Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nagsagawa ng Multilateral Maritime Cooperative Activity ang Pilipinas kasamang Amerika at Australia sa West Philippine Sea
00:06bilang pagpapalakas ng operasyon ng Philippine Navy roon.
00:09Kabilang sa mga pagsasanay ang bagong barko ng ating Navy na BRP Jego Silang,
00:15may unang balita live si JP Soriano.
00:18JP!
00:20Igan mga kapuso, naging matagumpay at makabuluhan daw ang ginawang Maritime Cooperative Activity ng Pilipinas kasamang US at Australia.
00:27Ito ay sa kabila namang pagsulpot ng mga tila-unadvited guests sa West Philippine Sea.
00:38Mula sa Naval Operations Base, naglayad ang pinakabagong guided missile frigate ship ng Philippine Navy, ang BRP Jego Silang.
00:47Isa ito sa mga kalahok sa ikalabing apat na multilateral maritime cooperative activity ng Philippines, Australia at Amerika.
00:54Mga bansang kaalyado ng Pilipinas at kaisa sa pagpapalakas ng maritime at defense security.
01:01Ang layunin nito, makapagdaos na mga interoperability exercises na makatutulong sa operasyon ng Philippine Navy sa karagatan,
01:10kabilang na sa West Philippine Sea.
01:12Kasama sa isinagawa ang pag-landing ng AW109 chopper ng Philippine Navy sa flight deck ng BRP Jego Silang.
01:20Yan daw ay para ma-master ang mga maingat at kalkuladong paglapag sa barko, lalo pa at umaandar ito.
01:28At mga kapuso, habang approaching po tayo sa mismong area na pagdarausan ng activity sa may southeastern portion ng bawah
01:35di masinlock dito sa West Philippine Sea,
01:38nagpapatuloy yung line formation ng mga Navy ships ng US at Australia na HMAS Tawumba at USS Dewey,
01:45kasama rin po ang Philippine Coast Guard vessel na Teresa Magbanua.
01:48Isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng pagsasanay ang drill kung saan pumaligid ang mga Navy ships ng Australia at Amerika
01:57sa BRP Jego Silang.
01:58Pagsasanay ito para sa isang senaryo na kailangang tulungan at protektahan ang barko ng Pilipinas.
02:05It translates to kinetic and non-kinetic action.
02:09Ibig sabihin, in times of war, we maneuver to address a specific threat.
02:14During HADR, we also need that for search and rescue specifically.
02:20And maraming application ang division tactics.
02:24Ang pinaka-importanteng takeaway ko dito is in terms of division tactics, specifically maneuvers.
02:31Hindi tayo nahuli.
02:32Actually, we were abreast sa ating mga partners.
02:36At kung hindi man tayo nahuhuli, kasabay na natin siya.
02:41Bagaman di pa ginawa sa anumang barko ng Philippine Navy, matatandaang nagkaroon na ng mga insidente ng pagdikit at pagbangga
02:49ng ilang barko ng China sa ilang barko ng Philippine Coast Guard.
02:53Habang idinadaos ang maritime exercise, biglang namataan din sa West Philippine Sea ang dalawang PLA Navy ship ng China.
03:02Hindi naman ito lumapit pa sa mga barko ng US at Australia.
03:06These were People's Liberation Army Navy warships.
03:09We communicate with them but they did not challenge us.
03:12Bagaman pangkaraniwan ang pagdaan ng mga barko sa mga karakatan ayon sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines.
03:20Basically, these are illegal presents in the area.
03:24So as this was observed, this is going to be submitted to the proper agency accordingly.
03:29Ayon sa AFP at Philippine Navy, magpapatuloy at may mga nakaschedule pang maritime cooperative activity sa West Philippine Sea kasama
03:38ang iba pang mga bansang kaalyado.
03:40Tuloy-tuloy lang daw ito kahit paalmahan ng sino mang bansa.
03:45At Igan, kabilang po sa mga lumahok dun sa naganap na maritime exercise, yung mga nagpalipad po ng mga Philippine
03:53Navy helicopters ay mga kababaihan.
03:55Bagay po na ipinagmamalaki ng AFP at para sa kanila ay natupad nila ang kanilang misyon sa maritime activity kahapon,
04:01ito ay sa kabila ng mga illegal presents sa West Philippine Sea.
04:05At yun muna ang litest, balik muna sa iyo.
04:07Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat
04:15sa ating bansa.
Comments

Recommended