapan ang rescue operation dahil bukod sa makitid at malalim ang daanan,
01:32kailangan ding sumisid para marating ang mga biktima.
01:37Nagdala ang mga rescuer ng kumot at pagkain para sa mga biktima na nangihina at gutom na.
01:43Oras ang kalaban, lalot ayon sa isang thigh rescuer, unti-unti nang lumalala ang kalusugan ng mga biktima.
01:52Isa sa mga biktima ang nailabas na mula sa kuweba.
01:55Mahigit 30 minuto ang inabot bago siya mailabas.
01:58Kasama niya ang apat na iba pa nang matagpuan sila ng rescuers.
02:03Tinuruan sila ngayon ng mga rescuer kung paano gamitin ang diving equipment para makalabas ng kuweba.
02:09Dalawang iba pa ang patuloy na hinahanap.
02:12Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Oras.
02:18Sa mga gustong mag-Japan-Japan pero kapos ang travel funds.
02:23Love local muna tayo dahil may alternative dyan ang mga taga-bukid nun.
02:27Sa kanila kasing lugar pwedeng ma-experience ang Sakura Pios.
02:31Kuya Kim, ano na?
02:35Ang kalsadang ito sa impasugong bukid nun, agaw pansin.
02:39Ang kahabaan kasi nito, kinulayan ang mga nakahilerang puno na ulay pink.
02:44Para mga sakura sa Japan.
02:47Kahit ito ang binansagan ngayong cherry blossom na bukid nun.
02:51Pero mga punong ito, hindi cherry blossom kundi mga pink trumpets.
02:55O Tabe Buya Rosea.
02:56Ang pagtatanim nito, proyekto ng lokal na pamahalaan ng impasugong.
03:00Noong 2010, may campaign kami sa tourism namin.
03:04Almost 6 kilometers yung tinanin namin.
03:07Buya Kim, mga niya!
03:09Ang Tabe Buya Rosea, mga punong native sa Central at South America.
03:14Ang mga malalakit makukulay nitong bulaklak, hugis trompeta.
03:18Kaya tinatawag din itong pink trumpet tree o rosy trumpet tree.
03:22Dahil sa napakatingkad nitong kulay,
03:24isa ito sa mga paboritong gawing ornamental tree sa maraming tropical na bansa.
03:28Dahil naman sa atensyon na nakukuha ngayon ng mga pink trumpet sa impasugong,
03:32balak kayo ng LGU na magtanim pa ng mas maraming puno.
03:35We're trying to plant more trees kasi yung mga tao na appreciate nila.
03:40So ngayon, ang malalit, in every household, magtanim sila ng tatlong puno every family.
03:47Yung luka government, lahat yung mga toro per first natin at saka yung sahay,
03:52yung tinaniman namin para kulirik 7 to 10 years yung pamulakla.
03:56So makita na din.
03:58Tunay ng mga puno ang sagot para mas luntian este makulay ang kinabukasan.
04:03Ito po si Kuya Kim, at sanot ko kayo 24 Horas.
04:09Pumera po sa media ang mga kinatawan ng mayari at contractor ng Gumuhong Gusali sa Angeles, Pampanga.
04:15Pag tiriak po na abogado ng mayari, makikipagtulungan sila sa imbisigasyon ng mautoridad.
04:20Pero gagawa rin daw sila ng sariling imbisigasyon.
04:24Prioritadaan nila ang tulungan ng mga biktima.
04:27Ayon sa abogado ng contractor, dalawa sa mga biktima ang naabutan nila ng tulong.
04:32Pero inamin niyang hindi tinanggap ng iba ang tulong pinansyal na ibinibigay nila.
04:39Puna po namin ang kinausap yung office of the mayor po.
04:47Kasi tulad po nun sila po pwede pong tumulong sa amin.
04:51At manaliwan din po namin kakailanganin pong pinansyal na tulong.
04:58Hindi po matakasipan na for some assistance na hilingin at makakakalimus.
05:04Number one priority na mga health.
05:12Sa ngayon, tuloy-tuloy ang search and retrieval at clearing operations sa Guho.
05:17Ang Keangelo City Mayor John Lasatine, nasa 5% pa lang ang nagagawang clearing operation.
05:23At hindi pa nila matukoy kung kailan ito matatapos dahil daw sa hirap ng operasyon.
05:28Labing apat pa rin ang hinahanap.
05:31Baka puso, lalo pang lubakas at isa na ngayong typhoon ang Bagyong Doming.
05:36Huling namataan ang pag-asang sentro ng Bagyo.
