00:00The International Criminal Court is now in session.
00:03Rodrigo Rojo Luterte
00:12Sa International Criminal Police Organization o Interpol
00:16at hindi sa International Criminal Court daw
00:19makikipagtulungan ang gobyerno ng Pilipinas.
00:22Ayon sa Malacanang,
00:23kasunod daw ng paglabas ng ICC ng co-perpetrators
00:27umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang drug war.
00:31Nanindigan din ang palasyo na ang pagtupad sa obligasyon ng bansa sa Interpol
00:35ay hindi pagsuko ng ating soberanya.
00:38Balitang hatid ni Sandra Aguinaldo.
00:43Walong kasabwat umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:47ang tinukoy ng International Criminal Court o ICC
00:50kaugnay ng kanyang gyera kontra droga.
00:52Kabilang sa aligasyon ay ang pagpapatupad umano
00:55ng tinatawag na common plan
00:57o plano para i-neutralize
00:59ang hinihinalang kriminal sa pamamagitan ng karasan
01:02tulad ng murder
01:03mula 2011 hanggang 2019.
01:06Sa kaso ni Go,
01:08nagsimula raw ito ng personal aid at special assistant pa siya
01:11ni Nooy Mayor Rodrigo Duterte
01:13hanggang itinalaga siyang special assistant to the president.
01:17Walaan niyang kaugnayan ang mga bintang
01:20sa kanyang mga naging papel
01:21at responsibilidad bilang special assistant to the president
01:25at executive assistant ng alkalde noon ng Davao City.
01:29Dagdag pa ni Go,
01:30walang iligal na inuutos sa kanya si dating Pangulong Duterte
01:34at hindi rin naman anya siya susunod
01:36sa anamang iligal na utos mula kanino man.
01:39Iginiit din sa press release ni Go
01:41na ang kanyang mga responsibilidad noon
01:43ay administrative at clerical lang
01:45at hindi konektado sa police o operational matters.
01:48Sa sesyon ng Senado nitong Merkules,
01:51nakita pang dumalo si Go.
01:53Pero si Senador De La Rosa,
01:55mula Nobyembre pa hindi pumapasok sa Senado
01:57simula ng umugong na may arrest warrant na
02:00ang ICC laban sa kanya.
02:02Sa dokumento ng ICC,
02:04isinangkot siya ng mga prosecutor sa kaso
02:06mula rin noong alkalde pa,
02:08si Duterte.
02:09Siya naman ang nakaupong jepe ng Davao City Police noon
02:12at kalaunay naging PNP chief.
02:14Wala pantugon si De La Rosa
02:16sa pagpapangalan sa kanya ng ICC
02:19pero nabanggit niya noong handa siyang humarap
02:22sa anumang kaso pero sa isang korte lang sa Pilipinas.
02:26Sa isang Facebook post,
02:28sinabi ng asawa ng namayapan
02:30ng dating PNP chief na si Camilo Cascolan
02:32na sana'y nabubuhay pa ang kanyang asawa
02:35para ipaliwanag ang oplantokhang at double barrel.
02:39Sinusubukan pa naming makuna ng pahayag
02:41ang iba pang pinangala ng co-perpetrator
02:44pero kahit ipinalabas ng ICC
02:46ang pangalan ng mga co-perpetrators,
02:49hindi raw ito nangangahulugang
02:50may lalabas ng warrant of arrest
02:52laban sa kanila.
02:53Ang ICC sa ngayon
02:56ay hindi naman sinisilip
02:58o hindi nila kakasuhan
03:00yung lahat ng involved.
03:02Meron silang prosecutorial strategy
03:04kung saan yung pinaka-responsable
03:08ang kanilang kakasuhan.
03:09Sakaling maglabas ng warrant of arrest
03:12ayon kay Conti,
03:13mainam na sundin daw ng Pilipinas
03:15ang prosesong nakasaad
03:16sa Article 59 ng Rome Statute.
03:19Nakasaad dito na sa oras na matanggap
03:22ang warrant of arrest,
03:24nararapat itong ipatupad agad
03:25ng isang bansa
03:26tsaka iharap ang arestado
03:28sa Competent Judicial Authority
03:30sa naturang bansa
03:31para alamin kung tama ang proseso
03:34ng pag-aresto dito
03:35at kung nirespeto ang karapatan dito.
03:38Pero hindi nakasama ang Pilipinas
03:40sa Rome Statute
03:41matapos mag-withdraw noong 2019
03:44sa ilalim ng Duterte Administration.
03:47Nang ma-aresto
03:48noong nakaraan taon
03:49si dating Pangulong Duterte,
03:51iginiit ni Pangulong Bongbong Marcos
03:53na sa Interpol
03:54nakipagtulungan ang gobyerno
03:56at hindi sa ICC.
03:57Ito rin ang sinabi ngayon
03:58ng Malacanang.
04:00Nakikipagtulungan tayo sa Interpol
04:02but not with the ICC
04:03in the same way that
04:04we've cooperated with the Interpol
04:07during the arrest of the former President.
04:09Ganun po ang mangyayari.
04:10Yun po ang nangyari before
04:12at yan din po ang mangyayari ngayon.
04:14Nanindigan din ang palasyo
04:16na hindi pagsuko sa soberanya
04:17ang pagtupad sa obligasyon
04:19ng bansa sa Interpol.
04:21Pero sa ngayon,
04:22wala pa namang warrant
04:23na inilalabas ang ICC
04:25sa mga pinangalanang kasabwat
04:27at umanon sa drug war.
04:28Sandra Aguinaldo,
04:30nagbabalita
04:30para sa GMA Integrated News.
Comments