Skip to playerSkip to main content
Umani ng samu't saring reaksyon ang mga pahayag ni Senator Robin Padilla tungkol sa depression at mga kabataan. Sabi ng isang experto, tila binabalewala at minamaliit ng senador ang karanasan ng ilan. May report si Dano Tingcungco.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Umanin ang samutsaring reaksyon ng mga pahayag ni Sen. Robin Padilla tungkol sa depresyon at mga kabataan.
00:07Sabi ng isang eksperto, tila binabaliwala at minamaliit ng Senador ang karanasan ng ilan.
00:13Mariport si Danuting Cungco.
00:17Ang mga bata po ngayon, sad to say.
00:22Kung kayong magagalit sa akin, ako maraming batang magagalit siguro, pero pasensya na kayo, you are weak.
00:30Hindi kayo, katulad noong panahon namin, na hindi kami iyakin.
00:36Mabigat ang mga binitiwang salita ni Sen. Robin Padilla sa pagtalakay sa panukalang iban sa social media mga kabataan, gaya
00:44ng ginawa sa Australia.
00:45Sa pagdinig, nabanggit din ni Sen. Rafi Tulfo ang dumaraming kaso ng self-harm sa mga kabataan dahil sa cyberbullying.
00:52Pagkumpara ni Padilla.
00:54Noong panahon namin, hindi uso yung salitang depresyon.
00:57Hindi ko nga alam yun eh, kung ano yung depresyon.
01:00Ngayon, batang maliit, sasabihin, I'm depressed.
01:04Ang mga pahayag na yan, umani ng samot-saring reaksyon online.
01:08May mga pumabor, gaya ng nagsabing mas madali raw, sumuko ang mga kabataan ngayon.
01:13May mga tutol din, at sinabing iba-iba naman ang pinagdaraanan ng bawat isa.
01:17Ang mga nakausap naming kabataan, tila nais itama ang mga sinabi ng Senador.
01:21Grabe mahina agad. Siguro naman at that time before, yung noong panahon nila, hindi siya nadadiagnosed.
01:29It's not a sign of weakness. It's also a sign of strength because the fact that you are opening about
01:34your vulnerability.
01:36Para sa isang sociologist, ang komento ni Padilla tila pagbaliwala at pagmamaliit sa karanasan ng ilan.
01:42It also erases the other identities and demographics that do experience depression.
01:49It's very dangerous, especially when we are just typifying one specific sector of the population as we.
01:55Ang depresyon, pwede raw maranasan ng kahit sino, anumang edad o estado sa buhay.
02:01Minsan, dulot daw ito ng neurochemical imbalances o iba pang kondisyon.
02:05At minsan, nakaapekto rin ang ginagalawang lipunan.
02:09Sinusubukan pa naming makuha ang panig ni Padilla.
02:11Pero sa kanyang post sa social media, sinabi niyang ang sobrang pagkababad sa digital space at social media ng mga
02:17bata ay maaaring magpahina sa kanilang emosyon at paikipag-ugnayan.
02:21Ang mga progresibong bansa na naon na raw sa digital age ay bumabalik sa basics at pinahahalagahang muli ang personal
02:27na ugnayan, dapat tayo rin.
02:29Sabi pa niya, kung gusto raw makatulong sa mga kabataan, aksyonan daw ang mga datos at hindi ang kanyang sinabi.
02:35Dan at Ingkoon ko nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:41Sous-titrage ST' 501
Comments

Recommended