00:00Pinayagan ng International Criminal Court Pre-Trial Chamber 1
00:04ang mayigit 500 individual para lumahok
00:07sa confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:12Matapos ang 29 na na-admit noong January 26,
00:16pinaboran din ng Korte ngayong araw
00:18ang aplikasyon ng 500 iba pang individual
00:21para kilalanin silang mga biktima ng madugong Duterte drug war.
00:25Sa isa pang desisyon, iginiit ng Pre-Trial Chamber 1
00:28na fit to participate o maayos ang lagay ni Duterte
00:31para humarap sa pagdinig.
00:33Sa February 23, nakatakda ang confirmation of charges hearing ni Duterte.