05:39815 kilometers silangan ng Northern Luzon.
05:42May bugso itong aabot sa 120 kilometers per hour at kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
05:50Base sa forecast track, hindi tatama sa lupa ang bagyo na inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Lunes.
05:57Inaasahan naman magdadala ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pagulan at thunderstorms.
06:02Ang trough o buntot ng bagyo sa Batanes, Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon.
06:08South West Monsoon o habagat naman ang umiiral sa Mimaropa, Western Visayas, Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, BARMM, Batangas at
06:18Lanao del Norte.
06:19Habang nagpapaulan ang localized thunderstorms sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa.
06:25Sa rainfall forecast sa Metro Weather, posibleng light to heavy rains bukas sa Palawan, Central Luzon, Calabarzon at Bicol Region.
06:32May chance na rin ng light to heavy rains sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao bukas ng hapon.
06:39Light to moderate rains naman ang posibleng maranasan bukas sa Metro Manila.
06:43At kahit may bagyo, matindi pa rin po ang init sa halos buong bansa.
06:47Katunayan, sa dato sa pag-asa, 52 degrees Celsius ang naitalang damang init ngayong araw sa Borongan Eastern Summer.
06:55Inilabas ng SWS sa social weather stations ang net satisfaction ratings ng apat sa mga pinakamantataas sa opisyal ng bansa
07:02para sa first quarter ng 2026.
07:05Walang nag-komisyon ng survey.
07:07Si Vice President Sara Duterte nagtala ng net satisfaction rating na positive 29.
07:13Mas mataas ng one point kaysa survey noong last quarter ng 2025.
07:16Si Senador Tito Soto na Senate President pa noong isagawa ang survey, positive 15 ang net satisfaction rating, mas mababa
07:25ng one point.
07:27Nagtala naman si House Speaker Bojie Dean ang net satisfaction rating na positive 4, mas mababa ng one point sa
07:33November 2025 survey.
07:36Habang nakapako naman sa positive 9 ang net satisfaction rating, Chief Justice Alexander Guzmundo.
07:43Isinagawa ang survey mula March 24 hanggang 31 sa pamagitan ng face-to-face interviews ng 1,500 na adults.
07:51May margin of error ito na plus or minus 3%.
07:58Up next, Blue Origin Rockets sumabog sa gitna ng engine test sa launchpad sa Amerika.
08:10At kapuso celebrities at fitness enthusiasts nakitakbo sa Sparkle Run.
08:17Higanteng mushroom cloud ang idinulot na pagsabog ng New Glenn Rocket ng Blue Origin na pag-aari ng billionaire na
08:25si Jeff Bezos.
08:26Dahil gabi nangyari ang disgrasya, nagliwanag ang kalangitan at paligid ng NASA Space Center sa Cape Canaveral, Florida sa Amerika.
08:36Unmanned o walang astronaut na sakay ang rocket.
08:39At ayon sa Blue Origin, nagkaroon ng anomalya sa pag-detest ng makina nito habang nasa launchpad.
08:45Ayon kay Bezos, walang sino mang nasaktan at inaalam pa ang dahilan ng pagsabog.
08:51Binabalak na magamit ang New Glenn Mission sa pagdadala ng lunar landers at cargo sa ilalim ng Artemis Lunar Mission
08:58ng NASA.
09:00May subcommittee na binoo sa ilalim ng Senate Blue Ribbon Committee na magpapatuloy daw sa imbisigasyon sa flood control projects.
09:08At ang mamumuno rito si Sen. Rodante Marcoleta.
09:13Pero iligal ang hakbang na yan ayon kay Sen. Tito Soto.
09:16Nakatutok si Jonathan Andal.
09:21Bubuhayin ng bagong mayorya ng Senado ang mga pagdinig sa flood control scandal.
09:26Si Sen. Rodante Marcoleta ang mangunguna sa bubuwing subcommittee sa ilalim ng Blue Ribbon Committee,
09:31sabi ni Sen. President Alan Peter Cayetano.
09:34Si Sen. Marcoleta will issue the notices on Monday para ituloy na sa Thursday yung flood control scam hearings.
09:44Pero sabi ni Sen. Minority Leader Tito Soto, hindi yan legal.
09:48Paano raw bubuo ng subcommittee na hindi naman idinaan sa plenaryo?
09:52Dagdag niya bakit ang magbibigay ng notice ay vice chairman ng komite na hindi pa organisado?
09:57Si Sen. Pia Cayetano ang chairman ngayon ng komite.
10:00Vice chairman si Sen. Marcoleta at Jingoy Estrada.
10:03Dalawa sa mga miembro ng komite ay dinadawid sa flood control scandal.
10:06Si Estrada na kinasuhan ng plunder at graft sa Sandigan Bayan.
10:10At si Sen. Jesus Cudero na iniimbestigahan ng ombudsman sa parehong reklamo.
10:14Sabi ni Marcoleta, may mga natatakot lang na ipagpatuloy ang flood control probe.
10:18Aniya, pinipilit makuha sa kanila ang mayorya dahil sa takot sa Blue Ribbon Committee.
10:23Noong April 15, si Rispin din ang dating chairman ng komite na si Sen. Ping Lakso
10:27ng mga pagdinig sa flood control scandal.
10:29May nabuo na siyang partial committee report noon na resulta ng pitong pagdinig.
10:33Pero hindi niya napa-aproba sa plenaryo dahil pito lang na miembro ng komite noon ang pumirma.
10:37Kulang ng dalawa sa kinakailangang siyam.
10:39Hininga namin ang bagong pahayag si Lakson pero wala pa siyang tugon.
10:42Pagtitiyak naman ni Quietano, magiging patas ang flood control hearings nila ngayon.
10:46We want the whole truth and not only some truth.
10:51Kung makikita niyo, may conflict na kagad.
10:53Sabi ng ombudsman, meron mastermind.
10:57Sabi ni Sen. Lakson, walang mastermind.
11:00Sabi ni Sen. Lakson, ito yung mga dapat hindi imbitahin.
11:04Sabi naman ni Sen. Marcoleta, ito dapat imbitahin.
11:08Pero kini-question ni Tingog Partialist Rep. Giuda Sidre ang timing ng pagbuhay sa flood control hearing
11:14na tila sasabay sa pagsisimula ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
11:19Bakit kaya pinipilit nila na gawin ito sa panahon ito?
11:23Ngayon, baka ang iniisip nila, pwedeng, sige nga, guluhin na lang natin.
11:28Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Ora.
11:31Aristadong founder ng Gawad Kalinga na si Antonio Tony Meloto sa Anggat Bulacan kagabi.
11:36Sa visa po yan ang warrant of arrest, kag-nay sa two counts of qualified trafficking in persons
11:41na nagugat sa reklamo noong 2017 ng dalawang skolar na nakaranas umano ng sexual abuse kay Meloto.
11:49Non-bailable o walang piyansa ang kaso ni Meloto.
11:52Ayon sa abogado ni Meloto, nakikipagtulungan sila sa mga otoridad
11:55habang kinakalap ang mga detalye sa pag-aresto sa kanyang kliyente.
12:00Tinututukan daw nila ang pagtitiyak na napoprotektahan ang mga karapatan ni Meloto.
12:06Wala namang pahayag ukol dito ang mga komplena.
12:09Hahayaan na lang doon nila na gumulong ang proseso.
12:19Sa mga naghahanap ng thrill sa bakasyon, bakit di niyo subukan ng talon sa pagkasinan kung saan pwedeng mag-cliff
12:25diving?
12:26Ang iba pang pasyalan sa norte na pwedeng isama sa inyong bakasyon,
12:30bakit list sa pagtutok ni Athena Imperial?
12:37Sa mga nais mag-nature trip this summer, perfect ang view na ito sa Bani, Pangasinan.
12:44Mag-enjoy sa pagtampisaw sa ibaba sa talon na may taas na 40 talampakan.
12:50Dagdag presko ang hatid ng daming ng puno sa paligid.
12:54Sa ganda ng Busay Falls, talagang may saisay ang inyong lakbay.
12:59Bukod sa trekking, pwede rin mag-cliff diving.
13:01Kaya sa mga adrenaline junkies out there, sure na mai-inlove kayo sa talon na tinaguruan ding Spring of Love.
13:12Isagad pa ang biyaheng norte sa pagdiretsyo sa Santa Ana, Cagayan.
13:17Isama na sa inyong bucket list ang Pozo Robo Beach.
13:21Ino ang buhangin?
13:23Bonus pa ang banayad at malinaw nitong tubig.
13:26Perfect din for snorkeling ang Pozo Robo dahil sa ganda ng mga corals sa ilalim.
13:32Pwede rin mag-chill hanggang magdapit hapon para machempohan ang paglubog ng araw.
13:38O, san tayo sa susunod na pasyal o food trip?
13:41I-share nyo sa 24 Horas Weekend page ang inyong travel at food adventures.
13:48Athena Imperial, Nakatuto, 24 Horas.
13:52Lamang si Vice President Sara Duterte kay Naga City Mayor Lenny Robredo kung ngayon gagawin ang eleksyon 2028 ayon sa
14:00Pulse Asia.
14:01Head-to-head ang unang survey na kinomisyon ng Strat-based group kung nais sa eleksyon 2028.
14:0651% na nakuha ni Vice President Duterte, 41% naman kay Mayor Robredo.
14:12Hindi man kasama sa listahan, may mga nagbanggit din ang pangalan ni na Sen. Bam Aquino at Sen. Rafi Tulfo.
14:18Sa pagkabisi Presidente naman, lamang sa head-to-head surveys si Sen. Erwin Tulfo na may 46%
14:24kay Sen. Robin Padilla na may 38%.
14:28Lumitaw din sa survey ang mga pangalan ni na Sen. Rodanto Marcoleta at Sen. Rafi Tulfo.
14:33Easy na gawa ang survey mula May 3 hanggang 7 na may sample size na 1,500 at nationwide.
14:40Margin of error na plus or minus 2.5%.
14:51Ready, set, goal!
14:52Ang fans at mga sparkle artists na gumising ng maaga para makilahok sa kauna-unahang sparkle run.
14:58Nag-share naman ang mga artista ng kanilang mga essentials at playlists during the run.
15:03Yan ang act ni Shiko.
15:07Mahigit 4,000 runners, kabilang na ang mga manining na sparkle stars,
15:12ang gumising ng maaga para sumabak sa kauna-unahang sparkle run.
15:17Magkatuwang ang Sparkle GMA Artist Center, City of Manila at Run Rio para sa pagsulong ng healthy lifestyle na ito.
15:25Pinangunahan ang event ni First Vice President for Sparkle GMA Artist Center, Joy Marcelo.
15:31Ang dami sa kanila na yun na talaga yung ginagawa.
15:34Every weekend halos like sila Barbie, every weekend yan nagjo-join ng run.
15:38So why not do one of our own?
15:41It's for, you know, awakening them, the other artists also.
15:44Pati yung mga netizens na maging health conscious, running is a way of life.
15:49Abot kamay at nakitakbo with our fans,
15:53Sina Aldrin Richards, Barbie Portesa, David Litaupo, Kim G. Su, Sofia Pablo, Mikey Quintos,
16:01Alan Ansay, Royce Cabrera at marami pang iba.
16:05Nakijoin din sa Sparkle Run ang GMA News supporters and anchors na Sinarapi Tima,
16:11Marie Sumali at Aubrey Carampel.
16:13Ano siya eh, it's very grounding and parang it's also my escape from reality
16:22and time to think, time to be with myself, yung walang ibang inihisip,
16:26yung distance mo lang, yung pace mo lang, yung kakainin mo lang after.
16:32Kaya ngayon, marami ng factors tayo sa buhay na minsan nagiging distracted tayo in our everyday life,
16:37but I think fitness does not be compromised.
16:42At habang nasa running air ang ating Sparkle Stars,
16:45tinanong natin ang kanilang must-have sa kanilang pagtakbo.
16:49I just wanna listen to music.
16:51Anong nasa playlist niyo?
16:52I usually listen to mga motivational stuff.
16:56Anong nasa playlist niyo?
16:58Gusto ko ng mga EDM, para upper.
17:03Maybe upbeat music so I can run better.
17:05Hindi makawala yung water.
17:07Ibig talaga.
17:08Rap, yes.
17:10Kasi bukang liwayway na mamaya.
17:13Like, madilim pa na ako, but later tiling na yung araw.
17:15I mean, I'm just as if we're running, di ba?
17:18That was fresh.
17:18We're loving your life.
17:19It's namin hindi magja-chat.
17:21Cellphone and car keys, para after the run, pwede ako mag-selfie.
17:24Actually, I have here a bag.
17:25Kung umaraw na, meron tayong sunglasses.
17:29Tapos meron tayong energy gel.
17:33O, handheld guy.
17:34Kasi hiluhin talaga ako sa init.
17:35Dumating naman para makisaya si Nagabi Garcia, Max Collins, Josh Ford, Will Ashley, AC Martinez, at the master cutter himself,
17:45Tinggong Dantes.
17:47Congratulations sa first ever Sparkle Run.
17:51Ang saya talaga, just bringing everybody together, lahat ng mga kapuso artists natin.
17:56Sama-sama para sa isang healthy activity.
18:00The best.
18:05The best.
18:05The best.
18:06The best.
18:06The best.
Comments

Recommended